Friday, August 12, 2005

Christian Games for the Flock

Christians Code Heavenly Games

By John Gartner

02:00 AM Aug. 04, 2005 PT

PORTLAND, Oregon -- Christians looking to provide alternatives to the sex and violence of video games like Grand Theft Auto are trying to attract some of the PlayStation generation with more wholesome fare.

Fledgling companies from around the globe showed off new titles focusing on morality and stories from the Old and New Testaments aimed at pre-kindergarten to young adults at the Christian Game Developers Conference here last week.

The startup companies hope that games with biblical messages can parallel the recent surge in the popularity of Christian music and cinema. But don't look for multiplayer smiting or wrathful vengeance in their offerings: The games that will show up on retail shelves in time for Christmas emphasize narrative stories and learning rather than action.

****************

Nandito ang buong article = http://www.wired.com/news/games/0,2101,68401,00.html?tw=newsletter_topstories_html

****************

Okay, cool. May problema lang sa game concepts na binanggit sa news article- kung hindi GENERIC and idea, napaka-BORING!

Yun na lang kunwaring "Timothy and Titus" -

"Instead of the health and weapons points used in other role-playing games, players collect love, hope and faith points to power their missions. When they meet foes, instead of fragging them as in Halo 2, the disciples earn their halos by praying for them or using the "finger of God" to drive out evil spirits."

Siguro cool ito sa mga die-hard Christians, pero kung ang objective mo ay ma-capture ang isang segment sa video game market, panis ka na! Anong appeal nito, kunwari, sa isang hardcore gamer? Basahin mo ulit yung naka-quote na paragraph, na-excite ka ba sa punto na bigla kang napasigaw ng "WHOAH! PUNYETARAGIS! ASTEEEEGGGG!!!"? O kung napasigaw ka man ng "PRAISE THE LORD!" sa excitement, well, ikaw lang malamang ang bibili ng game na yun.

Ang problema kasi, di mo puwede i-compare ito sa success ng Christian rock. Pareho man silang nagcacapitalize sa isang popular media, ang factor na magdedetermine kung swak ang product mo o hinde, ay sa subtlety ng message. Kung preachy ka masyado, yung mga followers mo lang ang magpapatronize sa produkto mo, hindi ang general public, at kung ganun ang mangyayari, failure ang venture kung icoconsider mo yung fact na kaya ka nag-mainstream ay para maka-attract ng mas maraming tao sa paniniwala mo.

So sa field ng video games, kung ang ipanglalaban mo sa isang violent game ay isang game kung saan nagdadasal ang bida para sa kalaban niya, kailangan mo ng napakaraming, errr, Faith points para maka-goal.

Kaya naman, siyempre, gumawa ako ng sarili kong game concepts para sa flock. Yep, religious ang tema, siyempre, pero ang appeal nito? Mas naka-base sa reality ng simbahan, at hindi sa isang sanitized happy-sappy-preachy propaganda. Ngayon, ang problema ko na lang, funding.

1) Sim Church

Okay ito, parang Sim City. Pero ang difference, religion naman ang i-e-establish mo. Magsisimula ang game sa Stone Age. Kailangan mo ng pangcontrol sa tribe mo. Ang maganda sa game na ito, magkakaroon ka ng virtual hands-on experience sa pag-establish ng religion. Lahat ng tactics na puwedeng gamitin para protektahan ang business, este, ang Faith, kailangan mong gawin! Ayaw mag-convert ng kabilang tribe? RELIGIOUS WAR! May loopholes sa doctrine? SUNUGIN ANG MGA HERETICS! Mababang funds? COLONIZATION!!! Pedophile/Maniac monks? WHITEWASH!!! Matinding brainwashing device? BOW TIE AT CHECKERED SUIT!!! Magsisimula ka sa pagiging shaman, hanggang sa maging Santo.

2) Sim Church Expansion

Wala pa akong naiisip na magandang title sa expansion game na ito, pero ang setting nito ay contemporary Manila. Ang difference nito sa unang game, may specific kang kalaban dito. May 2 faction - puwede kang pumili kung ikaw si Manalo, o si Soriano. Ang labanan dito, mag-e-extend sa cable TV. End of the day, ang may pinakamaraming ma-brainwash na tupa ang panalo! Meron pang side game na mala-Tekken, pero si Manalo at Soriano lang ang fighters, secret character yung assistant ni Soriano na mukhang bangkay.

