Wednesday, March 30, 2005

Hiring ulit...

job opening for:
Senior Program Officer for the Marketing Communications Office

job description:
writing, publications, and communications work for De La Salle-College of Saint Benilde.

requirements:
preferably male, excellent writing/editing skills, good people/public relations skills, and willing to travel.

526-7441 to 47 ext. 252 or 253

Monday, March 21, 2005

PORNO PORNO PORNO PORNO PORNO PART 2

(Bawal pa rin sa mga bata.)

Kung may natutunan ako sa pagtratrabaho sa VIVA, yun ay ang patterns ng erotic movies.

Tama. Hindi lang yan basta, dyugdyugan. Siyempre, alam nating lahat na may mababaw na istoryang walang kuwenta ang mga karamihan sa erotic movies natin, at usually, ang mga istorya na ito, mga trying hard na drama kung saan pinapakita ng mga artista ang kanilang itinatagong talento- na mas mabuti pang itago na lang sa baul at itapon sa gitna ng dagat.

At tulad ng Pinoy action movies natin, may mga cliche din sa TF.(Surprise!!!)

Malamang marami sa inyo ang may kopya ng "Sex in Philippine Cinema." Project ko yun kasi dati. Isang araw na lang, may dumating na job order. May inabot sa aking 5 VHS tapes na walang laman kundi mga sex scenes na pinutol at di pinayagang ilabas ng censors. Panoorin ko raw, at i-evaluate.

Yep, binabayaran ako nun para manood ng sex scenes. Yep, balang araw tatamaan ng kidlat ang opisina namin. Yep, masusunog ako sa impiyerno dahil semana santa ngayon, pero tungkol sa kalibugan at kamunduhan ang sinusulat ko.

Nung malaman ng mga ka-tropa ko yung tungkol sa project na yun (na sinabi ko ilang araw pagkatapos), nagtampo ang mga impakto sa akin. Dapat daw ginawang toma session yung viewing. Suwapang daw ako. Perv. Fine.

Anyway, pinanood ko yung 5 VHS tapes isang weekend sa bahay. Binayaran pa ako ng overtime pay para manood ng 7 oras ng sex. Isipin mo yun, ang usual na tulog ng tao, 8 hours - lintek, para akong nagkaroon ng wet dream buong gabi! Astig!

At para sa mga naglalaway, punasan nyo muna dahil sa totoo lang, medyo disappointed ako. HA? Bakit? Una sa lahat, nope, hindi ako nagsalsal - lintek, kailangan kong gawan ng report yung pina-"evaluate" sa akin, at hindi ako ambidextrous. Hindi rin ganun ka-salsal-inducing yung project, puwera na lang kung isa kang dose-anyos na batang sumisikreto sa porno ng tatay mo, in which case, welcome to nirvana!

Pangalawa, although mukhang nakakatuwa sa simula - at puta, nakakatuwa talaga - mabo-bore ka rin. Sa simula kasi, makikita mo yung mga nagsasalpakang laman, tapos mamayang konti, makikita mo, stupid na. Unless na hardcore porno viewer ka siguro, kaso ewan, magsasawa ka rin. O siguro kasi walang pinakitang penetration o genital shots, panay pumping scene na kinakabayo nung babae yung tiyan ng lalaki - WHAT THE FUCK!? PUMPING SCENE SA TIYAN? Yep. Kakagago ba? Kahit gaano kahaba etits ng lalaki, kahit umabot pa yun sa leeg niya, dun ka pa rin naman siguro kakabayuhin sa punja, di ba? Puwera siguro kung nababali ang etits mo, at nagfofold sa may tiyan...

Gusto nyo ebidensya? Hanapin nyo yung vidcaps ng "Ekis." Yung scene ni Sunshine sa sala. Punyeta, may dalawang redeeming value lang yung pelikulang yun - yung kaliwa't kanang suso ni Sunshine.

NApansin ko rin ang isang napakadalas na tagpo sa TF, ang "Masturbating Voyeur." Sa label pa lang, siguro obvious na, pero sige, explain ko pa rin:

May nagkakaplugan. Di na importante kung nasa public o private area sila. Basta ayun, sex-sex sila. Tapos may mapapadaan na tao. Makikita niya, may nag-se-sex. Makikita mo sa mukha niya ang laman ng isip niya- "Whoa! May nag-se-sex! Asteeeggg!!!" Tapos, magtatago siya, sabay silip. Cut ulit sa nag-se-sex. Cut ulit sa mukha ni voyeur. Cut sa nag-se-sex. Cut sa kamay ni voyeur. Aba! Mukhang nagkaroon ng sariling buhay ang kamay ni voyeur, parang sa EVIL DEAD - pero imbis na sakalin ang leeg ng voyeur, iba ang leeg na sasakalin nito... Nanginginig-nginig pa itong gumagapang... pababa... pababa... sa isang lugar na - unless exhibitionist ka tulad nung 2 nag-se-sex - hindi sinisinagan ng araw... tapos, shake, shake, shake... Kadalasan, sabay-sabay pa silang tatlong mangingisay habang inaabot ang tugatog ng kaligayahan...

