Monday, April 18, 2005

Behind the Scenes Interview With Direk Monski Elagra

Sa wakas, nakabalik na rin ako. Wow, halos two weeks na walang bago. Bakit? Well, may mga araw na bangag ka, na sa kabangagan mo, na-i-inspire ka magsulat. Similar siguro sa mga moments of inspiration kapag lasing ka. Hindi lang "In Vino Veritas," kundi "In Vino... errr, kung ano man ang Latin term for inspiration" na rin.

At siyempre, may kabangagan din na, well, brain dead. Isa kang zombie. Nakatanga ka lang sa monitor mo, sa malawak na espasyo ng isang blank word document, o sa kaso ko, ang malawak na espasyo ng blank "Create New Post" field ng blogger, habang naka-auto pilot ang utak.

Saan nag-hibernate ang consciousness? Ewan. Basta pagbalik ko ngayon, eto, may mental notes ako ng isang interview ng isang fictional movie producer/director ng isang fictional movie outfit. (O interview mula sa isang alternate reality? syet, wala naman sigurong multi-dimensional side-effects ang coke sa umaga...)

Syet, ayan, so inexplain ko pa. Bad yun. Parang inexplain ko ang punchline ng isang joke. Putsa, sige, start na natin---

****************************

"Kilig To The Bones!"

by: mechajol


Malapit na akong maidlip. Luxury ito, itong oras o itong ability na maidlip. Sa mga nakaraang araw, di ako maidlip. Nahihirapan akong makatulog. Kahit na 2-3 oras akong stuck sa trapik ng C5 at high na high sa essence ng Metro Manila, pagbalik sa bahay, bagsak sa kama, hapong-hapo, pero ayun, di ako maidlip.

Pero ngayon, katanghaliang tapat, habang galit na galit ang summer sun, eto ako, nakahiga sa kama, nagmemeditate sa ugong ng electric fan... Eto na, lumulusot na ako sa boundary ng consciousness at unconsciousness... Umaalingawngaw sa utak ko ang ugong ng electric fan na ngayo'y nagiging komportableng bulong... Lumuluwag na ang paghinga ko... tapos...

Nabasag ang moment ng tila malakas na sigaw ng pangungutya ng ring tone.

Punyeta. Nakalimutan kong patayin.

Bigla-bigla, nasira ang atmosphere ng antok at idlip. Parang na-flush sa inidoro.
Wala na. Alam kong di na ako makakatulog.

Samantala, nagmumura pa rin ang cellphone.

"Hoy! May raket ako sa'yo!"

Si Chongki. Editor sa isang lifestyle magazine. Di ko alam kung magpapasalamat ako o magmumura. Lintek, matutulog na ako e, siesta ko na dapat e! Kaso, tigang na tigang na ang bulsa ko. Di makakasamang maambunan ulit ni Ninoy.

"Owrayt! Ano meron?"

"Tawag ka rito! Mababa na load ko e!"

Hehehe, hayop talaga itong si Chongki. Kuripot pa rin!

Lumabas ako sa sala, pinatigil yung utol ko sa pagtelebabad, tapos tawag na ako agad.

"Okay! Pare, tutal may experience ka naman sa showbiz..."

Geddemet! Showbiz na naman! Isang taon akong nagtrabaho sa isang movie company bilang in-house writer, pero yun na yun. Kung may nakuha ako sa culture, kakaunti lang. Di naman ako nakisocialize sa mga artista, pero well... trabaho rin ito...

"...ikaw na lang ang i-a-assign kong mag-interview kay Monski Elagra. May bagong movie kasi siyang gagawin..."

"Putsa naman, Chongki, bakit naman si Monski pa! Di mo ba ako puwede i-assign kay... RIco MAmbo kunwari? At least, bold movie yung project! Makakalibre silip ako ng suso!"

"HAy nako... kung masaya ka na sa dry humping, bigyan na lang kita ng cd ng mga na-burn kong porno! Magpaka-wholesome ka naman!"

