Thursday, April 28, 2005

WHAT THE FUCK!?

Paki-eksplika nga sa akin...

ANONG GINAGAWA NI KRIS AQUINO SA BAGONG COMMERCIAL NG SAN MIGUEL BEER!?

May balak bang mag-corporate suicide ng San Miguel!? Kung sino man ang gumawa nung ad na yun, malamang galit sa mga tomador! Syet! Anong susunod? Si Boy Abunda, makikipagtagayan ng Ginebra?

Oi! Campaignable yun! Habang nag-iinuman yung mga tao ng Ginebra, papasok si Boy Abunda sabay banat sa kanyang pseudo-intellectual malanding boses - "BILOG ANG MUNDO, PARANG ULO KO! MWAHAHAHA!" Tangina, buuin ko na yung storyboard... pang-portfolio din yun...

Maraming salamat, mga paksyet! Beer na lang ang isa sa mga pleasures ng aking pathetic na buhay, at kailangan pang lumabas ng shit na'to!

At ang nakakainis? Balak ko pa man ding gawing "tagline" ng blog na ito - "okay basahin nang may hawak na malamig na bote ng beer." Ngayon, hindi na...

Pero strategy kaya talaga ito? Sa dami ng mapi-piss off na beer drinkers sa bagong SMB ad, lalo silang magpapakalasing para malimutan yun. Tapos tataas ng 200% ang sales nila...

Langhiya, magtitiis na lang ako sa sioktong mula ngayon...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home