Saturday, March 18, 2006

Suicide Attempt

Last Monday, may nasagasaang lalaki sa Ayala Ave. Durog ang ulo, kalat ang utak. Ang creepy rito, bahagi ng ruta ko pauwi yung kinamatayan nung lalaki. Kalat na siguro (no pun intended) sa net yung pics kaya di ko na ilalagay rito.

Ang nakapost ngayon ay yung mga nangyari kinabukasan sa building namin.

Galing kami sa meeting sa isang building sa Paseo de Roxas nung mag-text yung officemate namin. May magpapakamatay raw sa Jaka. Tatalon.

Pagbalik ko sa building namin, normal naman sa harap. Pagpasok ko sa loob, ayun, puno na ang lobby ng mga tao. Lumabas ako sa likod, eto nakita ko. Reaction shot muna ng madla.

Image hosting by Photobucket

At yung tatalon? Nasa 16th floor, sa likod ng gusali, sa may fire exit. Di makita sa shot na'to, walang zoom ang phone ko e.
Image hosting by Photobucket

Nag-uusap na yung mga tao sa baba. Disente naman itsura nung tatalon. Naka-polo, naka-slacks, may dalang envelope. Job applicant kaya? Walang confirmed na info rito. Sabi ng iba, wala raw identity na nakuha. Nakalusot lang daw sa mga sekyu sa baba.

Anyway, dahil di namin makita masyado, kasama ang ilang officemates, umakyat kami sa katabing parking building. Eto ang view ng mga tao sa baba mula sa kinatatayuan namin.

Image hosting by Photobucket

Sinara na yung kalye, may bumbero nang nagseset-up ng inflatable na pangsalo.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Sinubukan ko ulit kunan yung lalaki, pero di talaga abot pag walang zoom. Nakatayo yung lalaki sa railing ng fire exit stairway. Yung pangalawa mula sa taas.

Image hosting by Photobucket

Maraming salamat sa photoshop.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Ang good news, di natuloy ang suicide. Habang bumabalanse yung lalake, bigla itong nadulas. Tumahimik bigla ang lahat, at isang malakas na collective "GASP!" ang maririnig mo mula sa mga tao sa baba. Buti na lang at sa loob ng hagdan nahulog yung tao. Pagtayo niya, may lumabas biglang sekyu, at hinila ito papasok sa loob.

Tamang-tama, patapos na rin ang lunch break.

Nagliligpit na ng gamit yung mga rescuers.
Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

View sa ground floor lobby ng building namin. Pinag-uusapan pa rin ng mga tao yung nangyari. Maraming nag-aabang sa pagbaba nung magpapakamatay, pero dahil tapos na ang lunch break, nagsimadalian na yatang bumili ng pagkain lahat bago natapos ang interrogation sa taas.

Image hosting by Photobucket

Minsan lang ako makakita ng firetruck nang malapitan kaya eto.

Image hosting by Photobucket

Image hosting by Photobucket

Sorry po kung walang gory pics.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home