Tuesday, March 15, 2005

Hindi ako si Bob Ong!

Hindi naman sa nagmamalaki ako, o nagmamayabang, o nagbubuhat ng sariling bangko. Mula kasi nung kumalat yung BIR article ko, maraming nagtanong sa akin kung ako raw si Bob Ong.

Sabi ko, siyempre, hinde. Una sa lahat, sa huling bilang ko, may tatlong libro na yung tao, at ako, isang miserableng wolf, ay walang maipagmalaki kundi itong hamak na blog na di ko pa maayos dahil tanga ako sa html coding.

Pangalawa, ang pareho lang sa amin, ay yung apelyido namin - ONG. Pero di ko siya kaano-ano, di ko siya kamag-anak, at sigurado ako dun.

At huli, sabi ko nga sa kasama ko, kung gagawa ako ng libro, malamang puro mura yun. Tapos mahal ang presyo, pero ang title ko "Librong Mura" pero may konting space sa pagitan ng "Libro" at "ng" sa title.

Malamang maraming nagkakamali kasi yung mga libro niya, makukulit. At parang ganun din yung pagsulat ko sa kalbaryo ko sa BIR. Nga pala, may TIN na ako, balita lang sa mga nagtataka sa aftermath ng article - binigay yung TIN ko 2 araw pagkatapos ma-post sa peyups.com nung article, at dineliver pa sa bahay namin yung TIN card ko - pero ibang kuwento na yun.

So anyway, nakakapagtaka talaga dahil marami ang nagkakamali sa identity ko at ni Bob Ong. Yung officemates ko dati sa VIVA, yung anak ng kasama ko sa painting group, yung mga kasama ko sa painting group, yung pinsan ko(!?), at recently, yung isang ka-tropa ko.

Pero tanungin nyo yung mga kasama ko sa Team Angas kung kaya kong mag-publish ng sarili kong libro, at baka isuka pa nila ang bituka nila sa kakatawa.

Ang pinaka-weirdong tsismis na narinig ko - anak daw ako nung isang certain big boss na sikat sa advertising industry. Dahil pareho kami ng apelyido. At ang nakakatawa, hindi ko kilala yung nagsabi nito, although na-trace yun nung ka-opisina ko dati, dahil napahiya siya nung inintroduce niya ako sa ibang tao as anak nga ni Ms. Advertising Big Boss. Nanlaki mata ko at inexplain ko agad yung maling intelligence report.

Kaya ayun, for the record, hindi ako si Bob Ong. At Bob Ong, kung nasaan ka man, papirma naman ng libro. Siguro naman mas maganda ang sulat mo kesa sa akin, para may maipakita akong ebidensya na dalawang separate entities tayo.

Okidoks, ngayong klaro na ang lahat, itutuloy ko na ang Porno part 2 para sa mga sumasakit ang mga puson diyan...

2 Comments:

Blogger lizardego said...

oy Bob,
Ipublish mo sa blog mo yung Alarm Clock. Cool yun.

7:20 PM  
Blogger handyfemme said...

Naalala ko pala tinanong ko din yan sa'yo nung kasama sina kuya Ederic. Hehe.

10:15 AM  

Post a Comment

<< Home