"Oo na... sige..."

So ayun ang assignment ko - interbyuhin si Monski Elagra, writer/director ng bagong kilig lovestory film - "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!"

Binigay sa akin ang contact number ni direk Monski, nakipag-schedule ako, at ww, napakahirap. Kasalukuyan daw kasing shinu-shoot ang pelikulang "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" sa Baguio.

Oks lang naman kung sa phone gawin ang interview, kaso mahirap para kay direk Monski. Awa ng diyos, nakapag-set kami ng meeting sa susunod na linggo.

PAgkatapos ng isang linggo, nagpunta na ako sa Quezon Circle, dito sila nagshu-shoot ng isang eksena. Pagdating ko, nakatambay lang ang mga tao. Wala pa raw yung mga artista. Hinahanap ko si direk Monski, kaso mahirap makapasok sa set dahil maraming mga Uzi sa paligid. Buti na lang, nakita ko yung isang PA, si Lotlot, kaklase ko dati!

"Ano? Peach-Andrew fan ka na rin ba?"

"Baliw! Oi Lotz, interbyuhin ko bosing mo e." sabay flash ng ID.

"Ah! Sige! Sunod ka sa akin!"

Grabe, benta talaga itong pelikulang ito. Kahit na, honestly, napaka-stupid ng title. Sabi nga nila, don't judge a book by it's cover. Putsa, don't judge a movie by it's title, pero kapag "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" ang pangalan ng pelikula... errr... you be the judge.

At kapag Peach-Andrew ang tambalan, well, kailangan ko pa bang i-describe ang madla ng mga fans? Pero, ano ba? Nagdala rin ako ng maliit na notebook para sa autograph, dahil kinulit ako ng sister ko na magpapirma.

Sinamahan ako ni Lotlot, o ni Lotz (sinusuntok niya ako sa balikat kapag tinatawag ko siyang Lotlot), sa area ni direk Monski. Shake hands, introduction, sabay upo sa monobloc na silya. Start na ng report.

Matagal na ring direktor si Monski Elagra. Nagsimulang editor sa Tagalog movies nung early '80s, at nag-direk ng kanyang first teen love story film, "Love, Never Say Goodbye, My Love..." nung late '80s, under Harmony films. Ito rin ang launching movie ni Luis Baylon, at ng tragic "Starlet of the New Year" Nikki Therese.

Mula noon, laging naging involved si direk Monski sa mga youth-oriented movie at tv projects, naging witness sa rise and fall, evolutions at devolutions ng mga teeny-bopper actors at actresses.

Gaano man ka-cheesy ang mga projects ni direk Monski, medyo weird pa rin sa part ko, na interbyuhin ang taong responsable sa mga pelikulang nagpayaman sa mga stockholders ng Candida Notebooks. Ahhh... ang masasayang taon ng dekada '80... kapag sinabi ng teaher mong pass your notebooks, aalon sa classroom ang makikinang na mga ngiti ni Nikki Therese na naka-japorms pa ng acid wash na maong...

******

Mechajol: Direk, maraming thank you po at napaunlakan nyo kami, despite your busy schedule...

Direk Monski: Ahahah... no problem...

M: Okay, so ang tsismis daw kasi, ito raw movie nyong "Love kita... Wakeke..." err...

DM: "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!"

M: Heheheh... yep, yun nga, well, ang motivation daw ng pag-produce nito ay para maisalba ang ailing film industry?

DM: Yeesss... Naghihingalo na kasi ang industriya ngayon! Nakakalungkot isipin talaga! Hay naku! So nag-brainstorm kami ni Big Daddy (Ramirez, owner/executive producer of Harmony Films) and we decided na the best way to revitalize the industry is by releasing a new teen movie na super kilig!

M: Interesting... direk Monski, how does your new movie change the...

DM: Uh-huh, you see kasi, ang daming problems ng film industry - isa na rito ang piracy... number one yan 'no? Tsaka foreign movies!

