Friday, December 30, 2005

40 Questions - oo, survey ulit...

Okay, survey ulit. Wheeee!!! Sa mga info na nalista ko sa nakaraang surveys, puwede na akong magkaroon ng evil robot clone. Anyway, year-ender survey naman, so, errr... Toast na lang sa New Year.

Ulit, ninakaw ko ang survey mula kay Kitty.

*************************

1. What did you do in 2005 that you'd never done before?

* joined the FCB creative rumble
* became a priest for a night
* ate a whole family pan pizza in 30 minutes

2. Did you keep your New Years' resolutions, and will you make more for next year?

Too drunk to make a list. So there.

3. Did anyone close to you give birth?

Yep! The family is growing!

4. Did anyone close to you die?

Nope.

5. What countries did you visit?

People's Republic of Stress

6. What would you like to have in 2006 that you lacked in 2005?

Money, money, more money, and my own private storm trooper army.

7. What dates from 2005 will remain etched upon your memory, and why?

none. 2005 is one big blur.

8. What was your biggest achievement of the year?

Surviving the year.

9. What was your biggest failure?

Can't eat more than 10 slices of pizza anymore...

10. Did you suffer illness or injury?

Migraine

11. What was the best thing you bought?

simple gifts for P

12. Whose behavior merited celebration?

Kato - for being a dancing nun

13. Whose behavior made you appalled and depressed?

Can't... type... hands... paralyzed... with... distilled... rage...

14. Where did most of your money go?

utang, hotwheels, fuel expenses

15. What did you get really, really, really excited about?

Waiting for a non-pro-rated Xmas bonus.

16. What song will always remind you of 2005?

First day funk...

17. Compared to this time last year, you are:

sleepy

18. What do you wish you'd done more of?

sleep... precious sleep...

19. What do you wish you'd done less of?

unavoidable ranting

20. How will you be spending Christmas?

With the family.

22. Did you fall in love in 2005?

Fell in love back in 2003, still falling in love today...

23. How many one-night stands?

Zero. The evil wolf does not fancy himself being someone's wolf skin rug...

24. What was your favorite TV program?

Seven Samurai, Ghost in The Shell : SAC

25. Do you hate anyone now that you didn't hate this time last year?

If hatred is a muscle, I'm a freaking beefcake stud.

26. What was the best book you read?

Cutting Edge Advertising

27. What was your greatest musical discovery?

Day Dream Cycle

28. What did you want and get?

A better life; frustration.

29. What did you want and not get?

The agency answers in unison. Guess what.

30. What was your favorite film of this year?

Corpse Bride

31. What did you do on your birthday. And how old were you?

Got drunk... a bit.

32.What one thing would have made your year immeasurably more satisfying?

Slow and painful death for all moronic drivers clogging C5.

33. How would you describe your personal fashion concept in 2005?

UP japorms - simple shirt, maong, sneakers

34. What kept you sane?

So now we assume that I'm still sane?

35. Which celebrity/public figure did you fancy the most?

Jessica Alba, 'nuff said.

36. What political issue stirred you the most?

Tinatanong mo ito sa Pilipinong nakatira sa Pilipinas?

37. Who did you miss?

My sister.

38. Who was the best new person you met?

Some cool people at the office...

39. Tell us a valuable life lesson you learned in 2005:

Genocide can be a good thing.

40. Quote a song lyric that sums up your year:

These lies have torn my world apart
These lies have torn my world apart
These lies have torn my world apart
Torn my world apart
Torn my world apart
Torn my world apart

Monday, December 19, 2005

20 Questions

Yep, ang walang kamatayang 20 Questions na nauso sa e-mail (at recently, sa Friendster) na, in theory, ay dapat makakatulong sa bonding ninyong magkakaibigan dahil, sabi nga ng cliche, "you get to know new things about them," pero actually, ay isang magandang database ng blackmail material.

So bakit ko shineshare? Una sa lahat, wala akong paki. Yes. Pangalawa, wala akong malagay na entry ngayon, kaya magsasayang ako ng bandwidth at oras ng reader sa meaningless trivial crap na may meaning lang sa mundo ko. O sa extension ng mundo ko. Which is this blog.

Anyways, ninakaw ko lang ito kay duskwatcher, na ninakaw rin daw niya mula kay Kitty.

Okay. Start!

