Friday, April 14, 2006

Immaculate Concept

So kahapon, dumaan ako kina Polidread para magpatulong sa isang project. Pagkatapos nun, niyaya ko sa Tropical Hut (ang nearest fast food outlet) para magmiryenda.

Napansin ko bigla, yung view sa bintana ng mesa namin, may neon lights na nakasindi sa simbahan sa tapat. Lumabas kami at lumapit para kunan ng pic.

Image hosting by Photobucket

Okay, hindi nakuha nang maayos ng digicam ng telepono ko. Yung nakasulat kasi sa simabahan "Immaculate Conception Parish Church." Sa picture na yan, ang nakailaw lang "Immaculate Concept."

Omen ba ito?

Tapos, wala lang... matagal na kasi akong di sumasadya sa simbahan para makinig ng misa. Nagulat lang ako kasi yung mga laruang binebenta sa simbahan, di pa rin nagbabago.

Image hosting by Photobucket

Mas makintab na nga lang ang mga lobo. Pero eto, di makita sa pic ulit dahil lumubog na ang araw, yung mga ibong gawa sa lata na gumagalaw yung pakpak kapag pinapagulong... (putsa, may sense ba 'yung tinype ko?)

Image hosting by Photobucket

6 Comments:

Blogger lizardego said...

jol, ano na naman ang ininom mo?

9:24 PM  
Blogger Canis Lupus said...

actually, ang tamang tanong ay "jol, ilang linggo ka na bang di umiinom?"

10:32 PM  
Blogger curiouskitty said...

dapat "jol, ininom mo na ba yung pinapainom ni doc.?"

11:47 AM  
Blogger Ederic said...

alam ko yung ibong lata na gumagalaw ang pakpak kapag pinapagulong. binilhan ata ako ng lolo at lola ko ng ganun nung bata pa ako. :p

2:16 AM  
Blogger sniper said...

naghahanap ako ng sumisirko na mama na nasa dalawang manipis na stick at may pisi.

gets mo ba? you pisil the stick, the man goes a-tumble.

hanap mo ko, grad gift mo na! doumo!!!

1:25 AM  
Blogger Canis Lupus said...

potek, sniper, meron din ako niyan dati!

sige, hanap tayo. baka si loka alam kung saan meron...

1:39 AM  

Post a Comment

<< Home