Monday, April 25, 2005

Ong Bak

Kung matutong gumawa ng matinong action movie ang mga Pinoy, parang Ong Bak ang resulta. Ano ba ang Ong Bak? Isang Thai action movie na, sana, ay showing pa rin ngayon. Must see, pare. Gusto mo ng badass all-out bakbakan? Two Words - Ong Bak.

Maganda nga ang mga suave at smooth na choreoographed fight scenes sa Crouching Tiger, pero ayun, ang keywords dun ay "choreographed," "smooth," at "suave."

Sa Ong Bak, kung idedescribe ko ang fight scenes, understatement na ang "rough."

Nagsimula ang lahat nang nakawin ang ulo ni Ong Bak, o yung buddha na statue, sa isang maliit na village. Malungkot ang lahat, pero di tulad ng mga dukha sa tagalog movies na walang ginawa kundi umatungal at umatungal nang sobrang lakas na gusto mo nang ihampas ang remote sa tv, tahimik na nanlulumo ang mga Thai villagers. Pinadala nila si Ting, ang local martial artist nilang kamukha ni Mark Dacascos, sa Bangkok para hanapin ang magnanakaw na si Don, isang payatot na lalaking kamukha ni Mike Nacua.

Sa pagpunta sa Bangkok, nakilala ni Ting si Hamlae, ang token comic relief, conman with a golden heart, at si Muay, babaeng kasama ni Hamlae na tinagusan sa isang eksena. Hehe.

Sa ending, siyempre, nabawi rin ni Ting ang ulo ni Ong Bak. Happy ending.

Okay, so malabnaw siguro ang plot. Medyo predictable sa ilang parts, pero, bro, di mo papanoorin itong pelikulang ito para sa plot. Nanonood ka ba ng TF films para sa plot? Nanonood ka ba ng action films natin para sa plot? At sa dalawang huling example, loose pa ang paggamit ko ng term na "plot."

Kaya eto, diretso na tayo sa pinaka-essential element ng Ong Bak - Action!

Analyze natin muna ang bida natin. Si Ting, isang martial artist. Di niya kailangan gumamit ng baril. Di niya kailangan magkaroon ng leading lady na pokpok o prostitute, na napaka-ironic kung icoconsider na sa Bangkok ang setting natin. Di kailangan ni Ting ng love scenes. Di niya kailangan ng mga korning dialogue na mala-"HINUKAY KO NA LIBINGAN MO! ISANG BALA KA LANG HAYUP KA!!!" Di kailangan ni Ting na ipagmayabang ang machismo niya habang nakasuot ng maong jacket!

Ano ang kailangan ni Ting? Braso't tuhod. Lintek, huling beses na naumpog ang siko ko sa gilid ng mesa namin, "nakuryente" ang braso ko, tapos kagat-labi pa akong nagmumura sa sakit, kaya isipin mo na lang yung gulat namin ng mga tropa ko nung makita namin sa TV screen yung martial artist na nakikipagbasagan ng mukha gamit yung siko niya!

At kung iisipin mong ito rin yung lalaking binlock yung lagari ng kalaban, gamit yung braso niya, o nung hinati niya yung helmet nung kalabang may baril na tinamaan ng FLAMING KICK (as in, lterally, nag-aapoy yung mga binti ni Ting sa scene na yun!), kailangan na nating mag-imbento ng bagong salita para sa ganitong level ng pagka-bad-ass!

Siyempre, maganda rin ang pagkaka-shoot sa mga fight scenes! At the most, masasabi mong inspired sa video games ang bakbakan, at may pagka-anime rin sa ilang parts!

Case in point na lang yung fight scenes sa undergorund battle arena. Dito kasi sa scene na ito, yung big boss ng sindikato na boses-robot, laging natatalo sa bet dahil binubugbog lagi ni Ting yung mga fighters niya. Kaya eto, resbak!

Unang kalaban ni Ting si Big Bear, suspetsa namin, nag-sideline dito si Triple H, tapos nagsuot ng wig ni Cher para di makilala. Anyway, pinipilit niyang lumaban si Ting, pero dahil nga sa martial artist ang bida, di siya naghahanap ng basagulo. Kaya no ginawa ni Big Bear? Hinarass niya yung waitress na kapareho niya ng hairstyle. Ngayon, yung boypren nung waitress, kick boxer pala, nilabanan si Big Bear, pero bale wala yung mga sipa't suntok! Tsk-tsk! Lalabanan kaya ni Ting si Big Bear? Mananalo kaya siya sa... POW! Talo si Big Bear.

Kala ni Ting oks na, pero pikon si Big Boss na boses-robot.

Lumabas na ang next opponent, isang mokong na nakasuot ng japanese school uniform. Nakalimutan ko pangalan, Yoshiro yata o ano. Basta martial artist din siya, mabilis! Pero, ayun, mas mabilis pa rin ang mga tuhod at siko ni Ting.

Okay, di pa rin magpapatalo si Big boss na boses-robot!

Next opponent, si Billy Kane ng Fatal Fury! O at least, look-alike! Kung ang powers ni Big Bear ay yung mala-batong muscles niya, at si Yoshiro ay yung speed, ano ang powers nitong huling opponent?

Anything goes martial arts!