***************

1 If you were to commission a musician to make the soundtrack of your life, who would it be?

Sonic Youth. O kaya Lush, kaso disbanded na sila. Pero Sonic Youth ang top priority.

2 What would make you lose sleep?

Work, work, work, at mga pitch efforts na babarilin lang ng mga taong walang imagination, at common sense, at sense of humor. Pero sila ang may pera, which I need. Damn it.

3 What is the most original breakup line you've ever heard?

"It's not me. It's you." Oi Duskwatcher, eto ang variant na common sa akin. Hehehehe!

4 What could you have been in your past life?

Very angry bloodthirsty warrior. Samurai, Roman soldier, ewan.

5 If you can travel anywhere in the world, which country will be your first stop?

Thailand. Sarap ng street food.

6 If you could belong to any TV Family which family would you choose to belong to?

None. The evil wolf works alone.

7 What song reminds you of your last relationship?

"Drugs Won't Work" by the Verve

8 If the door to your room had a sign on top of it (to at least give the people who are about to enter a warning), what would it say?

Trespassers will be horribly mutilated ;) (yep, kasama yung smiley)

9 You're a cake. What kind are you?

Black Forest. Wala lang.

10 Fill in the blanks. If I wasn't so _______, I would have been _______ by now.

Creative; a rich corporate yuppy

11 What is the deepest, most desperate desire of your heart?

Money and World domination

12 What is your favorite household appliance?

Electric Fan

13 If you suddenly find yourself onstage in front of thousands of people, what song would you sing?

"Get The Fuck Out" by Skid Row

14 What made you smile today?

Hotwheels New Beetle Cup variants

15 What did you eat that gave you food poisoning?

Unknowingly consumed lotsa spoiled chicken in a debut once, and I'm the only person who came out unharmed. All the other people got ill. Hence the start of the legend of "Iron Guts Jol." No, I'm not kidding.

16 What weird food concoctions do you enjoy?

A bag of Mallow Blast, and a half-liter of Coke.

17 If you were an animal, what animal would you be?

Lone wolf.

18 Of all of the Halloween costumes you have ever worn, which one was your favorite?

Never had a Halloween costume I liked. My favorite costume is this Priest uniform I donned a few days ago.

19 What do you do to stay awake during long, boring classes/meetings?

Why fight it?

20 If there were no tomorrow, what would you do today?

Sleep, sleep... precious sleep...

Monday, December 12, 2005

Porn ulit - Top Ten, at isang maiksing kuwento

As usual, bawal sa mga bata, at sa mga sensitive na taong pikon. Mas mabuting basahin nang bangag sa beer.

**************

Top Ten Tagalog Porno VCD Titles Na Nakita Ko sa Makati Cinema Square

10. Pinay Prosti

9. Babaing Bayaran

8. Sabik Sa Sex

7. Kantutan sa Kotse

6. Kantutan sa Garahe

5. Kantutan.com

4. Tag-araw, tagsarap

3. Yariang Aso

2. Itaghoy mo sa laman

TOP 1 : BALISAWSAW SA KANTUTAN

Sa mga magtatanong, hinde, wala akong binili ni isa sa mga 'yan. Sasabihin ko na ngayon, hindi ako fan ng Pinoy porno. Putek, marami akong ipapatronize na mga Pinoy products pero may mga exception ako - Lito Camo songs, Love Radio, Channel 2, at oo, pati Pinoy porn.

**************

NAg-overtime kami kahapon dahil may rush na project na ngayon supposedly ang deadline. Okay lang. Ang mga taong walang bonus, kailangang bumawi sa overtime. Nagpakain din naman ang opisina, so cool.

Nung gabi na, tutal panay mga lalaki naman kami rito, yung isang kasama ko, naglabas ng pornong DVD.

Asteeeggg!!! Akala ko, ito yung video na may "greatest all-female gangbang" (barely legal summer camp), pero isang French film pala.

Sa buong buhay ko, dalawa pa lang ang napapanood kong French na porno. Yung una, magaganda yung mga babae. Typical porn, ano pa masasabi ko? Naghubad, nag-sex. Repeat. Swap partners. Repeat. Enjoy din yun.

Yung pangalawa, sigurado akong tatamaan ako ng kidlat dahil ikukuwento kong nanonood ako nito kaya naka-rubber shoes ako ngayon, mga pari't madre.

