Thursday, January 05, 2006

Paano mag-"sex-appeal-suicide" ang isang boldstar?

Nakaparada ang kotse sa madilim na dulo ng parking lot. Umuuga-uga nang kaunti habang tahimik na umuugong ang makina. Sa loob, hindi makapagsalita nang maayos sa kahihingal si lalaki. Unat na unat pa rin ang katawan nito sa upuang naka-recline habang tuloy ang pagtrabaho sa kanya ni babae.

"Asteeeggg!!! Ang galing mo talagang kumanta! Kanta ka pa! Kantahan mo pa ang mikropono ko!!!!"

Kumpleto na, yung setting, yung masamang dialogue, kulang na lang ng isang "masturbating voyeur," at syet, isa na itong tagpo sa isang generic pathetic Tagalog TF movie. Nangyari ba ito sa totoong buhay? Siguro. Ito ang na-i-imagine kong scenario kung paano na-motivate si Ramona Revilla na magrecord ng isang album.

Okay, background muna. Nanahimik ako sa work station ko, isang umaga, nang biglang hablutin ang katahimikan at gahasain ng isang pinatugtog na CD na ma-de-describe mo lang na "abomination."

Apparently, yung isang officemate ko, binigyan ng CD na may 4 na burned tracks mula sa album ni Ramona Revilla. Ang masasabi ko lang,isang malutong na "IT SUCKS!!!"

Yeah, dated na siguro, panahon pa siguro nina Beavis and Butthead, pero yun talaga ang pumasok sa utak kong tumatakbo sa artificial consciousness na dulot ng Pepsi Max. Sucks at acting, sucks at singing - sucking lang ang totoong talent!

Sa simula kasi, laugh trip pakinggan. Understatement na ang sabihing sintunado. Kasinungalingan na ang sabihing talentado. Tama lang sabihing tarantado.

Unang banat pa lang ng "Get The Party Started" ni Pink, masasabi ko agad, kung pulis ako, binaril ko na yung kumakanta sa videoke. Walang exaggeration dun. Tangina, kung may live song performance si Ramona Revilla, at nandun ako sa area, papasok ako sa PNP para mag-pulis, tapos maglalasing ako, pag lasing na ako, babarilin ko si Ramona Revilla.

Pero yun nga, sa simula, laugh trip talaga yung kanta, susundan pa ng tatlo pang tracks na minassacre na, ginahasa pa. Parang yung pinapatugtog dito dating CD ni Vilma Santos.

Ang problema, di tulad ng mga sablay ni ate Vi, na kahit ulit-ulitin yung kanta ay sasabog pa rin ang appendix mo sa kakatawa (at pag sumabog na, tutubuan ka ulit ng isa pang appendix, na sasabog ulit), pangalawang playback pa lang ng tracks ni Ramona Revilla, gusto mo nang batuhin ng army boots ang singer (at pagkabato mo, tatakbo ka ulit sa Recto para bumili ng bagong pares ng army boots na ipambabato mo ulit). Tangina, iparinig mo siguro ito kay Bong Revilla at siguradong maghuhuramentado si Exodus.

Kung sino man ang genius na nakaisip ng idea na pakantahin si Ramona Revilla, at yung mga nag-produce ng kagaguhang ito, kailangang ikulong sa isang masikip na kuwartong may malaking speaker na nagpapatugtog ng kaululang CD na'to para madala.

Anyway, kung yung Vilma na CD, pinatugtog dito nang ilang linggo sa opisina, buti na lang hindi umabot ng tatlong araw yung kay Ramona Revilla. Pinatugtog lang yata para mang-asar ng ibang tao, pero nagbackfire kaya di na sinasalang ulit. O sinusuka na yata ng player, ewan.

Pero, the fact na nag-e-exist ang CD na'to, dalawa lang ang puwedeng sinasabi nito tungkol sa mga Pinoy -

1) Masokista tayo.

2) Jinajustify natin ang genocide.

Syet! Kailangan pa bang i-memorize yan?

2 Comments:

Blogger third said...

Ramona Revilla??

6:31 AM  
Blogger Diyosa said...

Damn! :rotflmao: talaga. mechajol strikes again. buti na lang pala pinadala sa akin ni glitchy itong link sa blog mo. sobrang aliw! syet! galing talaga! sumakit nanaman ang tiyan ko sa kakatawa. maraming salamat na rin. ab exercise ko na for today.

7:39 PM  

Post a Comment

<< Home