Dun sa 5 VHS tapes na pinanood ko, lumabas (no pun intended) ang "MAsturbating Voyeur" sa 3-5 pelikula. LAlaki madalas, pero nagulat ako nung makita ang "MV" scene ni Maui Taylor sa "Gamitan." Gender equality working.

Sa tape 3 yata, umabot na ako sa "GENERIC MID-90S CHEAP TF MOVIES...movies... movies.. movies... (echo)" Ulit, self-explanatory na yung label. Eto, mga 5 pelikula yata, pero mahirap malaman dahil:

1. Iisa lang ang lighting - puta naman, sabi nga nila, ang difference ng porn at art ay nasa lighting. Pero sa sama ng lighting dito, hindi na ito art o porn, kundi 100% SHET!!! ("shet" hindi "shit" para mas jologs)

2. Iisa lang ang angle ng camera - nung tiningnan ko yung catalog, iba-iba ang director ng mga pelikula, pero panay pseudonym. Understandable, kung gagawa rin ako ng pathetic porno/drama mutant movie, hindi ko lang itatago ang pangalan ko, papatayin ko rin lahat ng witnesses kapag nakuha ko yung bayad ko. Pero putsa, kung ang naisip mong pseudonym ay "Rico Mambo," wala ka na sigurong reputasyon bilang artist na dapat pangalagaan. On the other hand, gago naman yung script, gago naman yung pelikula, e di gaguhan na rin sa pseudonym, di ba?

3. Iisa lang ang background music - bwahahahaha!!! Ano pa ang mas pathetic sa classic sleazy, cheesy saxophone music? E di yung paggamit sa ISANG classic sleazy, cheesy saxophone music sa LAHAT ng love scenes sa LIMANG pelikula!

Classic pare, pagkatapos ng viewing, akala ko impotent na ako, yun pala, naubos ang lakas ko sa kakatawa!

Wheeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!! To be continued ulit!!!!!

Tuesday, March 15, 2005

Hindi ako si Bob Ong!

Hindi naman sa nagmamalaki ako, o nagmamayabang, o nagbubuhat ng sariling bangko. Mula kasi nung kumalat yung BIR article ko, maraming nagtanong sa akin kung ako raw si Bob Ong.

Sabi ko, siyempre, hinde. Una sa lahat, sa huling bilang ko, may tatlong libro na yung tao, at ako, isang miserableng wolf, ay walang maipagmalaki kundi itong hamak na blog na di ko pa maayos dahil tanga ako sa html coding.

Pangalawa, ang pareho lang sa amin, ay yung apelyido namin - ONG. Pero di ko siya kaano-ano, di ko siya kamag-anak, at sigurado ako dun.

At huli, sabi ko nga sa kasama ko, kung gagawa ako ng libro, malamang puro mura yun. Tapos mahal ang presyo, pero ang title ko "Librong Mura" pero may konting space sa pagitan ng "Libro" at "ng" sa title.

Malamang maraming nagkakamali kasi yung mga libro niya, makukulit. At parang ganun din yung pagsulat ko sa kalbaryo ko sa BIR. Nga pala, may TIN na ako, balita lang sa mga nagtataka sa aftermath ng article - binigay yung TIN ko 2 araw pagkatapos ma-post sa peyups.com nung article, at dineliver pa sa bahay namin yung TIN card ko - pero ibang kuwento na yun.

So anyway, nakakapagtaka talaga dahil marami ang nagkakamali sa identity ko at ni Bob Ong. Yung officemates ko dati sa VIVA, yung anak ng kasama ko sa painting group, yung mga kasama ko sa painting group, yung pinsan ko(!?), at recently, yung isang ka-tropa ko.

Pero tanungin nyo yung mga kasama ko sa Team Angas kung kaya kong mag-publish ng sarili kong libro, at baka isuka pa nila ang bituka nila sa kakatawa.