Okay, so cool na rin sana, tutal may uniform fetish din naman ako minsan. Yung mga gumanap na madre, hindi mukhang pokpok dahil hindi naglagay ng make-up. Believable na! Kaso sa gitna ng video, biglang may lumabas na dalawang madreng she-male! SYET! POTAH! Eject na agad! At hindi ko na nakita ulit ang video na 'yun.

Pero yung officemate ko naman, hindi naman siya yung tipo ng taong manonood ng sick porn shit tulad nung pangalawang French video na napanood ko. Absent yung officemate kong malamang ay nanonood nun.

"Art film yan na may sex scenes..." sabi nung officemate, habang nagro-roll na ang mga credits, panay French ang mga pangalan.

At ang masasabi ko lang, ito ang pinaka-boring na pornong napanood ko. Gaano ka-boring? Hindi lang boring na Market! Market! boring, eto yung boring na talagang nananakit! Sobrang boring nito na nung unang panahon, nung wala pang "boring" sa language ng tao, naramdaman na ng mga lumang scholars ang boring aura ng punyetang film na'to, at inimbento nila ang salitang "boring" para rito.

Okay, cute naman yung babae. Cute in a "di mukhang pokpok" kinda way. Teacher kasi yung babae. Teacher ng elementary. Pero background lang yun, walang nangyaring sex scenes sa classrooms. Actually, wala nga yatang nangyaring sex scenes sa buong pelikula, putanginaverymuch. Nagulat lang ako at pumasok siya sa room, at ayun, may mga bata.

Yung babae kasi ang bida. Payat, walang boobs, pero oks lang. Cute nga. Kasal siya sa isang male model na ayaw makipag-sex sa kanya. Isa sa mga first scenes ng movie, pinipilit pa siya ng babae na magtanggal ng shirt sa kama.

"Fine. But the underwear stays."

Yep. Actual dialogue. Tapos inattempt siyang bigyan ng blowjob, tapos pinigil siya nung lalaki.

"But you're hard..."

"That doesn't mean I want it."

Ladies and gentlemen, sabitan ng medalya ang lalaking ito.

So yun, may sexual hang-ups yung babae. At sa buong pelikula (at least hanggang sa point na nabuwiset na ako at nauna na akong umuwi) walang ginawa yung lintek na babae kundi mag-monologue at mag-philosophize sa hang-ups na'to.

Maniwala ba kayong 30 minutes na, wala pa ring sex scenes? At nang nagkaroon na, nag-cheer na ako dahil nagpakita na rin ng utong. Syet, pakiramdam ko napaka-pathetic ko dahil nagchi-cheer ako sa utong, habang nanonood ng French porn.

Ang matindi, pati sa sex scene, nagkukuwento pa rin yung babae sa kalaguyo niya ng problema niya sa buhay. Before, during, at after - panay daldal. Panay whining.

Sa puntong ito, sinabi nung may-ari ng video na babae pala yung writer at director ng movie. Tangina, alam ko hindi mo dapat mamadaliin ang babae sa sex, di ba? Dapat may foreplay kuno, at least yun ang sabi sa Cosmo mags. Pero namannn!!! Ridiculous na ang pacing ng video puwede na itong magbuo ng sariling genre - Catatonic Erotica!

Yun ding sex scene na pinakita, isang posisyon lang, at umabot ng 5 minutes. At wala kang marinig kundi yung pagma-mumble-mumble ng lintek na babae sa problema niya!

Kung i-vi-view mo naman ang pelikula bilang "sexy movie" lang, wala pa ring kuwenta dahil ang daming lingering shots. May point nga na akala namin still shot na yung pinapakita dahil mukha lang ng babaeng bida na ayun, nagmomonologue ulit. At mas matagal pa ang eksenang ito kesa sa sex scene.

Gusto ko ring sabihin na habang nagpeplay ang video, nag-net ako ng kaunti at mas marami pa akong nakuhang porno sa 2-5 minutes na pagse-surf ko, kesa sa 30 minutes na pagvi-view ko ng pelikula. At may internet filter pa kami - partida na yun!

Giddemmet, kaya bago pa ako tubuan ng ugat, tumayo na ako't nagpaalam. Gabi na rin, at tapos na yung trabaho ko. Yung mga kasama kong may sabit pa, naiwan na lang at nagtrabaho.

Kaninang umaga, tinanong ko yung officemate kong naiwan kagabi kung ano nangyari. Wala raw. Panay daldalan hanggang ending. Kaya mag-ingat sa porn film na ang title ay "X Romance."

