Wednesday, September 14, 2005

Fan Mail Link

Nope, di fan mail ko.

Nag-post recently sa forums namin ang isang friend ko from Peyups. Chineck ko yung lnik ng blog niya, at dinagdag ko na sa link sa gilid.

Sa ngayon, ang last entry niya ay isang actual fan mail sa isang artista. Basta check nyo na lang yung entry sa -

http://coppersulfatepentahydrate.blogspot.com/

Putragis, nakablock ang blog ko rito sa office dahil sabi ng internet filter, 32% sexual content daw. Punyeta.

Pero blogger, nabubuksan kaya eto, nakakasulat ako ng entries.

Anyway, tungkol sa fan mail, ang unang encounter ko pa lang sa ganitong sulat ay nung pinabasa sa amin ng teacher ko dati sa CW ang ilang published letters kay Nora Aunor nung '60s o '70s.

Nung mga panahon na yun, may pauso sila ni Pip na "anak-anakan" na manika na may pagkahaba-habang pangalan. Ewan ko kung sinong magaling ang nakaisip na magandang idea ang ganung klaseng kagaguhan.

Syet, hindi naman sa kasing-pathetic yun ng idea ng pagkakaroon ng isang inflatable sex doll, pero wow naman, bakit di na lang mag-ampon ng totoong bata? Di ba? kung hindi ito kagaguhan, kabaliwan siguro tulad ng nangyari recently kay Rita Avila...

So yun nga, ilan sa mga fan letters na yun, ay naka-address sa manika. Yep. So mali akala ko, hindi pala malaking kagaguhan yung idea ng pagkakaroon ng anak na manika. Mas malaking kagaguhan yung pagsulat sa manika! Tipong "how are you? Inaalagaan ka ba ng mommy and daddy mo?" What the fuck!?

Kung akala nyo nag-evolve na tayo sa kakagawa ng fan mails na ganito, check nyo yung blog ng friend ko ulit, nasa taas yung link, at basahin ang isang magandang example dun.

Hindi ko na alam kung ano nangyari sa manika. Tumanda na ba't nagign sex doll? Kinidnap at tinubos ng play money? Nabuhay at naging si Matet?

Hmmm... Isa ito sa mga misteryo ng buhay na wala akong paki kung may closure o wala...

2 Comments:

Blogger sniper said...

MARIA LEONORA TERESA. Pakshet. Nasa utak ko na naman ang kanta ni Pip! Pati manyika kinakantahan!

Malamang nag-break ang tambalang Guy and Pip dahil mas mahal ng lalaki ang manyikang anak anakan nila.

Mga artista, weirdo!

5:23 AM  
Blogger glitchy said...

hehe! paano naging 38% sexual content e ang wholesome mo nga e. joke! :P

meron pang mas weird sa mga nag-iilusyon na buhay ang manika.. yan ay nag nangangarap na sana sila na lang yung manika dahil sa obsession sa artista. mas OK pa na pumasok na lang din sila ng showbiz. or maging P.A. sa eat bulaga para makakita lagi ng artista...

12:45 AM  

Post a Comment

<< Home