3) Grand Martyr

Eto, cool ito! Bakit? KAsi open-ended ang storyline, Kung yung mga naunang games, tungkol sa conformity sa religion, dito naman, may FREE WILL ang character mo! Mala-Grand Theft Auto ang format ng game, at ang character mo ay isang Jehovah's Witness na magaling sa kanyang craft - pangungulit sa mga taong nanahimik sa bahay, at pagbebenta ng booklets. Saan papasok ang free will dito? Well, nasa iyo ang power kung paano mo i-she-shape ang morality ng character mo. Puwede kang maging badass o hindi. Tipong, pagkatok mo sa isang bahay, puwede mong kontrolin ang character mo kung magiging magalang o makulit na bastos. Pag pinapasok ka sa bahay, puwede kang mag-preach, o kung siraulo ka, puwede silang nakawan. At may "hot coffee mod" din, hehehe! Di lang limited sa bahay-bahay ang missions mo. Para makakuha ng bonus points, supalpalan mo ng Jack T. Chick comic strips yung mga pedestrians! Siyempre, may good at bad points kang matatanggap sa bawat deed na gawin mo, puwede kang mapunta sa langit, puwede sa impiyerno!

4) Battle Church

Eto naman, mas historical, therefore, educational. War simulation ang genre, at may kaparehong game engine ng Command and Conquer. Ang setting natin ay medieval times. Kung yung Sim Church, nagfofocus sa pag-establish, at pag-manage ng religion, ito naman, total domination pa rin ang goal, pero ang gamit mo, brute force! Ang factions na naglalaban-laban ay mga major religions, na may kanya-kanyang special units at weapons!

Okay, so siguro medyo violent ang mga concept games ko, pero meron bang religion ngayon na walang dugo sa kamay? May redeeming value naman dito- yun ay ang love of god. Sa sobrang pagmamahal mo sa diyos mo, kakalimutan mo ang "love thy neighbor" na commandment para ma-suppress ang mga infidels - na, kung titingnan natin ang ating history, ay ang moral lesson ng lahat.

Amen.

9 Comments:

Blogger Joseph Nathan Cruz said...

astute ang analysis, pare, but we'll see kung wala ngang bibili ng Christian love-oriented games. kasi ako personally, sa sobrang nakakatawa yung konsepto, bibili ako. pirata nga lang. i won't spend that much on a lousy game.

12:16 PM  
Blogger Canis Lupus said...

oi! nabuhay ka! hehehe! anyways, di ko naman siguro sinabing walang bibili. ang inimply ko ay wala masyadong bibili. agree ako sa nakakatawang aspect nung concept. malamang may bumili nun for the novelty, pero sobrang mahal ng games na orig sa abroad para ma-justify ang pagbili nun for novelty's sake. suwerte tayo rito't mura ang pirata, puwede nating bilhin yun for a laugh.

isang factor sa success ng game ang replay value. so after mag-wear off ng novelty, ang maiiwan na lang sa kamay mo ay isang lousy game na di mo puwedeng i-donate sa simbahan mo dahil piracy is stealing daw.

pero kung nag-enjoy ka sa game, cool. ang tanong na lang, gaano magiging ka-popular yung style ng game para makagawa ng impact sa gaming industry at mag-spawn ng copycats.

anyways, que sera sera.

2:13 PM  
Blogger Canis Lupus said...

nga pala, updates lang, sabi sa akin ng officemate ko na may game daw na similar sa nilista kong "Battle Church."

ang title daw ay "Total War." narelease 2 years ago. di ako familiar sa pc games masyado dahil kelan lang na-update ang pc namin, at mas playstation ang trip, pero mukhang may hahanapin na naman akong title sa mga bilihan...

2:16 PM  
Blogger Joseph Nathan Cruz said...

oo, nakita ko na nga yung total war. may nakita akong kopya sa robinsons, di ko matandaan kung sa brochiere o dun sa mga stalls sa tabi niya. ang concept yata, strategy game sa medieval ages, so malapit talaga ang samahan ng political at ecclesiastical power.

3:53 PM  
Blogger Canis Lupus said...

WHAT THE FUCK!?

10:58 PM  
Blogger Joseph Nathan Cruz said...

spam iyan, pare. apparently, kaya nang magmass-post ng spammers into blogs. sa blogdrive, hindi pwede, kasi iba-block yung program, pero hindi pa protected ang blogspot.

3:46 PM  
Blogger Canis Lupus said...

apparently. naalala ko tuloy yung nagpost sa guestbook nating lahat. teka...

6:43 PM  
Blogger Canis Lupus said...

okay... nabura na!

6:44 PM  
Blogger Veritas Nunquam Perit said...

haha pwde ding maging gta style yan ung mga pare mangrarape ng madre hahahaha...

http://walangmaisep.blogspot.com

3:53 PM  

Post a Comment

<< Home