M: Cool. So, paano sasagutin ng "LABS KITA! ...O DI BA? ...OKEY KA LANG? WA... WAKEKE... KEKEKE... KE!!!" ang crisis ng local film industry? yung piracy, for example?

DM: First of all kasi, nobody watches movies that much anymore, and if they do, they watch foreign films! How about you? Kelan ka huling nanood ng movie sa sinehan?

M: Hmmm... guilty. So I assume itong next movie nyo, super ganda niya na talagang papanoorin ng mga tao sa sinehan, at hindi sa isang pixelated vcd na nabili sa bangketa?

DM: Hahahahaha! Yes, exactly! "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" will feature a very impressive roster of young talents, and a very gripping storyline! "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" will open a new age in Philippine Movies!

M: Whoah. Astig talaga ang "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKEKEKE!!!"

DM: Mech..?

M: Yep?

DM: Sorry, it's "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" Sumobra ka ng "KEKE."

M: Oh.

M: ...

M: Okay. "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!"

DM: Yes. Please don't get the title wrong... Hahah... there's a symbolism there...

M: Really. Teka, scratch ko lang yung "KEKE..."

DM: Hahahaha!!! Ano ka ba? Mahilig ka dun ano? Sa "KEKE?"

M: Errr... haha. So anyway, direk Monski, you were saying about the title?

DM: Ah yes, the symbolism! Connected sa story yun! And I guarantee, kikiligin ang madla sa story!

M: Hmmm... so puwede mo kami bigyan ng hint sa story ng, errr... "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKE... KE... KE..." (5... 6....)

DM: Well, Si Peach Mendoza, she plays this rich kolehiyala who falls head over heels with the character of Andrew Salazar. Andrew plays a happy-go-lucky student na jologs!

M: Teka...

DM: So at first they don't get along with each other, pero Andrew will charm Peach!

M: Direk Monski, yung movie, ma-i-involve ba yung isang sindikato na ang lider ay yung karibal ni Andrew?

DM: Huh! My god! You read the script? Sino nagpabasa niyan ha? Sino? Hahaha...

M: Actually... wild guess...

DM: Well yes, Raymond Peran will play Andrew's rival, tapos may small gang siya and they will kidnap Peach! Siyempre, Andrew will try to rescue Peach. Can't say anything about what follows next!

M: Dance number sa beach, or, in this case, sa Quezon Memorial Circle?

DM: Hahaha! But the question is... what song!? It's a secret!

M: Okay. So about the title... bakit "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!"

DM: Well, kailangan kasi kilig movie, and don't you feel kilig just by reading, saying or hearing the title?

M: Konti. Siguro.

DM: C'mon! Manhid ka bang bata ka? Hahaha... sige, try mo sabihin. With feelings!

M: errr... "LABS KITA... ...O DI BA? OKEY KA LANG..? WAKEKE!"

DM: Tsk! With feeling! And mind the number of "ke!" May symbolism yun!

M: labskitaodibaokeykalangwakekekekekeke.

DM: I can't hear you!

M: LABSKITAODIBAOKEYKALANGWAKEKEKEKEKEKE!

DM: Tsk! Boy, you need to practice and emote more! Hahahaha!

M: You mentioned something earlier about a symbolism sa title?

DM: Ah! Yung title kasi, yun yung linya ni Andrew kaya niya napa-in-lab si Peach!

M: ...and?

DM: That's it! HAhaha...

M: Huh? That's what?

DM: The symbolism!

M: Errr... excuse, Direk, pero di ba parang similar yung story ng movie na ito sa "HABANG BUHAY" na lumabas nung mid-90s?

DM: Ah! "HABANG BUHAY" starring Ina delos Santos and Don dela Cruz! Similar perhaps, but drama yun! KAmi, we are filming a light-romantic comedy na may hint of action! May drama nang kaunti, pero hindi heavy!

M: Okay.

DM: Ikaw, did you see that movie?