Friday, December 09, 2005

Oda sa mga laruang jologs

Dahil lumaki kami nung dekada nobenta, exposed kami ng mga utol ko sa mga cool na TV ads ng mga toys. Ito yung mga commercials dati na madalas pinapalabas sa time slot ng Saturday morning cartoons, at tuwing primetime dahil cartoons din ang palabas nun, at limited lang sa tanghaling tapat ang mga soap opera.

Marami man at mas magaganda ang mga laruan ngayon, mas cool pa rin ang mga laruan noon. Yep, kung ngayon masarap maging toy collector, noon mas masarap maging bata.

Nandun nun yung Cheezels tsaka Chickadees na nagpauso ng Jelly Gummies, at iba pang mga maliliit na laruang plastik. NAsira lang sila dahil sa kumalat na tsismis tungkol sa Blue Star tattoo na may LSD kuno. Coincidence bang kumalat yun nung may libreng water slide tattoo sila?

Da best din nun ang Uniwide cubao pagdating sa mga laruan, walang sinabi ang SM Toyland! Nauso pa yung Daimos snack na may libreng stickers ni Daimos, tsaka yung Shaider candy ng Sharkey Industries.

Siyempre, maganda yung mga McFarlane figures ngayon... astig ang detalye! Pero mas trip ko yung mga 80s-90s na mga laruan dahil lang sa sobrang pagka-wild ng gimmick!

Yun na lang siguro yun, mas maraming magagandang concepts ng laruan na lumabas nun, kesa ngayon na usually ay rehash lang ng isang product genre ang nangyayari. Nung 80s, bago pa noon ang mga robot na nagiging kotse, action figs ng He-man, GI Joe, at Teenage Mutant Ninja Turtles! Punta ka sa malls ngayon at ano makikita mo? Mas mahal na robot na nagiging kotse, at mas detalyadong action figs ng He-man, GI JOe, at Teenage Mutant Ninja Turtles.

Hinihintay ko lang yung Ghostbusters, pero iniisip ko, baka maging pathetic lang. Wala pa ring tatalo sa lumang series ng laruan nila nun. Wala ring tatalo sa lumang animated series nila nun.

Pero nung bata kami, di kami madalas bumili ng action figs. Pasko lang, tsaka birthday. Ang madalas na laruan namin, yung mga palengke toys.

Oo, cheap di ba? Pero nung panahon nun, hindi porke cheap, walang kuwenta agad. May nangyayaring trend din ng devolution sa palengke toys, at di man kasing-sikat at kasing-lovable ng mga mamahaling orig na action figs na mabibili sa malls, may mga naglalamay rin siguro sa pagkawala ng mga magagandang palengke toys, isa na ako dun.

Dati, nung elementary pa ako, meron kaming binibili nun na Godzilla curls. Mga small-time na junkfood na lasang mais, pero may libreng mga maliliit na monsters na pang-tantsing. Sa panahon ng Comic Quest stalls at anime, lilinawin ko lang na kasinglaki ang mga ito ng gashapons.

Gawa ito sa mga translucent na gomang may kulay, maganda ang detalye, ang sarap kolektahin. Nakapagtabi yung utol ko ng ilang piraso somewhere sa bahay. Kung titingnan mo, di ka makakapaniwalang free ang mga laruang ito sa isang cheap junkfood na tig-pi-piso lang.

Eventually, yung translucent na goma, naging solid opaque plastic na sa mga sumunod na editions. Tapos nawala na.

Nung panahon din ng Panday na animated series, nauso rin yung Panday curls. Tulad ng Godzilla curls, hugis cheese curls din, pero lasang mais. Sigurado rin akong hindi licensed itong snack na'to, pero ang cool dito, ang libreng laruan naman nito na pang-tantsing, ay mga Panday na characters!

Gawa sa goma, merong FPJ, at iba't-ibang halimaw na makukuha! Solid na goma, hindi maganda ang detalye tsaka proportions, pero alam mo talagang merong nag-tiyaga gumawa ng sariling molde para rito, instead na mangopya ng ibang laruan. Ang alam ko, meron ding ganitong bioman naman, pero pareho ng pagkakagawa ng sa Panday toys.

