Monday, March 21, 2005

PORNO PORNO PORNO PORNO PORNO PART 2

(Bawal pa rin sa mga bata.)

Kung may natutunan ako sa pagtratrabaho sa VIVA, yun ay ang patterns ng erotic movies.

Tama. Hindi lang yan basta, dyugdyugan. Siyempre, alam nating lahat na may mababaw na istoryang walang kuwenta ang mga karamihan sa erotic movies natin, at usually, ang mga istorya na ito, mga trying hard na drama kung saan pinapakita ng mga artista ang kanilang itinatagong talento- na mas mabuti pang itago na lang sa baul at itapon sa gitna ng dagat.

At tulad ng Pinoy action movies natin, may mga cliche din sa TF.(Surprise!!!)

Malamang marami sa inyo ang may kopya ng "Sex in Philippine Cinema." Project ko yun kasi dati. Isang araw na lang, may dumating na job order. May inabot sa aking 5 VHS tapes na walang laman kundi mga sex scenes na pinutol at di pinayagang ilabas ng censors. Panoorin ko raw, at i-evaluate.

Yep, binabayaran ako nun para manood ng sex scenes. Yep, balang araw tatamaan ng kidlat ang opisina namin. Yep, masusunog ako sa impiyerno dahil semana santa ngayon, pero tungkol sa kalibugan at kamunduhan ang sinusulat ko.

Nung malaman ng mga ka-tropa ko yung tungkol sa project na yun (na sinabi ko ilang araw pagkatapos), nagtampo ang mga impakto sa akin. Dapat daw ginawang toma session yung viewing. Suwapang daw ako. Perv. Fine.

Anyway, pinanood ko yung 5 VHS tapes isang weekend sa bahay. Binayaran pa ako ng overtime pay para manood ng 7 oras ng sex. Isipin mo yun, ang usual na tulog ng tao, 8 hours - lintek, para akong nagkaroon ng wet dream buong gabi! Astig!

At para sa mga naglalaway, punasan nyo muna dahil sa totoo lang, medyo disappointed ako. HA? Bakit? Una sa lahat, nope, hindi ako nagsalsal - lintek, kailangan kong gawan ng report yung pina-"evaluate" sa akin, at hindi ako ambidextrous. Hindi rin ganun ka-salsal-inducing yung project, puwera na lang kung isa kang dose-anyos na batang sumisikreto sa porno ng tatay mo, in which case, welcome to nirvana!

Pangalawa, although mukhang nakakatuwa sa simula - at puta, nakakatuwa talaga - mabo-bore ka rin. Sa simula kasi, makikita mo yung mga nagsasalpakang laman, tapos mamayang konti, makikita mo, stupid na. Unless na hardcore porno viewer ka siguro, kaso ewan, magsasawa ka rin. O siguro kasi walang pinakitang penetration o genital shots, panay pumping scene na kinakabayo nung babae yung tiyan ng lalaki - WHAT THE FUCK!? PUMPING SCENE SA TIYAN? Yep. Kakagago ba? Kahit gaano kahaba etits ng lalaki, kahit umabot pa yun sa leeg niya, dun ka pa rin naman siguro kakabayuhin sa punja, di ba? Puwera siguro kung nababali ang etits mo, at nagfofold sa may tiyan...

Gusto nyo ebidensya? Hanapin nyo yung vidcaps ng "Ekis." Yung scene ni Sunshine sa sala. Punyeta, may dalawang redeeming value lang yung pelikulang yun - yung kaliwa't kanang suso ni Sunshine.

NApansin ko rin ang isang napakadalas na tagpo sa TF, ang "Masturbating Voyeur." Sa label pa lang, siguro obvious na, pero sige, explain ko pa rin:

May nagkakaplugan. Di na importante kung nasa public o private area sila. Basta ayun, sex-sex sila. Tapos may mapapadaan na tao. Makikita niya, may nag-se-sex. Makikita mo sa mukha niya ang laman ng isip niya- "Whoa! May nag-se-sex! Asteeeggg!!!" Tapos, magtatago siya, sabay silip. Cut ulit sa nag-se-sex. Cut ulit sa mukha ni voyeur. Cut sa nag-se-sex. Cut sa kamay ni voyeur. Aba! Mukhang nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ni voyeur, parang sa EVIL DEAD - pero imbis na sakalin ang leeg ng voyeur, iba ang leeg na sasakalin nito... Nanginginig-nginig pa itong gumagapang... pababa... pababa... sa isang lugar na - unless exhibitionist ka tulad nung 2 nag-se-sex - hindi sinisinagan ng araw... tapos, shake, shake, shake... Kadalasan, sabay-sabay pa silang tatlong mangingisay habang inaabot ang tugatog ng kaligayahan...

Dun sa 5 VHS tapes na pinanood ko, lumabas (no pun intended) ang "MAsturbating Voyeur" sa 3-5 pelikula. LAlaki madalas, pero nagulat ako nung makita ang "MV" scene ni Maui Taylor sa "Gamitan." Gender equality working.

Sa tape 3 yata, umabot na ako sa "GENERIC MID-90S CHEAP TF MOVIES...movies... movies.. movies... (echo)" Ulit, self-explanatory na yung label. Eto, mga 5 pelikula yata, pero mahirap malaman dahil:

1. Iisa lang ang lighting - puta naman, sabi nga nila, ang difference ng porn at art ay nasa lighting. Pero sa sama ng lighting dito, hindi na ito art o porn, kundi 100% SHET!!! ("shet" hindi "shit" para mas jologs)

2. Iisa lang ang angle ng camera - nung tiningnan ko yung catalog, iba-iba ang director ng mga pelikula, pero panay pseudonym. Understandable, kung gagawa rin ako ng pathetic porno/drama mutant movie, hindi ko lang itatago ang pangalan ko, papatayin ko rin lahat ng witnesses kapag nakuha ko yung bayad ko. Pero putsa, kung ang naisip mong pseudonym ay "Rico Mambo," wala ka na sigurong reputasyon bilang artist na dapat pangalagaan. On the other hand, gago naman yung script, gago naman yung pelikula, e di gaguhan na rin sa pseudonym, di ba?

3. Iisa lang ang background music - bwahahahaha!!! Ano pa ang mas pathetic sa classic sleazy, cheesy saxophone music? E di yung paggamit sa ISANG classic sleazy, cheesy saxophone music sa LAHAT ng love scenes sa LIMANG pelikula!

Classic pare, pagkatapos ng viewing, akala ko impotent na ako, yun pala, naubos ang lakas ko sa kakatawa!

Wheeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!! To be continued ulit!!!!!

2 Comments:

Blogger handyfemme said...

Re: Sax
Kalimitan atang tugtog diyan eh yung The One You Love, hehe. Kaya nung napanood ko dati sa TV yung trailer ng "Anakan Mo Ako", napahagalpak ako ng tawa kasi No Matter What naman ang BG music. Para siguro maiba. :3

7:55 AM  
Blogger sky said...

meron ding isang TF film na ang music composer ay si jake cayuca. puro violins, nakakairita. violins na techno. sex and violins.

pero nakakamanhid talaga ang porn as you get older. ang ginagawa namin, para masaya, since karamihan ng porn ay walang dialogue, ginagawan namin ng usapan. tapos na kami sa teorya e. application na.

11:09 AM  

Post a Comment

<< Home