M: Err... unfortunately, yes. Pinagawang movie review ng teacher ko dati nung highschool. After namin panoorin, yung teacher namin nag-comment at yung comments niya, suspiciously eksaktng-eksakto dun sa isang review na nabasa ko na gawa ng isang columnist.

DM: Kinilig ka ba?

M: Sa kakatawa, yes. Mukhang unggoy yung lalaki, at di ako makapaniwala sa story na iiwan ni Ina yung disente niyang boypren para sa isang gorillang tulad ni Don.

DM: Well, sa "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" puro cute ang mga stars! Walang pangit na matinee idol na naging artista lang because his parents are established actors!

M: Well, tama ka dun. Pero teka, sufficient ba na mag-rely sa kilig factor at sa artista lang? Most of the foreign movies kasi, have them, plus better quality and production...

DM: Mech, I've been doing this for how many years na..? Haay... Hahaha... Ang tanda ko na pala... Anyway, I've been doing this for a long time na! And the formula still works!

M: Formula over creativity... ang essence ng Tagalog movie production...

DM: Hey, if it ain't broke, why fix it? If it sells, why experiment? Di ba?

M: Nga pala, are any of the actors around?

DM: Andrew is resting in his tent. Si Peach, medyo late darating... Hay naku, itong madlang pipol kasi, di kami makapag-shoot agad... well, that's showbiz...

M: Asteegg! So, direk Monski, thanks for your time! We wish you goodluck sa "LABS KITA! O DI BA? OKEY KA LANG? WAKEKEKEKEKEKE!!!" (...4 ...5 ...6)

DM: Yes! Thanks also, Mech! I'll send you some passes na lang! Bring your girlfriend to the opening ha! I bet you'll both enjoy it!

M: Hahah! Sure!

******

Pagtayo ko, nilapitan ko na si Lotz para magpaalam. NAkipagsiksikan ulit ako palabas ng perimeter. Tinext ko na rin si Chongki - mission acomplished.

Pag-uwi ko sa bahay, tinabi ko muna yung tape recorder sa desk ko. May ilang araw pa naman bago yung deadline. MAmaya, i-ta-transcribe ko na yung interview, o kahit bukas na.

Tinawagan ko si Chongki sa opisina.

"O, musta interview?"

"Oks lang, dre."

"Nakapagpa-autograph ka ba? Cute daw si Peach sa personal a!"

Syet, ang autograph. Magtatampo yung kapatid ko. Kunwari na lang wala yung mga artista dun...

"Wala raw si Peach e. Late daw."

"Okay lang yun, artista yun e, pero yung article mo, dapat hindi late! Haha!"

"Oo na! Oo na! Yung bayad ko rin dapat hindi late!"

"Uy! Counter-attack! Hehehe!"

Binaba ko na yung phone, at nagsindi ng electric fan. Ahh... ang ugong ng electric fan... parang mantra sa kainitan ng summer...

Buti na lang may nagtimpla ng orange juice. Nagsalin ako sa baso, naupo sa sala para manood ng tv. Haaayyyyy... lintek na trapik...

Pagsindi ng tv... isang public service ad against movie piracy. Pinapatay raw ang industriya. Piracy... piracy... piracy... kulang na lang sumigaw ng "Putanginang Pirata!" yung voice over.

Hehe, isa lang ang masasabi ko.

Wakekekekekeke.


--------------------------------------

PS:
Isa sa mga unang rules sa writing na tinuro sa amin sa department: Never explain your work. Pero para sa mga lumampas sa sinulat ko sa taas, fictional ang tagpong ito. Lahat ng characters na nabanggit, mga pangalan, mga pelikula, ay fictional lang... puwera lang sa Quezon Circle, at kay Mechajol. Tangina, ang pangit na ng ending... tsk-tsk...

1 Comments:

Blogger lizardego said...

oi bob,
asan yung part 3 ng porno mo?

4:11 PM  

Post a Comment

<< Home