Thursday, June 30, 2005

May mga araw na gusto kong ibato ang TV namin sa labas...

Part 1: Oposisyon

Nanonood ako ng news kagabi dahil gusto ko makita kung ano pa ang mga susunod na events na mag-a-unfold sa Gloria tapes telenovela, tapos, ayun. Si Susan Roces, galit na galit. Gustong mag-incite ng EDSA 4 na hindi. Salamat na lang sa mga reporters na nagtatanong ng obvious o nang-gagatong lalo.

Kahapon sa speech ni Susan Roces, sino ang mga taong nag-i-eat-bulaga applause (run in place, clap hands above head - eat bulaga applause ayon sa officemate ko)? Mga taong walang magawa sa buhay nila, tulad na lang kunwari ni Ely "Pamakuan" - yung patriotic asshole na kung hindi nagkakalat ng pako sa EDSA, nangangarap na dumila sa wetpaks ng mga kano kasama ng kanyang Dicovery Crusade.

Tama yan. Sige, mag-EDSA 4 tayo! Tapos magtanong tayo ulit kung bakit walang mangyari sa atin!

Ganun na lang lagi di ba? Patalsikin si Erap. Patalsikin si GMA. Pagkatapos, ano? Patalsikin si Noli? Patalsikin si Loren? Patalsikin si Susan?

Okay, siguro obvious nang wala na akong bilib sa Pinoy. Wala na akong bilib sa masa. Syet, mamatay na ang masa, mamatay na ang Pinoy. Mahiga na tayong lahat sa communal na libingang hinuhukay sa atin ng majority.

Nagsimula yung disappointment ko nung EDSA 3, nung sumugod ang mga iskwater na ERAP loyalists sa EDSA Shrine, at nung panahon na yun, zero crime rate daw sa Metro Manila. Punyeta, sinipa natin si Erap, tapos eto, EDSA ulit para ibalik siya.

After nun, yung election. Paano mo ba maipapaliwanag kung paano naging Senador si Jinggoy at si Loi? Simple, hangal ang mga botante.

Tapos ngayon, eto na naman. Yung mga aktibistang galit dati kay Erap, sumama na sa mga Pro-Erap dahil galit sila ngayon kay GMA. Ewan ko, pero sa tingin ko may limitasyon ang mga salitang "The enemy of my enemy is my friend."

Anti-Erap ako nun, at sus, Anti-GMA ako ngayon. Pero makikisama ba ako sa mga Pro Erap na anti-GMA ngayon? Paano kung ipinagdadasal kong mamatay na silang pareho?

Labo-labo na e. Wala ka nang ganang pumanig kahit saan. Sino iuupo ng oposisyon kung matanggal nga si GMa? Si Susan? Si Erap ulit? Bulok ang administrasyon, bulok din ang oposisyon. Sabi nila, mas mabuti raw ang demonyong kilala mo, kesa sa demonyong di mo kilala, pero sa kaso ngayon, puro mga recycled na demonyo ang nakapaligid sa atin, at di mo rin masabi kung sino ang lesser evil.

Ang positive side sa lahat ng ito? Mukhang wala nang ganang mag-EDSA ang mga tao. Buti naman.


Part 2: Administrasyon


Nonsense. Ano ang punto ng lumabas sa TV at amining sa'yo yung boses sa tape, kung ang apology mo lang ay dahil sa gumamit ka ng telepono? Ewan, siguro same point ng pag-preach ng austerity measures habang nagbabakasyon sa China kasama ng buong angkan.

Okay, kung di pa sapat na insulto sa talino ng mga tao itong apology na ito, kailangan pang i-hype ang napaka-patriotic na sakripisyo ni First gentleman Mike dahil na-exile siya sa US.

Awwww... touch naman ako.

Kawawa naman si Mike, kailangan niyang iwan ang Pilipinas para magpunta sa US...

Punyeta, kung sakripisyo sa bansa ang pagpunta ng US para gumasta ng Jueteng payola,e dapat magtayo na tayo ng mga templo para sa mga OFW natin na MAS MARAMING NAITUTULONG sa ekonomiya ng bansa.

At nagbabayad ako ng tax para suwelduhan ang mga impaktong ito?

Tuesday, June 07, 2005

Kuwentong Kuba

Di ko talaga intensyon panoorin. Nandun lang ako sa telepono kagabi, nagfa-follow-up sa isang kaibigan, pero di ko maiiwasang mapatingin sa TV sa sala namin, kung saan nanonood yung mga tao ng first episode ng Kampanerang Kuba.

Okay, una sa lahat, wala akong galit sa mga kuba. Nagda-drive ako ng isang VW Beetle, na obviusly, ay Kotseng Kuba. At hindi ako role model ng good posture (kapag writer ka, malaking problema ang laging nakapasan sa likod mo)at ilang beses na akong napagsabihang wag maglakad nang may slouch.