Fast-forward sa 90s, uso na ang WWF wrestling. Kada punta namin sa palengke, lagi kaming bumibili ng isang malaking bag ng WWF na laruan. Ang may gawa nito, Trusty Marketing. Sa isang supot, may isang set gn parts lang, kunwari, yung hips lang. Kukumpletuhin mo yung parts para makabuo ng isang WWF figure na around 5 inches ang taas! Ang matindi nito, mukhang sariling molde rin ang ginamit pero ang ganda ng detalye ng mukha! Maganda na rin ang quality ng plastic na ginamit. Kapag may doble kami, cinucustomize na lang namin ng pentel pen, at may sariling character na kami!

Simple lang ang articulation - ulo, kamay, hips, at tuhod, pero oks na ring pang-reenact ng mga kagaguhang napapanood namin sa TV.

Kasabay nito, meron ding Super Mario na rip-off (Super Mariano) bubuuin mo rin yung parts, at may Super Mario figure ka na. Popeye rin meron, pati Robocop. Orig molds yata ang gamit, una, kasi di ganun ka-pulido ang figure pag nabuo. Yung proportions nga, at yung itsura.

Napansin nga namin, basta Trusty Marketing ang gumawa, mas maganda yung quality para sa isang free toy. Nung mga late-90s, nakabili yung utol ko ng Trusty na laruan, inassemble namin, at pangit na yung fit at detalye. Bumagsak na rin ang quality as compared sa mga lumang laruan nila.

Ngayon, konti na lang ang makikita mong made in RP na laruan sa mga palengke dahil nagsibahaan na ang mga made in China na pekeng transformers o sailormoon. Minsan Gundam model kits pa. Oks naman bilhin lalo na kung mahilig kang mag-customize.

Pero lintek, ano ang nangyari sa booming toy industry natin? Dati kahit sa supermarket, merong mga laruang kotseng plastik na gawa ng Cherith, made in RP! Panay mga Volkswagen na Beetle pa na gawa ng Cherith ang mga laruan ko dati. At masasabi kong napaka-indestructible ng mga kotseng yun! Huling beses na nakabili kami, available na lang sa Goldilocks na design sa cake nung 21st bday ko (yep, bata pa rin ako... heheheh!)

Balang araw maghahalukay ako sa bodega namin.

Thursday, December 08, 2005

i wish me a merry xmas

Check out: http://meeowpaw.blogspot.com/

Blog ni Kitty Almazan, famous person sa FA.

Kung tinitingnan nyo yung December 8 entry na picture, sana ganyan ako kasaya ngayong pasko. At hindi joke yung caption. Damnit...

Monday, December 05, 2005

Pagmumuni-muni sa isang cubicle ng isang mall sa Cubao

Napaka-boring ng Gateway Mall.

Di naman kasing-boring ng Metro Market Market, na sa tingin ko, ay ang vortex ng boredom.

Ilagay mo kunwari ang Gateway Mall sa ibang lugar bukod sa Cubao, at tingnan natin kung dadayuhin pa'to ng mga tao.

O baka ako lang ang inaantok sa Gateway? Dahil siguro hindi ako ang market nito. Parang Podium na class na class. Magkahawig ang aura ng dalawa. Ewan, wala kasi akong paki sa mga tindahan ng sapatos o branded na mga damit. Bigyan mo ako ng maong at t-shirt, buhay na ako.

Ang gusto ko lang sa Gateway? Yung gourmet pizza sa Pizza Hut Bistro.

Ang pinaka-ayaw ko? Yung mga CR na may bayad.

Hindi naman sa di ako pabor sa mga CR na may bayad. Understandable naman yun kung mga portalet sa park kunwari, dahil alam naman natin na di priority ng gobyerno ang pagpapaganda sa kapaligiran natin, di ba? So okay lang kung mga tao na rin ang magbayad ng maintenance sa mga public CR na ganito. At least, alam mo kung saan napupunta yung baryang binayad mo.

Pero kung call collect ang tawag ng kalikasan sa mall, lalo na sa isang malaking mall tulad ng Gateway, mali na yun, men.

Di ba? Nagbayad ka na ng parking, bumili ka na sa mga tindahan nila, ano ba kung ilibre mo na ang pag-jingle?

Yun ang shock ko nung unang punta namin sa Gateway. Hinanap ko yung restrooms, pagdating dun, may counter sa tabi, tapos tatanungin ka kung mag-si-CR ka. 10 pesos.
Inabot ko yung bayad, nakalimutan ko na kung may tiket ako o ano, syet, ihing-ihi na ako e. Basta pagpasok ko sa CR, may, errr, butler dun.

