Monday, December 05, 2005

Pagmumuni-muni sa isang cubicle ng isang mall sa Cubao

Napaka-boring ng Gateway Mall.

Di naman kasing-boring ng Metro Market Market, na sa tingin ko, ay ang vortex ng boredom.

Ilagay mo kunwari ang Gateway Mall sa ibang lugar bukod sa Cubao, at tingnan natin kung dadayuhin pa'to ng mga tao.

O baka ako lang ang inaantok sa Gateway? Dahil siguro hindi ako ang market nito. Parang Podium na class na class. Magkahawig ang aura ng dalawa. Ewan, wala kasi akong paki sa mga tindahan ng sapatos o branded na mga damit. Bigyan mo ako ng maong at t-shirt, buhay na ako.

Ang gusto ko lang sa Gateway? Yung gourmet pizza sa Pizza Hut Bistro.

Ang pinaka-ayaw ko? Yung mga CR na may bayad.

Hindi naman sa di ako pabor sa mga CR na may bayad. Understandable naman yun kung mga portalet sa park kunwari, dahil alam naman natin na di priority ng gobyerno ang pagpapaganda sa kapaligiran natin, di ba? So okay lang kung mga tao na rin ang magbayad ng maintenance sa mga public CR na ganito. At least, alam mo kung saan napupunta yung baryang binayad mo.

Pero kung call collect ang tawag ng kalikasan sa mall, lalo na sa isang malaking mall tulad ng Gateway, mali na yun, men.

Di ba? Nagbayad ka na ng parking, bumili ka na sa mga tindahan nila, ano ba kung ilibre mo na ang pag-jingle?

Yun ang shock ko nung unang punta namin sa Gateway. Hinanap ko yung restrooms, pagdating dun, may counter sa tabi, tapos tatanungin ka kung mag-si-CR ka. 10 pesos.
Inabot ko yung bayad, nakalimutan ko na kung may tiket ako o ano, syet, ihing-ihi na ako e. Basta pagpasok ko sa CR, may, errr, butler dun.

Okay, so kung may butler ka sa banyo, obvious na sigurong class ang banyo mo. May mood lighting pa, burloloy sa lababo at mga dingding, sobrang kintab ng marmol at tiles sa paligid, tapos may options ka pa sa sabong gagamiting panghugas ng kamay. Class - considering pa na banyo ito ng lalaki.

Bigla kong na-miss yung madidilaw na tiles at mga vandalism ng mga drawing ng etits sa pader. Nakaka-disorient din yung absence ng mapanghing amoy. May warp zone ba akong napasukan at napunta ako sa banyo ng isang 5-star hotel?

Okay, official na. ang banyong ito ay na-"Queer Eye." Ang mga kasabay ko sa loob, mga mapopormang bading na mukhang nandun lang para mamick-up ng high class na call boy. Buti na lang di metrosexual ang porma ko.

Pambawi siguro sa binayad sa interior designer yung sampung piso, pero naman, aanhin ko ba yung burloloy sa lababo, o yung mood lighting? Dapat ba akong ma-impress? Di ba nakakagulo pa yung bubunot ka pa ng sampung piso, o maghihintay ng sukli habang nagbabadya na ang pagsabog ng pantog mo?

Sa akin kasi, di naman ako pupunta sa banyo para tumambay. Sino bang pumupunta sa banyo ng mall para tumambay? Teka, sino bang MATINONG tao ang tatambay sa public toilet?

Kahapon, nagpunta ulit kami sa Gateway. Tapos naiihi na naman ako. Dapat, pipigilin ko muna, kaso di na kaya talaga. Nasa mataas na floor na kami nun e. Naglabas ako ng baryang pambayad, sabay lakad nang mabilis. Nagulat na lang ako kasi wala akong napansing cashier. Walang nagtanong kung mag-si-CR ako o ano. Tapos nakita ko may mga taong pumapasok sa pinto. Hmmm, baka makalibre pa ako, ewan, wala akong pake. Gusto ko lang sagutin ang tawag ng kalikasan.

Pagpasok ko, wow, libre nga ang CR sa floor na'to. Hindi magarbo ang banyo. Typical na mall CR lang. Simpleng ilaw, classic gray tiles, wala namang vandalism, pero oo, libreng CR nga. Lumapit na ako sa urinal at umagos ang naipong bottomless iced tea na parang waterfalls ng mountain dew.

Exhale pa nang malalim habang tumitirik ang mga mata sa ginhawang hatid ng pag-jingle...

Tapos may itim na gumapang, biglang lumitaw sa gilid ng urinal- malaking langgam na itim? Hinde, nakataas yung likod e... ALAKDAN!?

PUNYETA!

Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa braso, at bigla akong nanlamig! Paano kung biglang tumalon itong alakdan sa pagkalalaki ko at ma-injection-an ako ng lason! Putaragis! Hindi ako makaalis o makalipat ng urinal dahil nasa kalagitnaan ako ng pag-jingle! Teka, kung tusukin man ako, mamamaga naman ang ari ko, tapos, hmmmm... puwede na akong maging porn star, pero paano kung bigla akong ma-paralyze? Na-i-imagine ko na, ilalabas ako sa banyo, nakahiga sa stretcher, nakahawak pa rin sa ari kong namumula't galit na galit, maga dahil sa lason, habang sumusunod ang nanay kong di makalakad sa kakatawa. Halo-halong imahe, parang flashback, papalapit na ang alakdan! Dapat pala binili ko yung kuwintas sa Quiapo na inilalako sa akin, e di dapat may orasyon na ako... putanginangsyet!

Pagtapat ng alakdan, sa akin, hindi pala ito alakdan... alupihan pala! Putanginang alupihan na nakataas yung buntot! Okay, nangangagat pa rin yun. Di ko alam kung naka-strike position na yung alupihan o hinde, ni hindi ko alam kung nakakatusok yung buntot nito o sa mandibles mangangagat, tangina, wala akong paki, either way, masakit pa rin sa pagkalalaki yun!

Oks! Tapos na ako! Pagpag, zipper, tapos!

Paglabas ko ng banyo, hingang malalim! Contemplate sa muntikang virtual pagkakapon! Damn you, Gateway Mall! Damn You!

Lesson of the story? Kapag sinabi ng management na magbayad ka ng sampung piso para maka-jingle, magabayad ka... or else...

4 Comments:

Blogger lizardego said...

Moral lesson: Pay 10 pesos and mingle with bading na tao, tipid ng 10 and makisosyal with bading na alupihan.

6:31 PM  
Blogger Canis Lupus said...

tama ka diyan. so paano i-so-solve ang dilemma? pumunta sa nearest fitting room! kumuha ng kahit anong damit, tupiin at ilagay sa isang corner ng fitting room, at dun sagutin ang tawag ng kalikasan.

kung tapos na, siguraduhing walang bantay na salesperson sa labas, sabay takas.

hindi naman sa ginawa ko ito sa totoong buhay, pero minsan malakas imagination ko, parang si mcgyver.

9:54 PM  
Blogger curiouskitty said...

san ka mas lalagnatin? sa kagat ng alupihan o kagat ng bading? hehe.

mang bitch ba about gateway?

4:17 PM  
Blogger sniper said...

wolf natakot sa alupihan! muntikan ka na, akala ko yung gumapang sa urinal e bading!

hahahaha!!!

6:38 AM  

Post a Comment

<< Home