Pangalawa, wala akong comment kung ano ang gustong ipalabas ng channel 2. Putsa, telepantasya naman yan, di ba? MAs cool nga actually ang genre na ito kesa sa telenovela. At least nagiging creative na at imaginative ang networks. (Oks na sana, kaso kailangan pa nilang maglabas nung soap opera na rip-off sa mga "batang yagit" nung 80s). Nagkaron na tayo ng sirena, mga taong "mey melelekeng pekpek," superheroes, at ngayon, mga kuba.

Ayan, nag-start na... WHAT THE HELL!?

Okay, so may nakikita akong CG ng 2 gargoyle statue na parehong ka-boses ni Kiko Matsing. Siguro masyado akong high sa optimism ko kanina na di ko naisip na di tayo puwedeng gumawa ng isang bagay na walang rinirip-off sa iba. Example na'to.

Oks lang sa akin na nagmukhang intro sa Hiraya MAnawari, o Kulit Bulilit itong intro ng Kamapanerang Kuba. MEdyo gulat siguro dahil parang masyadong pambata yata ang target ng palabas dahil pa-cute yung CG.

Pero, sus naman! Kailangan mo bang i-rip-off yung idea ng nagsasalitang gargoyles ng Walt Disney (na actually, ay isang malaking ka-stupiduhan ng Disney)? Di na ako magugulat kung inintroduce nung mga Gargyle ang sarili nila bilang si "Victor" at si "Hugo." O "Quasi" at "Modo." O para mas korni, si "Ku" at si "Ba." Anyway, di ko rin naman nakuha ang pangalan ng dalawa, so no further comments na lang.

Isa pang problema ko rito ay napaka-alien ng church gargoyles sa Pinas. Sa bansang ito na tinatawag na Satanista ang mga punks, saan ka makakakita ng Gargoyle sa tuktok ng simbahan? (Hindi counted si Bro. Mike at si Soriano, siyempre kasi wala naman silang simbahan, di ba?)

Ang pinakamalapit na "gargoyle" na nakita ko ay yung mga "Chinese Lions" na istatwa sa bakuran ng San Agustin Church sa Intramuros. Ngayon, di ba mas orig nang konti kung mga Chinese Lions ang nagsasalita, hindi gargoyles na bato?

Okay, so na-distract ako dahil may kausap na ako sa telepono. Tapos, may narinig akng weirdo. Music. Disco music. Pagtingin ko sa TV... WHAW!POTAH! NAGSASAYAWANG MGA KUBA!

SYET! MAY MGA KUBANG NAGDA-DANCE NUMBER SA TABI NG ILOG!

Di ko alam kung matatawa ako o ano! Ang daming kuba - at galing ito sa taong uma-attend ng car shows ng Volkswagen Club!

At ayun, nalaman ko, ito pala ang kaharian ng mga Kuba. Apparently, ang mga kuba ay mga magical beings na parang engkanto, at nakatira sila sa isang kaharian sa tabi ng ilog kung saan sila'y masayang nagdadance number. Owrayt! Matutuwa siguro ang tatay kong surrealist dito.

Tapos makikita natin ang prinsipe ng mga kuba. Okay, prinsipe siya ng mga kuba, pero puno ng langib yung mukha niya. Alam nyo ba yung asukal sa banana-q? Di ba buo-buo yung crust ng asukal sa banana-q? Ganun. Ganun ang mukha ng prinsipeng kuba. So, bukod sa pagkakaroon ng bukol sa likod, ang requirement din para maging kuba ay yung burog sa mukha.

Ewan ko kung ilang kuba ang na-offend sa pilot episode na ito. O ilang tao.

Anyway, biglang lumabas ang errr, sidekick-alalay ng prinsipeng kuba, isang unano. Isang unanong nakasuot ng costume na rip-off kay Piglet sa Winnie the Pooh. Great.

Marami pang mga mythical characters sa kaharian ng mga kuba. May nakita akong cyclops dun, at babaing may ilong ng baby, pero di ko na napansin kung kuba sila. Pero syet, para maging kuba at cyclops? Lintek, napaka-kawawa mo na nun. Kailangan mo sigurong maging politiko sa past life mo para ma-reincarnate bilang kubang cyclops.

Sa kasamaang palad, di ko na tinuloy ang panonood sa TV. Huling tingin ko, mukhang may lindol sa kaharian ng mga kuba, pero nandun pa rin ang mga kuba, nakatayo sa tabi ng ilog, mukhang bad trip dahil naunsyami ng lindol ang isa na namang dance number.

Okay, so siguro unfair masyado na i-judge ang palabas na ito sa unang episode pa lang. Tutal, may room pa naman for improvement ang isang palabas na may Disney rip-offs at nagsasayawang kuba, di ba?

At susmaryosep! Ano ba problema ng camera? Bakit screwed up ang mga kulay sa palabas? May sale ba ng kulay orange na pintura o nalublob ba sa orange juice yung film? May malaking demographic ba ng mga color blind sa audience? Naknangsiomai, sobrang tingkad ng mga kulay ng Kampanerang Kuba, nagalgal yata ang colored TV namin!

Pero kung may natutunan ako sa mga raket ko, at mga toma sessions, hindi pa tapos ang script ng isang telenovela. O telepantasya. O kung ano man ang i-label diyan. Ni wala pa yatang nakakaalam kung anng direksyon ang tatahakin ng kuwento, o kung paano ito magtatapos.

