Saturday, April 08, 2006

Recommended ba ng PAMET?

Nung 1997, nung bagong kabit pa lang ang cable namin, isa sa mga favorite na channel ko ay yung Metro TV shopping channel. Ito yung channel na nagbebenta ng mga kagaguhang products, at may mga model na mga seksing intsik. Maraming mga quotable quotes dito tulad ng-

"Your friends, boyfriends, and husbands will all say in unison YOUR BUSTS ARE LARGER!"
(product na pampalaki ng boobs)

"I used to have trouble satisfying my wife..."
(sabi ng isang lalaking nag-e-endorse ng STRONG DRAGON 999, at oo, hindi man lang tinago ang identity niya dahil di pixelated yung mukha)

"My customers used to complain about the smell and the feeling, but ater using this, I now have 10 customers a night..."
(sabi ng isang GRO na nag-e-endorse ng errr... feminine wash na may "tightening" effects)

Wala na yung channel ngayon, o at least, wala sa lineup sa cable tv namin. Miss ko na talaga dahil walang ibang infommercial na aabot sa ganitong level ng entertainment- kung di ka matatawa sa produkto mismo, matatawa ka sa pagrecycle nila ng mga caucasian scientists na magiging doktor bigla o expert sa susunod na ad. At kung di gumana yun, nandun yung mga intsik na babaing naglalandian habang naka-two piece.

Di ako sigurado kung kumita yun o hinde. Bahagi na siguro ng kultura natin ang mga ganitong ka-weirdong produkto na nagpa-promise ng weirdong effects. Mula sa CY Gabriel Wondersoap na binebenta sa TV Spots ni Inday Badiday, hanggang sa mga kung ano-anong nilalako sa Quiapo katabi ng mga agimat at mga de-boteng pampa-regla.

Kanina, nagpunta kami sa Sta. Lucia, at eto ang nakita ko-

Image hosting by Photobucket

Yes. Placenta soap.

Ngayon, di ko alam kung saan napupunta yung mga bahay-bata pagkatapos manganak ng mga buntis sa ospital. Ang alam ko tinatapon yun o sinusunog. Nung binasa ko yung contents ng sabon, ayun, placenta extract. Di ko na rin tatanungin kung placenta ba ng tao o ng hayop ang ginamit. Pero considering na wala namang katapusan ang population explosion natin, at mukhang sinusuportahan naman ng simbahan ang pagpaparami ng lahi, lalo na ng mga mahihirap na walang pampakain sa mga anak nila, ewan, hooray na lang siguro sa recycling.

Naalala ko rin tuloy yung mga high school science fair nun. Ang objective lagi, yung pagiging resourceful ng project. Eto na yun. Saan kaya nanggaling ang inspiration dito? May naalala rin akong kasabihan ng matatanda na para mawala ang mga pimples, maghilamos ka ng, errr, regla. Di ko i-e-endorse sa blog na ito ang paggawa ng isang kahindik-hindik na bagay sa ngalan ng vanity, although may kilala akong umamin na sinubukan niya ito.

May urban legend din daw na sa China, kapag kumain ka ng aborted fetus, gaganda ang balat mo. May movie actually tungkol dito, ang title ay "Three Extreme Dumplings."

So ayun, may connection na tayo.

Eto pa.

Image hosting by Photobucket

Ow men...

Ang closest na ginamit kong sabong parang ganito ay yung kulay violet na hair-growing soap, at ginamit ko yun nung highschool pa ako, after ng haircut inspection at masyadong uka ang gupit ng kupal naming directress na dapat lang mamatay. Ano effect? Well, naging matigas lang ang buhok ko at mahirap suklayin. Yun lang.

So habang natatawa ako at na-wi-weirduhan sa Placenta soap, may nakita pa akong isang sabon sa shelf -

Image hosting by Photobucket

Sige, halakhak muna.

...
...
...
...
...

Okay na? Okay. Pwede raw sa babae at lalaki (!?), at bukod sa "tightening effects," may deodorizing effects pa raw.

Masyado bang cheap ang packaging? Para bang "quack" medicine?

Eto, may budget for packaging design. Mas may crediblity na siguro.

Image hosting by Photobucket

Di ko alam kung ilang units nito ang nabebenta sa isang buwan, kung lucrative o hinde. Nagbantay rin nga ako kung anong crowd ang madalas bumili ng virginity soap, pero bukod sa saleslady, wala akong nakitang lumalapit sa shelf. Habang nakatayo ako, sabi ng kasama ko na napanood daw niya si Bella Flores sa isang TV show a few years ago na nagsabing gumagamit siya ng tawas para, err, para maatim ang effect ng virginity soap (at hindi ito tungkol sa deodorizing). Gaddammet...

Image hosting by Photobucket

Kulang na lang ng mga naka-bikining babaeng intsik na naglalandian...

6 Comments:

Blogger shanbeyb said...

Hmmmm... Placenta extract ng halaman. Marami ngang nag-akala na inunan. Hehe... Anyway, I enjoyed reading your blog.

7:57 AM  
Blogger Canis Lupus said...

asteeggg!!! salamat sa clarification! dapat nilista nila yun sa ingredients nung sabon! hehehehe!

8:06 PM  
Blogger Canis Lupus said...

teka lang. eto nakuha ko sa net-

http://www.placentasoap.com/placenta_primer.htm

mukhang placenta nga ng tao ang gamit!

8:11 PM  
Blogger sniper said...

Alam ko placenta ng embryo ng cow ang gamit. Mga intsik kasi sa facial centers ng China may placenta facial, minamasahe sa mukha ng tao yung extract, at mahal siya since ang embryonic plasma ay siksik sa DNA na pampabata.

Pero since third world country tayo yung mga may pakana na taga-Bahrain ng mga sabon mo, inunan ng bata ata ang gamit. Syet.

1:16 AM  
Blogger Canis Lupus said...

asteegg! e di hooray for recycling nga! grabe, kung maging number one export product natin ito, naiimagine ko na ang population supernova ng pinas...

2:07 AM  
Blogger jjjoke said...

placenta ng mga bata yan. may mga pasecreto--secret kasi hindi namna bawal, pero hindi rin talaga approved--na kumukuha ng mga placenta sa mga delivery rooms,bigla na lnag nawawala ang mga placenta, minsan kakontrata ang mga nurses.
bumili n nyan dati nanay ko, placenta night cream, ang mahal ng kokonting amount lang ng cream.

ewan ko kung effective, pero hindi n bumibili nanay ko kasi ubos ata lagi, or nagmahal lalo

4:39 PM  

Post a Comment

<< Home