Ang pinaka-weirdong tsismis na narinig ko - anak daw ako nung isang certain big boss na sikat sa advertising industry. Dahil pareho kami ng apelyido. At ang nakakatawa, hindi ko kilala yung nagsabi nito, although na-trace yun nung ka-opisina ko dati, dahil napahiya siya nung inintroduce niya ako sa ibang tao as anak nga ni Ms. Advertising Big Boss. Nanlaki mata ko at inexplain ko agad yung maling intelligence report.

Kaya ayun, for the record, hindi ako si Bob Ong. At Bob Ong, kung nasaan ka man, papirma naman ng libro. Siguro naman mas maganda ang sulat mo kesa sa akin, para may maipakita akong ebidensya na dalawang separate entities tayo.

Okidoks, ngayong klaro na ang lahat, itutuloy ko na ang Porno part 2 para sa mga sumasakit ang mga puson diyan...

Monday, March 14, 2005

PORNO PORNO PORNO PORNO PORNO

(Warning: Bawal ang bata. Rated R.)

Ngayon, nahuli ko na ang atensyon mo! Sorry na lang kung nakuha mo itong entry sa kaka-google search mo ng porn. Walang porn dito... o at least, walang mga litrato ng porn. Isang story lang, isang entry tungkol sa pagpunta ko sa bilihan ng mga piniratang DVD.

So kung ayaw mong magbasa, at nanginginig ang ngipin mo sa inis (o libog) dahil napadpad ka rito sa aking "title," di bale, search mo na lang si "Kelly Kline." Solb ka na dun.

Kung napadpad ka naman dito para mag-check ng updates, ta-da! May bonus ka! Yep, searh mo si "Kelly Kline," tapos balik ka rito pag nakaraos ka na. Cool?

Cool.

Dito sa opisina namin, may mga kasama akong adik sa DVD. Kadalasan, kapag lunch time, tatakbo sila sa isang lugar na kung tawagin nila ay "Mecca." HIndi lang dahil sa puro Muslim ang mga tao dun, kundi dahil kapag film buff ka, ito ang Holy Land ng mga piniratang DVD.

At wow, sa 90 bucks, sulit ka na! Nung isang buwan, nakahanap ako ng music video collection ng Sonic Youth. Syeeettt... sound trip!! Nung mahawakan ko yung cd sa kamay ko, nanlalambot ang mga tuhod ko sa tuwa at anticipation. Pinalipad ko ang beetle ko nun... o sige, trapik ang Ayala nun kaya di ko mapalipad yung beetle ko, syet, di ko nga mapalampas ng 60kph ang takbo nun, pero dahil sa lango ako sa endorphins at sa Carbon Monoxide, parang lumulutang ang kamalayan ko sa alapaap habang nakiki-duet kay Kim Gordon sa "Drunken Butterfly" sa tape ko...

Pag-uwi ko, nanginginig-nginig pa ang kamay ko habang pinipindot ang mga button sa remote control ng player... Ahh... Sonic Youth videos... sa sobrang alternative, di na pinapalabas ng mga lintek na pop-music-shit-music channels sa cable...

Minsan naman, nanay ko ang nagtata-tumbling sa tuwa kapag nalaman niyang nakabili ako ng Toshiro Mifune na movie, o Kurosawa, o kahit anong old jap movie na tungkol sa samurai.

Ahhh... ang kaligayahang dulot ng piracy...

Pero sa totoo lang, di ako kasing-adik ng mga ka-opisina ko pagdating sa mga DVD. Madalas akong sumabay sa kanila sa mga lunchtime pilgrimage sa "Mecca" pero habang sumisisid sila sa karagatan ng mga piniratang DVD movies, nandun ako sa taas, taimtim na naghahanap ng video games.

Kapag kasama ko naman silang naghahanap ng mga DVD, dun ako sa mga concert sections, o sa anime.

O, kung mababasa nyo sa title, sa Porn section.

Teka, di naman sa sinasadya ko talaga, pero putsa, tao lang ako.

Habang binubuklat ko yung mga display na DVD covers, mahirap na di pansinin ng peripheral vision ang mga nakabuklat ding mga haponesa sa isang tabi.

Kaso, putsa, mahirap mag-browse dun ng porn. Tangina, pakiramdam ko, parang ang dumi-dumi ko. Puta, hipokrito siguro kung manggagaling ito sa isang lalaking pumapasok ng umaga sa opisina para makaiwas sa trapik at makapag-browse ng porno sa net, pero, namputsa, iba kasi pag nasa public place ka e, di ba? LAlo na kapag may mga batang naglalakad sa tabi mo, o yung mga matatanda na napadaan?