So itataas ko na lang ang aking bote ng tubig sa pag-asa na, ayun, mag-i-improve ang palabas.

Cheers.

Friday, June 03, 2005

Enlightenment

Maraming nagrereklamo sa sex and violence sa media natin ngayon. Sino nga ba ang hindi masusuka sa mga nagkalat na scandal videos ngayon, di ba? Actually, sa simula, medyo kinky pa, pero gaano man kababa, pinatunayan nating mga Pinoy na kaya pa nating dalhin ang scandal videos sa bagong level ng kababaan.

Ilatag mo kunwari sa isang timeline ang chrnological order ng paglabas ng mga scandal video sa history natin, at makikita mo kung saan tayo tumawid mula sa "kinky" papunta sa "PUNYETAKADIRISYETNAKAKASUKANGPUKENGINA!!!" salamat sa video ni Mahal, at ni Ethel Booba.

Pero hindi ito tungkol sa sex.

Violence? Hah! Puno ng violence ang news. O kahit na wala sa news e, yung kapitbahay naming asshole, laging pinipiling mag-away - as in "away" na kumpleto - bugbog, iyak, hiyaw, etc. - kapag lampas hatinggabi na.

So ano gagawin natin para sa kapakanan ng ating kabataan? Wala na bang isinusuka ang TV natin kundi sex and violence?

Napag-isip-isip ako isang gabi, at ang verdict? KAILANGAN NATING HANAPIN ANG PANGINOON!

Tama! Kaya isang gabi, wala akong magawa, nag-channel surf ako, at napalipat ako sa "Dating Daan." Siguro'y dito ko matatagpuan ang inspirasyon upang ako'y magbagong-buhay na't muling makilala ang aking Diyos. Alam ko, corny pakinggan, pero mas corny, mas mabuti, religion ang usapan e. Humanda na akong ma-enlighten.

Sa palabas ngayong gabi, may iniinterview sina Sorianong isang babaeng dating taga-Iglesia. O para maging eksakto, dating nagtatrabaho sa Financial department ng Iglesia. Aba! Masaya 'to. Anyway, ang premise ng palabas, maraming pera ang Iglesia ni Kristo, maraming kinukuha sa mga members niya. Habang pinapanood ko ang episode na ito, lalo akong naniwala na dapat talagang lagyan ng tax ang mga simbahan, pero tackle natin sa ibang araw ang isyung ito.

Lipat naman ako sa channel ng Iglesia, at nadisappoint dahil naka-sign off na sila. Pagbalik ko kina Sriano, nasisira-sira ang transmission. Sabotage o Act of God?

Ewan, inantok na ako at natulog.

Nung sumunod na gabi, nanonod ulit ako, sa channel ng Iglesia, binabatikos na naman nila si Soriano. May mga footage sila na nagpapakita ng mga inconsistencies sa mga pinagsasabi ni Soriano, particularly sa mga stand niya sa "White Lies." Syet, kitang-kita na madalas bumaligtad si Soriano.

Sa kabilang channel naman, binabanatan naman nina Soriano ang Iglesia. Ang isyu naman, yung challenge para sa debate na di matuloy-tuloy. Puta! Nagkaroon ng challenge! Lumabas pa sa dyaryo last year! Bakit di ko alam na nagkaron ng challenge? Ah, kasi may pinagkakaabalahan akong importante nun, tulad ng paglilinis ng pusod.

So ganun, naghamunan ang 2 panig, kagat dito, kagat dun, pero di matuloy-tuloy kasi laging bumabaligtad yung Iglesia. ( "Sige! Debate ba ang hanap! Laban kung laban!" tapos next week "Aba! You're not a worthy opponent! Hehehe!")
At dun naka-focus ang batikos nina Soriano at nung kasama niyang mukhang nakangiting bangkay.

Sa akin naman, punyeta, masaya siguro kapag natuloy yung debate! BAbaba siguro si KRisto mula sa langit, tatayo sa tabi nilang dalawa... sabay headbutt! Yeah...

Actually, mas cool nga siguro kung nagsama-sama na lang lahat ng followers nung 2 mokong sa isang isla, sabay battle royale.

So ano nangyari sa venture ko sa paghahanap sa Panginoon sa TV? Actually, nakalimutan ko, nalibang kasi ako sa kakapaanood sa dalawang Kristiyanong channel na nag-e-engage sa napaka-Christian na gawain tulad ng... pagbabatuhan ng bullshit.

Gusto ko sanang manood na lang ng porn, dahil walang saysay namang magpakabuti kung ang makakasama mo sa langit ay si Soriano at ang sidekick niyang mukhang bangkay at yung mga tropa ni MAnalo, di ba?

KAso naalala ko, hindi sinoli sa akin ng mga kabarkada ko yung video ko ni Skylar Knight.

Biglang dumilim ang aking paligid, at nakaramdam ako ng napakabigat na panlulumo sa aking puso. Tumingala ako sa langit, basa ng luha ang aking mga pisngi, sabay hiyaw - "WALANG DIYOS!!!!"