Thursday, June 30, 2005

May mga araw na gusto kong ibato ang TV namin sa labas...

Part 1: Oposisyon

Nanonood ako ng news kagabi dahil gusto ko makita kung ano pa ang mga susunod na events na mag-a-unfold sa Gloria tapes telenovela, tapos, ayun. Si Susan Roces, galit na galit. Gustong mag-incite ng EDSA 4 na hindi. Salamat na lang sa mga reporters na nagtatanong ng obvious o nang-gagatong lalo.

Kahapon sa speech ni Susan Roces, sino ang mga taong nag-i-eat-bulaga applause (run in place, clap hands above head - eat bulaga applause ayon sa officemate ko)? Mga taong walang magawa sa buhay nila, tulad na lang kunwari ni Ely "Pamakuan" - yung patriotic asshole na kung hindi nagkakalat ng pako sa EDSA, nangangarap na dumila sa wetpaks ng mga kano kasama ng kanyang Dicovery Crusade.

Tama yan. Sige, mag-EDSA 4 tayo! Tapos magtanong tayo ulit kung bakit walang mangyari sa atin!

Ganun na lang lagi di ba? Patalsikin si Erap. Patalsikin si GMA. Pagkatapos, ano? Patalsikin si Noli? Patalsikin si Loren? Patalsikin si Susan?

Okay, siguro obvious nang wala na akong bilib sa Pinoy. Wala na akong bilib sa masa. Syet, mamatay na ang masa, mamatay na ang Pinoy. Mahiga na tayong lahat sa communal na libingang hinuhukay sa atin ng majority.

Nagsimula yung disappointment ko nung EDSA 3, nung sumugod ang mga iskwater na ERAP loyalists sa EDSA Shrine, at nung panahon na yun, zero crime rate daw sa Metro Manila. Punyeta, sinipa natin si Erap, tapos eto, EDSA ulit para ibalik siya.

After nun, yung election. Paano mo ba maipapaliwanag kung paano naging Senador si Jinggoy at si Loi? Simple, hangal ang mga botante.

Tapos ngayon, eto na naman. Yung mga aktibistang galit dati kay Erap, sumama na sa mga Pro-Erap dahil galit sila ngayon kay GMA. Ewan ko, pero sa tingin ko may limitasyon ang mga salitang "The enemy of my enemy is my friend."

Anti-Erap ako nun, at sus, Anti-GMA ako ngayon. Pero makikisama ba ako sa mga Pro Erap na anti-GMA ngayon? Paano kung ipinagdadasal kong mamatay na silang pareho?

Labo-labo na e. Wala ka nang ganang pumanig kahit saan. Sino iuupo ng oposisyon kung matanggal nga si GMa? Si Susan? Si Erap ulit? Bulok ang administrasyon, bulok din ang oposisyon. Sabi nila, mas mabuti raw ang demonyong kilala mo, kesa sa demonyong di mo kilala, pero sa kaso ngayon, puro mga recycled na demonyo ang nakapaligid sa atin, at di mo rin masabi kung sino ang lesser evil.

Ang positive side sa lahat ng ito? Mukhang wala nang ganang mag-EDSA ang mga tao. Buti naman.


Part 2: Administrasyon


Nonsense. Ano ang punto ng lumabas sa TV at amining sa'yo yung boses sa tape, kung ang apology mo lang ay dahil sa gumamit ka ng telepono? Ewan, siguro same point ng pag-preach ng austerity measures habang nagbabakasyon sa China kasama ng buong angkan.

Okay, kung di pa sapat na insulto sa talino ng mga tao itong apology na ito, kailangan pang i-hype ang napaka-patriotic na sakripisyo ni First gentleman Mike dahil na-exile siya sa US.

Awwww... touch naman ako.

Kawawa naman si Mike, kailangan niyang iwan ang Pilipinas para magpunta sa US...

Punyeta, kung sakripisyo sa bansa ang pagpunta ng US para gumasta ng Jueteng payola,e dapat magtayo na tayo ng mga templo para sa mga OFW natin na MAS MARAMING NAITUTULONG sa ekonomiya ng bansa.

At nagbabayad ako ng tax para suwelduhan ang mga impaktong ito?

2 Comments:

Blogger lizardego said...

Dapat ang boboto lang ay yung nagbabayad ng tax. Yung mga umiiwas o yung mga walang pambayad ay dapat walang karapatang makialam sa gobyerno. Tapos.

1:21 PM  
Blogger glitchy said...

i agree. the only way we can change our government is to diverge from the usual fare of candidates we usually vote for. madami naman ibang pwede maging congressman/senator/presidente na hindi self-serving elitists. yun nga lang wala silang sufficient funds to make themselves known. the truly good ones nilalamon din ng bulok na sistema eventually so ineffective din sila despite any intentions they may have... i dunno how we can change the kind of politics we have now. gusto ba natin na maging communist like cuba? di din naman e... we worked so hard for democracy tapos ito, gagaguhin lang ng presidente, and who knows who else pa, yung votes... nakakapikon! sawa na tayo sa rebolusyon pero ano ba naman iba pang solusyon? just food for thought. i am at a loss as to what.

3:08 PM  

Post a Comment

<< Home