Okay, so kung may butler ka sa banyo, obvious na sigurong class ang banyo mo. May mood lighting pa, burloloy sa lababo at mga dingding, sobrang kintab ng marmol at tiles sa paligid, tapos may options ka pa sa sabong gagamiting panghugas ng kamay. Class - considering pa na banyo ito ng lalaki.

Bigla kong na-miss yung madidilaw na tiles at mga vandalism ng mga drawing ng etits sa pader. Nakaka-disorient din yung absence ng mapanghing amoy. May warp zone ba akong napasukan at napunta ako sa banyo ng isang 5-star hotel?

Okay, official na. ang banyong ito ay na-"Queer Eye." Ang mga kasabay ko sa loob, mga mapopormang bading na mukhang nandun lang para mamick-up ng high class na call boy. Buti na lang di metrosexual ang porma ko.

Pambawi siguro sa binayad sa interior designer yung sampung piso, pero naman, aanhin ko ba yung burloloy sa lababo, o yung mood lighting? Dapat ba akong ma-impress? Di ba nakakagulo pa yung bubunot ka pa ng sampung piso, o maghihintay ng sukli habang nagbabadya na ang pagsabog ng pantog mo?

Sa akin kasi, di naman ako pupunta sa banyo para tumambay. Sino bang pumupunta sa banyo ng mall para tumambay? Teka, sino bang MATINONG tao ang tatambay sa public toilet?

Kahapon, nagpunta ulit kami sa Gateway. Tapos naiihi na naman ako. Dapat, pipigilin ko muna, kaso di na kaya talaga. Nasa mataas na floor na kami nun e. Naglabas ako ng baryang pambayad, sabay lakad nang mabilis. Nagulat na lang ako kasi wala akong napansing cashier. Walang nagtanong kung mag-si-CR ako o ano. Tapos nakita ko may mga taong pumapasok sa pinto. Hmmm, baka makalibre pa ako, ewan, wala akong pake. Gusto ko lang sagutin ang tawag ng kalikasan.

Pagpasok ko, wow, libre nga ang CR sa floor na'to. Hindi magarbo ang banyo. Typical na mall CR lang. Simpleng ilaw, classic gray tiles, wala namang vandalism, pero oo, libreng CR nga. Lumapit na ako sa urinal at umagos ang naipong bottomless iced tea na parang waterfalls ng mountain dew.

Exhale pa nang malalim habang tumitirik ang mga mata sa ginhawang hatid ng pag-jingle...

Tapos may itim na gumapang, biglang lumitaw sa gilid ng urinal- malaking langgam na itim? Hinde, nakataas yung likod e... ALAKDAN!?

PUNYETA!

Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa braso, at bigla akong nanlamig! Paano kung biglang tumalon itong alakdan sa pagkalalaki ko at ma-injection-an ako ng lason! Putaragis! Hindi ako makaalis o makalipat ng urinal dahil nasa kalagitnaan ako ng pag-jingle! Teka, kung tusukin man ako, mamamaga naman ang ari ko, tapos, hmmmm... puwede na akong maging porn star, pero paano kung bigla akong ma-paralyze? Na-i-imagine ko na, ilalabas ako sa banyo, nakahiga sa stretcher, nakahawak pa rin sa ari kong namumula't galit na galit, maga dahil sa lason, habang sumusunod ang nanay kong di makalakad sa kakatawa. Halo-halong imahe, parang flashback, papalapit na ang alakdan! Dapat pala binili ko yung kuwintas sa Quiapo na inilalako sa akin, e di dapat may orasyon na ako... putanginangsyet!

Pagtapat ng alakdan, sa akin, hindi pala ito alakdan... alupihan pala! Putanginang alupihan na nakataas yung buntot! Okay, nangangagat pa rin yun. Di ko alam kung naka-strike position na yung alupihan o hinde, ni hindi ko alam kung nakakatusok yung buntot nito o sa mandibles mangangagat, tangina, wala akong paki, either way, masakit pa rin sa pagkalalaki yun!

Oks! Tapos na ako! Pagpag, zipper, tapos!

Paglabas ko ng banyo, hingang malalim! Contemplate sa muntikang virtual pagkakapon! Damn you, Gateway Mall! Damn You!

Lesson of the story? Kapag sinabi ng management na magbayad ka ng sampung piso para maka-jingle, magabayad ka... or else...