Monday, October 03, 2005

Isang Dekada

Naging part ako ng isang Focus Group Discussion kelan lang. Ano ito?
Well, basically, isa itong forum para sa marketing research. Magtatanong ng ilang questions sa mga participants para makakuha ng data na gagamitin sa pagmarket ng isang product.

Di ko na sasabihin kung anong product yun dahil hindi naman relevant.

Isa kasi sa mga tanong dun, ano raw sa tingin ko ang situation ko 10 years from now. Nasaan na ako in ten years? Medyo naaliw lang ako dahil kuwento ng mga kaibigan ko, staple yata ang tanong na'to sa job interviews, although di ko na-encounter yun. Ito yung mga tanong na kahit anong sagot mo (sa job interview), talo ka, in a sense na laging may hint ng BS ang sagot mo.

"In ten years, where do you see yourself in this company?"

Sagot 1: "In ten years I'll be a highly skilled worker in this
company."

Generic bullshit. Ano ba actually hinahanap ng sagot ng mga interviewers sa tanong na'to? May tama ba? May mali? Ang "Sagot 1" kasi, masyadong expected. Generic. Safe. Parang scripted na sagot sa question and answers sa Little Miss Philippines.

Sagot 2: "Having better skills and talents, I'll be your boss in less than ten years."

Unless na risk-taker yung interviewer mo, ano sa tingin mo ang chances na ma-hire ka? Pero tempting isagot ito, di ba? Kaso kailangan mo talagang magpa-exploit at maging white collar corporate slave, sad reality, kaya usually, ibibigay mo yung Generic Bullshit answer na Sagot 1.

Sagot 3: "Errr...Uhmmm... Wala lang... que sera sera... asteeegggg!!!"

Fuck. Insecure? Immature? Out.

So yun nga, ano ang tamang sagot? Oks lang, hindi rin relevant yun, at least sa situation ko sa discussion.

Ngayon, naaaliw ako nung tinanong sa amin yun sa group discussion, at naaaliw rin akong maging first post of the month ang issue na ito sa blog dahil ito ang aking birth month.

Yep. Isang di masyadong miserableng taon (sa pinas ako nakatira, kaya ang gauge mo lang ay "miserable" at "di masyadong miserable" unless na politiko ka o executive ng oil company) ang dumaan, at muli magmumuni-muni ulit ako para tingnan ang aking mga nagawa sa buhay ko nitong nakaraang taon. Progressive ba? Oks ba? Tapos gagawa ulit ako ng plano (o at least susubukan) habang kaharap ang isang bleak na kinabukasan sa perlas ng silangan. Ang task na ito mismo, para kang gumagawa ng bangkang papel habang nasa gitna ka ng dagat, at may bagyo.

So eto, sa group discussion, hindi lang isang taon ang pinapasilip sa akin- sampung taon. At dahil nga sa ito ang first encounter ko sa tanong, di ako nakapag-isip agad ng matinong sagot. Ano sinabi ko?

"Actually, que sera sera kasi ako e. Pero sana in ten years, may asawa na ako, dalawang anak... at sana naka-Porsche na ako."

"Teka, akala ko ba, maka-Volkswagen ka?"

"Hinde, Porsche 356 naman e, yung lumang Porsche na mukhang beetle."

Yep. True story.

Longshot din yun, medyo humorous lang, at sans pessimism.

Pero sa loob ko, brooding pa rin ang negative na pakiramdam.

Nung highschool kasi ako, may activity kami sa Social Studies. 1994 nun. Ang instructions ng teacher, i-drawing namin sa papel ang Pilipinas sa taong 2000. Kasagsagan ksi noon ng Philippines 2000 propaganda ni FVR. Anyways, i-drawing namin ang Pilipnas sa taong 2000, at magsulat ng maikling essay na mag-e-explain sa ginawa namin.

So yung mga kaklase ko, nagdrawing ng mga kotseng lumilipad, walang biro, hindi dahil siguro sa optimism, kundi dahil sa, well, ang taong 2000 noon ay futuristic pakinggan, at walang mas futuristic pa kesa sa lumilipad na kotse di ba? At oo, kung kaklase kita noon, maiintindihan mo rin na hindi optimism ang motivation para mag-drawing ng lumilipad na kotse.

Ako naman, gumawa ako ng outline ng isang city. Tapos mausok. Marumi. Simple.

Ang essay ko, something na parang "Ito ang Pilipinas sa taong 2000. Laganap pa rin ang polusyon, tambak ang mga basura, masikip ang mga kalsada dahil sa trapik. Wala pa rin kasing disiplina ang mga tao, bulok pa rin ang mga politiko, etc., etc., rant-rant..."

Okay, masyadong negative di ba? Di ko alam kung ano ang grade ko nun, pero pasado ako. Tangina, dapat nga nakipagpustahan pa ako. 6 years mula nang sinulat ko yun, hindi pa rin makagawa ng maayos na electric car ang mga manufacturers. Problema pa rin ang polusyon, bulok pa rin ang gobyerno, at si Erap ang presidente. Syet, yun ang catastrophe na di ko na-predict. I won, pero di ako masaya, demmet.

Tapos kelan lang, tinanong ako, nasaan ako after ng sampung taon?

Honestly, di ko alam. Pero di ko pwedeng sabihing hindi ko alam, di ba? Hence, que sera sera.

Napaka-unpredictable mabuhay sa Pinas e. Sa loob ng sampung taon, obviously, maraming mangyayari. Pwedeng magkapamilya ako at magka-anak, at di na makatulog sa gabi dahil sa takot sa mga susunod na taong haharapin ng mga anak ko. Pwede ko sabihing namatay na ako sa sama ng loob. Pwede ko sabihing naging OFW na rin ako, at binubuhay ng remittances ko ang ingratong bansang ito.

Pwedeng miserableng writer pa rin ako pagkatapos ng sampung taon, at di na magkapamilya dahil hindi kayang bumuhay ng pamilya ang sahod dito, kaya
nag-ra-rant pa rin ako sa October 2015 entry ng http://canislupusfidelis.blogspot.com in retrospect ng article na'to.

Pero sigurado ako sa isang bagay, fuck, longshot yung magka-Porsche ako, demmet.

Happy Birth month, Evil Wolf.

2 Comments:

Blogger sniper said...

Ako after 10 years? sigurado lang ako na hindi ako nagwowork sa abs-cbn at hindi na ako virgin.

hello! 34yo na ko nun no! hindi ako maritr na alipin ng production at santang ililigtas ng intact na hymen! XP

2:03 AM  
Blogger kantogirl said...

hello! 34yo na ko nun no! hindi ako maritr na alipin ng production at santang ililigtas ng intact na hymen! XP

---hahaha. natuwa naman ako dito!

hmm..mga 6 or 7 years ago, naglalakad ako sa mga kalye ng UP nang tinanong sa akin yan ng isang kaibigan. dapat daw pag 25 na kami (tayo) established na tayo sa career na napili natin.

kung tinanong mo ako tungkol dito 3 years ago, mas solid pa ang sagot ko: gusto ko may libro na ako, nagkapelikula, etc etc.

pero nasaan nga ba ako ngayon? nagsisimula ulit. tumakas at nagbabalik sa production work. nagpapaka-slave of the state. pero kung dito ako mananatili sa pinas, lecce, bleak future nga.

ngayon parang ayoko na rin munang isipin eh. kung saan agusin, sige.

6:26 AM  

Post a Comment

<< Home