Friday, December 09, 2005

Oda sa mga laruang jologs

Dahil lumaki kami nung dekada nobenta, exposed kami ng mga utol ko sa mga cool na TV ads ng mga toys. Ito yung mga commercials dati na madalas pinapalabas sa time slot ng Saturday morning cartoons, at tuwing primetime dahil cartoons din ang palabas nun, at limited lang sa tanghaling tapat ang mga soap opera.

Marami man at mas magaganda ang mga laruan ngayon, mas cool pa rin ang mga laruan noon. Yep, kung ngayon masarap maging toy collector, noon mas masarap maging bata.

Nandun nun yung Cheezels tsaka Chickadees na nagpauso ng Jelly Gummies, at iba pang mga maliliit na laruang plastik. NAsira lang sila dahil sa kumalat na tsismis tungkol sa Blue Star tattoo na may LSD kuno. Coincidence bang kumalat yun nung may libreng water slide tattoo sila?

Da best din nun ang Uniwide cubao pagdating sa mga laruan, walang sinabi ang SM Toyland! Nauso pa yung Daimos snack na may libreng stickers ni Daimos, tsaka yung Shaider candy ng Sharkey Industries.

Siyempre, maganda yung mga McFarlane figures ngayon... astig ang detalye! Pero mas trip ko yung mga 80s-90s na mga laruan dahil lang sa sobrang pagka-wild ng gimmick!

Yun na lang siguro yun, mas maraming magagandang concepts ng laruan na lumabas nun, kesa ngayon na usually ay rehash lang ng isang product genre ang nangyayari. Nung 80s, bago pa noon ang mga robot na nagiging kotse, action figs ng He-man, GI Joe, at Teenage Mutant Ninja Turtles! Punta ka sa malls ngayon at ano makikita mo? Mas mahal na robot na nagiging kotse, at mas detalyadong action figs ng He-man, GI JOe, at Teenage Mutant Ninja Turtles.

Hinihintay ko lang yung Ghostbusters, pero iniisip ko, baka maging pathetic lang. Wala pa ring tatalo sa lumang series ng laruan nila nun. Wala ring tatalo sa lumang animated series nila nun.

Pero nung bata kami, di kami madalas bumili ng action figs. Pasko lang, tsaka birthday. Ang madalas na laruan namin, yung mga palengke toys.

Oo, cheap di ba? Pero nung panahon nun, hindi porke cheap, walang kuwenta agad. May nangyayaring trend din ng devolution sa palengke toys, at di man kasing-sikat at kasing-lovable ng mga mamahaling orig na action figs na mabibili sa malls, may mga naglalamay rin siguro sa pagkawala ng mga magagandang palengke toys, isa na ako dun.

Dati, nung elementary pa ako, meron kaming binibili nun na Godzilla curls. Mga small-time na junkfood na lasang mais, pero may libreng mga maliliit na monsters na pang-tantsing. Sa panahon ng Comic Quest stalls at anime, lilinawin ko lang na kasinglaki ang mga ito ng gashapons.

Gawa ito sa mga translucent na gomang may kulay, maganda ang detalye, ang sarap kolektahin. Nakapagtabi yung utol ko ng ilang piraso somewhere sa bahay. Kung titingnan mo, di ka makakapaniwalang free ang mga laruang ito sa isang cheap junkfood na tig-pi-piso lang.

Eventually, yung translucent na goma, naging solid opaque plastic na sa mga sumunod na editions. Tapos nawala na.

Nung panahon din ng Panday na animated series, nauso rin yung Panday curls. Tulad ng Godzilla curls, hugis cheese curls din, pero lasang mais. Sigurado rin akong hindi licensed itong snack na'to, pero ang cool dito, ang libreng laruan naman nito na pang-tantsing, ay mga Panday na characters!

Gawa sa goma, merong FPJ, at iba't-ibang halimaw na makukuha! Solid na goma, hindi maganda ang detalye tsaka proportions, pero alam mo talagang merong nag-tiyaga gumawa ng sariling molde para rito, instead na mangopya ng ibang laruan. Ang alam ko, meron ding ganitong bioman naman, pero pareho ng pagkakagawa ng sa Panday toys.

