Wednesday, September 07, 2005

Angst.

Dati, isang hapon nung nasa college pa ako, o siguro isang tanghali nun, habang naghihintay sa next class, nag-uusap kami ni Bopis.

'Di ko na maalala yung topic, o yung eksaktong conversations, pero ang na-stuck sa utak ko, yung sinabi ni Bopis. Pabiro, pero may halong katotohanan.

Di raw niya ako ma-imagine na maging tatay.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi masyado kang angst-ridden."

Minsan iniisip ko, naging writer ba ako dahil puro angst ako? O puro angst ako dahil writer ako?

Debatable pa kung naging magaling na writer ako o hindi. Personally, wala na akong pakialam.

Anyway, maraming paraan kung paano i-analyze yung sinabi ni Bopis. Sobrang angas ko ba na lahat ng babae ma-te-turn-off sa akin, kaya di ako makakapag-asawa't magka-anak? Sobrang angas ko ba na di ko kayang maging family man? O sobrang angas ko ba na marami nang galit sa pinagsusulat ko, at isang araw na lang aabangan ako sa labas ng opisina ng mga kaaway ko't kakapunin ako sa gitna ng Ayala Avenue? O baka, nakakabaog lang talaga ang pagiging maangas?

Di ko alam.

Last year, may nakilala ako, at nakalimutan ko ang angas ko.

Akala ko wala na. Happy ending kumbaga.

May stable work na ako, may seryosong relationship. Kahit yung mga kabarkada ko, nanibago sa akin. Siguro kasi yung mga ngisi ng sarcasm, napalitan ng ngiti ng sinseridad? Wala ako sa posisyon na magsalita mula sa poitn of view ng iba. Bottomline, okay na ako.

Kung okay ang lahat, siguro, ilang taon lang, makakaipon na ako. Tapos, maglo-loan ako sa bangko para makabili ng isang maayos na bahay sa isang maayos na neighborhood. Tapos, mag-aasawa na ako. Magkaka-anak. Dalawa sana.

Tapos tuwing weekends, tuturuan ko magdrawing ang mga anak ko, tuturuan magbasa ng komiks (kung may Funny Komiks pa), tapos manonood kami ng cartoons buong araw hanggang tawagin kami ni Misis para kumain ng Steak (kung mag-i-imagine na ako, lubus-lubusin na, di ba?).

Simple.

Ilang buwan lang, bumagsak ulit ang bagyo. Nabuhay ulit ang bahay-angas.

Hindi na ito epekto ng politika natin. MAsyado na akong lubog sa trabaho para makitsismis pa sa katarantaduhan ng mga botante natin, at ng mga lider na hinalal (except kay GMA) nila. Huling beses na sumilip ako sa labas ng cubicle ko, wala pa ring dangal ang mga kongresman natin, so anong bago?

Ekonomiya? Bah. Itutulak lang nito ng ilang taon yung domestic bliss na napapanaginipan ko. Oo, natuto na akong maging optimistic, o at least, magpanggap na optimistic.

Pero buhay ulit ang angas. Nandun ulit sa dibdib ko, mabigat, gustong sumabog.

Bigla-bigla, isang buhos. Isang tsunami, isang hurricane Katrina. Yung putanginang trapik sa Makati. Yung putanginang trapik sa C5. Yung putanginang dyipning nagpapalit ng gulong sa gitna ng isang 2-lane na kalye habang rush hour. Yung mga putanginang starstruck na masang naghuhukay ng libingan nating lahat pero binobola ng mga politiko't kinukunsinti ng kaliwa. Yung putanginang gwardiya sa baba ng building namin na laging sinisilip ang gamit ko dahil naka-maong ako't t-shirt, pero yung mga putanginang naka-longsleeve at polo pinapadaan lang.

Biglang bumuhos.

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit. Kumakabog ang dibdib ko. Puno ako ng lason.

Maraming salamat sa prinsesang pinahaba ang sungay. Maraming salamat sa mga taong in denial.

Pag-uwi ko kanina, nakalimutan ko ang gutom. Pagod na pagod ako sa trapik, pero nakalimutan ko ang antok. Nanginginig ang mga kamay ko sa galit.

Gusto kong maiyak sa galit. Gusto kong sumuka.

Dapat maging objective? Dapat malamig ang ulo?

Haha.

Tama ka, Bopis. Di ako pwedeng maging tatay. Di ko pa kayang sikmuraing mangunsinti kapag harap-harapan kang ginagago.

Basagin na ang mga pangarap.

Walang happy endings dito.

3 Comments:

Blogger sniper said...

Gusto kita maging tatay kasi sikat ka na sa Internet, takot pa sa iyo ang BIR.

1:38 AM  
Blogger Canis Lupus said...

hehehe... sa internet lang yun, bro.

5:01 PM  
Blogger J. said...

Huwag ka nang magalit. May TIN ka na diba? hehehe

4:37 PM  

Post a Comment

<< Home