Itong mga nakaraang araw, kapag nandun ako, tumitingin na rin ako sa porn section. Hindi primarily para bumili o mamboso, kundi para maaliw.

Aliw, ser?

Oo, aliw.

Nagsimula kasi yun nung pumutok at lumabas (no pun intended) yung sex video ni Ethel Booba, na, aaminin ko, pinanood ko rito sa opisina dahil sa morbid curiosity. Yep. Kung gusto kong malibugan, di ko kailangan si Ethel Booba - Kelly Kline na lang o Minori Aoi.

Anyway, nagyaya yung mga kasama ko, as usual, kung gusto ko sumama sa pamimili ng DVD. Sama naman ako. Walang bagong games nun, kaya sumunod ako sa kanila.

So habang sinisilip ko yung selections, napako yung tingin ko sa isang row ng mga cd sa gilid. Ayun, "Ethel Booba Sex Video."

"Hehehe..." napatawa ako sa isip ko. Sino kayang tanga ang maloloko nun? Mas mahal ang porn videos kesa sa hindi porno, at para lang makapanood ng ilang segundong pagsasalsal ng isang babaeng nakatakip ang mukha? Hehehe, siguradong sa maliit na ulo nag-iisip ang bibili nun...

So, sige, wala namang mga tao sa paligid, tingnan nga natin ang mga nasa row... aba, puro mga pinoy xxx... punyeta.

Okay, naniniwala ako na kailangan nating tangkilikin ang sariling atin, pero, sorry mga pipol, pagdating sa porn, kalimutan na natin ang nasyonalismo.

Sa mga XXX ng mga kano, may mga nagtatalbugang malalaking boobs, pink galore. Hot!
Sa porno ng mga hapon, oks siya, basta i-mute mo lang ang tv, dahil punyeta, parang mga biik na ginigiitan ng leeg kung humiyaw ang mga binabanatang dilaw na pokpok! Pero hot pa rin.

Sa porno natin, syet, ewan ko ba kung saang lupalop nanggaling yung mga tao. Siguro, once or twice, makakahanap ka ng tisay, usually, "scandal" pa. Pero kadalasan, parang yung nagbebenta ng fishball, at si inday yung nagbeblemblongan sa isang anonymous motel room ang mapapanood mo.

Nakakatawa pa lalo, nung nauso yung mga scandal-scandal. Nagsimula sa DLSU scandal, at ngayon, dito sa mga cd na tinitingnan ko, lahat na yata ng mga eskuwelahan sa NCR, may sariling scandal na! Punyeta, ni hindi ko nga alam na may mga ganung eskuwelahan dito, astig!

Pero unless siguro na may BS Domestic Helping o BA Sekyu course na curriculum dito, asa ka pang mga kolehiyala yung mga nakahilata sa cover.

At minsan, asa ka pang kung sino man yung anonymous pokpok sa cover, siya rin ang mapapanood mo sa cd - kuwento na lang ng isang kakilala ko na bumili ng "Generic Lugar sa Pinas Scandal," na di mapigil sa pagmumura dahil si George Estregan (SLN) ang bumulaga sa kanya pag-play!

Okay, so yun na yung mga scandals. Paglipat ko, iba na yung mga titles, at dito, putsa, talagang no non-sense, straightforward, straight to the point na - KANTUTAN SA KOTSE

Whoah! Namangha ako sa malalaking letra sa cover! Talo nito yung mga pathetic na cover jacket ng tagalog movies sa video na kinukuwento yung buong istorya ng palabas sa synopsis!

Tungkol saan yung porn? Kantutan, siyempre. Kantutan saan? Sa kotse!

Madali nang i-organize! Alam mo pa kung tungkol saan! Gamble na lang kung kantutan talaga sa kotse ang makuha mo, o blurry George Estregan adventures!

Okay, flip ko ulit, scandal, scandal, oops! Meron ulit - KANTUTAN SA GARAHE

ASTIG! Ano ito? Sequel? Putsa, pagkatapos magkantutan sa kotse, pinarada sa garahe, tapos nagkantutan sila sa garahe? Wala bang KANTUTAN SA PARKING LOT? Lintek, bibili ako ng Boxed Set ng Kantutan Automotive Trilogy! May mga kilala akong matutuwa dun! Punyeta, maraming lalaki ang matutuwa dun - Kantutan na, may kotse pa! Cool!

-to be continued-