Tuesday, June 07, 2005

Kuwentong Kuba

Di ko talaga intensyon panoorin. Nandun lang ako sa telepono kagabi, nagfa-follow-up sa isang kaibigan, pero di ko maiiwasang mapatingin sa TV sa sala namin, kung saan nanonood yung mga tao ng first episode ng Kampanerang Kuba.

Okay, una sa lahat, wala akong galit sa mga kuba. Nagda-drive ako ng isang VW Beetle, na obviusly, ay Kotseng Kuba. At hindi ako role model ng good posture (kapag writer ka, malaking problema ang laging nakapasan sa likod mo)at ilang beses na akong napagsabihang wag maglakad nang may slouch.

Pangalawa, wala akong comment kung ano ang gustong ipalabas ng channel 2. Putsa, telepantasya naman yan, di ba? MAs cool nga actually ang genre na ito kesa sa telenovela. At least nagiging creative na at imaginative ang networks. (Oks na sana, kaso kailangan pa nilang maglabas nung soap opera na rip-off sa mga "batang yagit" nung 80s). Nagkaron na tayo ng sirena, mga taong "mey melelekeng pekpek," superheroes, at ngayon, mga kuba.

Ayan, nag-start na... WHAT THE HELL!?

Okay, so may nakikita akong CG ng 2 gargoyle statue na parehong ka-boses ni Kiko Matsing. Siguro masyado akong high sa optimism ko kanina na di ko naisip na di tayo puwedeng gumawa ng isang bagay na walang rinirip-off sa iba. Example na'to.

Oks lang sa akin na nagmukhang intro sa Hiraya MAnawari, o Kulit Bulilit itong intro ng Kamapanerang Kuba. MEdyo gulat siguro dahil parang masyadong pambata yata ang target ng palabas dahil pa-cute yung CG.

Pero, sus naman! Kailangan mo bang i-rip-off yung idea ng nagsasalitang gargoyles ng Walt Disney (na actually, ay isang malaking ka-stupiduhan ng Disney)? Di na ako magugulat kung inintroduce nung mga Gargyle ang sarili nila bilang si "Victor" at si "Hugo." O "Quasi" at "Modo." O para mas korni, si "Ku" at si "Ba." Anyway, di ko rin naman nakuha ang pangalan ng dalawa, so no further comments na lang.

Isa pang problema ko rito ay napaka-alien ng church gargoyles sa Pinas. Sa bansang ito na tinatawag na Satanista ang mga punks, saan ka makakakita ng Gargoyle sa tuktok ng simbahan? (Hindi counted si Bro. Mike at si Soriano, siyempre kasi wala naman silang simbahan, di ba?)

Ang pinakamalapit na "gargoyle" na nakita ko ay yung mga "Chinese Lions" na istatwa sa bakuran ng San Agustin Church sa Intramuros. Ngayon, di ba mas orig nang konti kung mga Chinese Lions ang nagsasalita, hindi gargoyles na bato?

Okay, so na-distract ako dahil may kausap na ako sa telepono. Tapos, may narinig akng weirdo. Music. Disco music. Pagtingin ko sa TV... WHAW!POTAH! NAGSASAYAWANG MGA KUBA!

SYET! MAY MGA KUBANG NAGDA-DANCE NUMBER SA TABI NG ILOG!

Di ko alam kung matatawa ako o ano! Ang daming kuba - at galing ito sa taong uma-attend ng car shows ng Volkswagen Club!

At ayun, nalaman ko, ito pala ang kaharian ng mga Kuba. Apparently, ang mga kuba ay mga magical beings na parang engkanto, at nakatira sila sa isang kaharian sa tabi ng ilog kung saan sila'y masayang nagdadance number. Owrayt! Matutuwa siguro ang tatay kong surrealist dito.

Tapos makikita natin ang prinsipe ng mga kuba. Okay, prinsipe siya ng mga kuba, pero puno ng langib yung mukha niya. Alam nyo ba yung asukal sa banana-q? Di ba buo-buo yung crust ng asukal sa banana-q? Ganun. Ganun ang mukha ng prinsipeng kuba. So, bukod sa pagkakaroon ng bukol sa likod, ang requirement din para maging kuba ay yung burog sa mukha.

Ewan ko kung ilang kuba ang na-offend sa pilot episode na ito. O ilang tao.

Anyway, biglang lumabas ang errr, sidekick-alalay ng prinsipeng kuba, isang unano. Isang unanong nakasuot ng costume na rip-off kay Piglet sa Winnie the Pooh. Great.

Marami pang mga mythical characters sa kaharian ng mga kuba. May nakita akong cyclops dun, at babaing may ilong ng baby, pero di ko na napansin kung kuba sila. Pero syet, para maging kuba at cyclops? Lintek, napaka-kawawa mo na nun. Kailangan mo sigurong maging politiko sa past life mo para ma-reincarnate bilang kubang cyclops.

Sa kasamaang palad, di ko na tinuloy ang panonood sa TV. Huling tingin ko, mukhang may lindol sa kaharian ng mga kuba, pero nandun pa rin ang mga kuba, nakatayo sa tabi ng ilog, mukhang bad trip dahil naunsyami ng lindol ang isa na namang dance number.

Okay, so siguro unfair masyado na i-judge ang palabas na ito sa unang episode pa lang. Tutal, may room pa naman for improvement ang isang palabas na may Disney rip-offs at nagsasayawang kuba, di ba?

At susmaryosep! Ano ba problema ng camera? Bakit screwed up ang mga kulay sa palabas? May sale ba ng kulay orange na pintura o nalublob ba sa orange juice yung film? May malaking demographic ba ng mga color blind sa audience? Naknangsiomai, sobrang tingkad ng mga kulay ng Kampanerang Kuba, nagalgal yata ang colored TV namin!

Pero kung may natutunan ako sa mga raket ko, at mga toma sessions, hindi pa tapos ang script ng isang telenovela. O telepantasya. O kung ano man ang i-label diyan. Ni wala pa yatang nakakaalam kung anng direksyon ang tatahakin ng kuwento, o kung paano ito magtatapos.

So itataas ko na lang ang aking bote ng tubig sa pag-asa na, ayun, mag-i-improve ang palabas.

Cheers.

2 Comments:

Blogger handyfemme said...

sinilip ko iyong pilot ep via tfc. potek, panira agad yung cg. tapos mga gargoyles. na-turn off ako sa palabas. at saka si yul servo (sp), may eksena na dudurugin ng tauhan ng tatay ni jean garcia yung tuhod nya gamit yung malaking bato. hindi ko alam kung nagsisigaw sya sa takot kasi nakatawa pa rin sya. anak ng tinapay na yan.

gelay
http://angelasolis.ph

12:43 PM  
Blogger Aris Remollino said...

LOL, meron din tayong mga gargoyle sa simbahan natin: yung mga krus—panakot sa mga heretic. Kasi, 'pag nakita ng mga heretic ang krus, naaalala nila yung mga heretic na Knight Templar na sinunog at ni-lynch ng simbahan dahil ayaw tanggapin ang krus bilang simbolo ng mga Kristiano (ayon sa mga Templar, insulto raw kay Kristo yung paggamit ng instrumento ng kanyang kamatayan bilang alaala sa kanya).

Bukod dun, naaalala din nila si Kristo na ipinako sa krus dahil sa paggiging heretic. (Palagi namang tinuturo ng simbahan na masama ang mga heretic, 'di ba?)

11:07 PM  

Post a Comment

<< Home