Pinagdadampot ng kalaban at pinaghahampas kay Ting yung mga random props sa bar! Actually, mas mahirap sigurong sagutin kung ano ang HINDI hinampas kay Ting! Mula sa mga upuan, mesa, kahit na yung neon sign sa pader, tumama sa ulo ni Ting! At, mantakin nyo ito, REFRIGERATOR!!! Binuhat ng kontrabida yung refrigerator, at binangga nang binangga kay Ting!

Pero nanalo pa rin si Ting! O di ba? Sinong tao ang makakasurvive kapag hinampas ka ng ref? Take note, di niya mailagan yun, talagang inabsorb ng katawan niya yung full force ng impact! Pero sa end ng round, sino ang nagwagi? Yung taong nagbablock ng lagari gamit ang braso niya!

Siyempre, di kumpleto ang action movie kapag walang chase scenes! May 2 ditong notable- yung una, hinabol ang grupo ni Ting ng mga gangster sa mga alley ng Bangkok. Kung nanonood ka ng mga lumang JAckie Chan movies nung '80s, ganito ang rendition ng chase scene sa Ong Bak - amusing at may halong humor, na mas pinaganda ng mga impressive stunts na di magagawa ng mga overweight, maong jacket-clad, japorms-only, action stars natin!

Pero ang paborito ko pa rin ay yung second na chase scene ng pelikula - Car chase, o para maging eksakto - TUKTUK CHASE!

Ano yung tuktuk? Well, kapag nag-asawa ang jeepney at tricycle, Tuktuk ang magiging anak.

Check nyo yung link:
http://mutekaturyuu.seesaa.net/image/tuktuk.jpg

Ang equivalent nito sa atin siguro, parang car chase na puro tricycle!

Korni ba pakinggan? Boring?

Siguro nga, pero kung kasing-astig ng martial arts ni Ting ang execution, panalo! Sasabihin ko nang no doubt, eto ang pinaka-astig na chase scene na napanood ko! Walang sinabi yung CG highway scene ng matrix reloaded!

Panalo ito, kasi kakaiba! Ridiculous din kasi di ba? Naghahabulan sa highway, mga tuktuk? May humor dun, mala-anime! LAlo na yung part na nag-somersault yung tuktuk habang sumsabog yung ibang tuktuk!

Love scenes? Wala! Hindi ito chop seuy action-drama-sexy-comedy film! Ang pinakamalapit na sexy scene dito siguro ay yung scene na sinusupalpalan ni Don (yung villain na kamukha ni Mike Nacua) ng droga yung isang pokpok, at siyempre kailangan mong maging sick para ma-arouse dun!

Love story? Ulit, walang love story dito! May leading lady si Ting, si Muay, pero di sobrang pa-cute (o siguro nagpapcute pero di magaling magpacute kaya di ko napansin). Leading lady na hindi romantic interest? BAka may love angle sa story na di na pinagtuunan ng pansin, salamat kay Buddha. Grabe, si Muay rin yung babaing tinagusan sa isang scene, hehehe!

Supervillains? So nandun si Don, nandun din yung mga fighters sa battle arena, yung big boss n mala-rbot ang boses, at si Steroids Pacquiao! Okay, so inimbento namin yung pangalan na yun, pero si Steroids Pacquiao kasi, siya ang bodyguard nung big boss. Matinding martial artist siya na hawig ni Manny Pacquiao, pero ang kanyang lakas, galing steroids! Syet, nung huling laban nila ni Ting, para makarecover siya, kumuha siya ng isangdakot na steroids, at itinurok sa utong niya! Instant power boost!

DVD o Movie?
I-re-recommend ko yung DVD. Di lang dahil sa makakatipid ka in the long run (dahil pirata yung kopya nung sa kaibigan ko), kundi dahil na rin sa mga special features! Dito makikita mo yung storyboards ng movie (lintek, dito sa pinas, sa advertising lang yata ginagamit ang storyboards), at kung paano na-simulate sa 3D animation yung Tuktuk scene bago nila shinoot! Cool din yung rehearsals ng mga fight scenes, grabe!

Kaya ayun. Sulit ang Ong Bak! Akala ko talaga nung una, korni. Parang yung Bangkok HAunted, kala mo nakakatakot, pero sa sobrang pathetic, naging comedy. Kala ko ganun din yung Ong Bak, at buti na lang, mali ang akala ko! Enjoy rin manood ng martial arts na siko at tuhod ang gamit, lalo na yung nilabel naming "Itik Itik Elbow Head Crusher of Death" - makikita nyo yun sa movie! Hehehe!

Kung may masasabi akong masama sa napanood ko, yun siguro yung subtitles. Mukhang textspeak lang ang kayang isulat ng writer ng subtitles, at sablay rin yung grammar. Pero, shakesperean pa rin kung ikukumpara mo sa subtitles ng Ghost in The Shell 2 na
DVD.

Lintek, sa next DVD hunt ko, kukuha talaga ako ng isang kopya nito. Asteeeggg!!!!

2 Comments:

Blogger sky said...

...at wala ring song and dance number ano?

cue in "doon lang" sung by fpj, or "sumayaw sumunod" by jinggoy estrada and judy ann santos.

2:27 PM  
Blogger handyfemme said...

Hehe, mapanood nga yang Ong Bak.

Parang alam ko na bakit may Dollar sign yung username mo. Teka, binago mo ba yung code? :D

Angelatin
http://angelasolis.ph

10:07 PM  

Post a Comment

<< Home