Fast-forward sa 90s, uso na ang WWF wrestling. Kada punta namin sa palengke, lagi kaming bumibili ng isang malaking bag ng WWF na laruan. Ang may gawa nito, Trusty Marketing. Sa isang supot, may isang set gn parts lang, kunwari, yung hips lang. Kukumpletuhin mo yung parts para makabuo ng isang WWF figure na around 5 inches ang taas! Ang matindi nito, mukhang sariling molde rin ang ginamit pero ang ganda ng detalye ng mukha! Maganda na rin ang quality ng plastic na ginamit. Kapag may doble kami, cinucustomize na lang namin ng pentel pen, at may sariling character na kami!

Simple lang ang articulation - ulo, kamay, hips, at tuhod, pero oks na ring pang-reenact ng mga kagaguhang napapanood namin sa TV.

Kasabay nito, meron ding Super Mario na rip-off (Super Mariano) bubuuin mo rin yung parts, at may Super Mario figure ka na. Popeye rin meron, pati Robocop. Orig molds yata ang gamit, una, kasi di ganun ka-pulido ang figure pag nabuo. Yung proportions nga, at yung itsura.

Napansin nga namin, basta Trusty Marketing ang gumawa, mas maganda yung quality para sa isang free toy. Nung mga late-90s, nakabili yung utol ko ng Trusty na laruan, inassemble namin, at pangit na yung fit at detalye. Bumagsak na rin ang quality as compared sa mga lumang laruan nila.

Ngayon, konti na lang ang makikita mong made in RP na laruan sa mga palengke dahil nagsibahaan na ang mga made in China na pekeng transformers o sailormoon. Minsan Gundam model kits pa. Oks naman bilhin lalo na kung mahilig kang mag-customize.

Pero lintek, ano ang nangyari sa booming toy industry natin? Dati kahit sa supermarket, merong mga laruang kotseng plastik na gawa ng Cherith, made in RP! Panay mga Volkswagen na Beetle pa na gawa ng Cherith ang mga laruan ko dati. At masasabi kong napaka-indestructible ng mga kotseng yun! Huling beses na nakabili kami, available na lang sa Goldilocks na design sa cake nung 21st bday ko (yep, bata pa rin ako... heheheh!)

Balang araw maghahalukay ako sa bodega namin.

5 Comments:

Blogger jjjoke said...

marami k pa ring mahahanap n mga gomang laruan n pang tantsing. mas mahal n nga lang kasi hello,ilang beses n nagtaas ng presyo nag langis.

basta alam mo kung saan maghanap, marami ka makikita!

1:53 AM  
Blogger Canis Lupus said...

aba! good news yan! dati kasi sa laguna pa kami nakatira kaya napakadaling maghanap. dito sa manila, text lang ang nabibili namin sa tindahan...

ano ba itsura ng mga pang-tantsing ngayon?

2:11 PM  
Blogger jjjoke said...

alam mo ung mga binebentang mga mamahaling collectible na anime laruan sa comic alley?

ganun na ganun, kaso iisa kulay!!!
from P5 up to P15 pesos lang!! yung binibili ko nasa P8. mga naruto!

galing talaga ng mga pirata :D

2:08 AM  
Blogger Knive said...

This comment has been removed by the author.

4:48 AM  
Blogger Knive said...

Napaka ganda ng blog mo Sir Canis Lupus. Totoong magaganda ang mga laruan natin noon kumpara ngayon. Sya pala Sir, meron akong mga kaunting koleksyon ng mga laruang goma na mga pang tanching natin nung araw. katulad ng Panday, He-Man, Godzilla and marami pang ibang laruan na nagkaroon tau noon. Gusto ko sana ipost and gumawa pa nang mga istorya tungkol sa mga laruang kalye na nabibili natin sa labas ng eskwelahan or mga Palengke toys. Sana matulungan nyo ako and baka may mga naitatago pa kayong mga pang tanching na laruang goma nung 80's or 90's. Maraming Salamat.

4:56 AM  

Post a Comment

<< Home