Friday, May 26, 2006

'D Sucky Ones

Sige, alam ko late na itong post na ito, halos isang buwan na, pero sige, pagkatapos ng ilang linggo ng pagbebenta ng prepaid cards, ibubuhos ko na ang isang namumuong pagkamuhi sa loob ko, at ang pagkamuhing ito ay ang pelikulang D' Lucky Ones.

Okay, last month, nagpunta kaming Cagayan De Oro para sa isang event. Oks yung lugar. Walang trapik, maraming toys, relax ang mga tao, mura ang mga bilihin lalo na yung mga makakain. Since sa Lim Ket Kai Mall ang event namin, nagliwaliw kami ng isang kasama ko, nakita namin yung sinehan, 55 pesos lang ang tiket. Kaya nahikayat kaming manood ng "D' Lucky Ones."

Actually, plano-plano na rin namin e. Napanood ko yung trailer, mukhang nakakatawa naman. 'Di na natin i-me-mention ang kalidad ng talento sa pag-arte ni Sandara Park, redundant na yun, at obvious na. Pero tutal, comedy naman ang pelikulang ito, baka makatulong pa ang kalidad ng pag-arte ni Sandara sa overall hilarity ng film. So bad it's good, 'ika nga ng boss ko.

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling pelikulang Pinoy na pinanood ko sa sine bago ang "'D Lucky Ones" ay "Booba." Medyo cautious pa 'yun. Kinuwento ng orgmate ko dati na nakakatawa talaga yung movie, at 'di typical Pinoy film. So nanood kami, hehehe, okay nga. Nandun na, may first step na. May break na sa formula! Tapos napanood ko sa opisina yung VCD ng kasama ko - Bikini Open, at ayun, meron na! Tumataas na! Nakakatawa na talaga! Bago na yung jokes!

So eto ngayon, napanood ko yung trailer ng "D Lucky Ones" at mukhang masaya naman. Fast-forward sa hapong ito, sa isang mall sa CDO, nagbabayad na kami ng tiket.

At umulan ng disappointment.

Ang premise ng movie - dalawang die-hard fans ni Vilma na nagkasundong ipakakasal ang mga anak nila sa isa't-isa. So obvious nang magrerely ang humor ng movie sa pag-quote sa films ni Ate Vi - at ito ang problema, sa unang 30 minutes ng movie, galgal na agad.

Sinusumpa ko na sa sarili kong hinding-hindi na ako manonood ng kahit anong gawa ng Star Cinema. May reason naman siguro kung bakit naging number na ngayon ang Channel 7, eh? (Kung Star Cinema yung gumawa nung Bikini Open, what the hell happened!?)

Maganda na sana ang premise. Meron na. Ang problema, siniksik nila yung magandang premise sa gasgas na formula ng isang Pinoy comedy film na mas matanda pa kina Tito, Vic, and Joey. 2006 na ngayon, at sobrang 1980's ng structure ng pelikula - hanggang sa Song and Dance number sa ending kasama si Ate Vi. Yeah, sinabi ko na yung ending, hindi naman spoiler e. Predictable na ito rin ang patutunguhan ng pelikula, at ang surprise na lang namin, hindi kami makapaniwalang ito nga ang pinatunguhan ng ending.

Okay, baka mataas masyado ang expectations ko sa isang light comedy (o heavy disaster), pero sige, ano ba ang kulang?

1) isang matino at mas masinsing storyline - yep. Sabi nga ng kasama ko, at inuulit-ulit niya, hanggang gabi, masyadong maluwag ang storyline. Ang daming butas, ang daming story arcs na nakakagulo lang sa main story at hindi naman kailangan. Tulad na lang kunwari nung lalaking love interest nina Pokwang at Eugene Domingo - isang love triangle na wala namang katuturan.

2) character development - Si Sandara, galing Korea, si Bitangcol, nagpapaupa ng bahay, Si Eugene Domingo at si Pokwang, Vilmanians - wheeee! Eto na yun, budburan na natin nga mga gasgas na jokes, sigawan, solb na! Ponyeta! Idagdag pa natin yung lalaking love interest nina Pokwang na ni hindi ko maalala ang pangalan dahil napakawalang character. Imposible ba magkaroon ng less than one-dimensional na character? Congrats! May breakthrough ang "D Lucky Ones!" Isama pa natin yung barkada ni Bitangcol na stereotypical airhead kids. Character backgrounds? Bukod sa nabanggit ko, wala.

3) silence - bakit ba sa lahaaaaaaat ng pelikulang Pinoy, kailangang maging maingay? kailangang maging OA? Unang 30 minutes pa lang ng pelikula, tinalo na ng "D Lucky Ones" yung mga tibak na nakikipag-basagan ng mukha sa mga Pulis sa Mendiola sa noise level. Si Eugene Domingo, napapanood ko dati sa mga plays sa UP, at magaling siyang stage actress. Di ko alam kung bakit naging OA na masyado sa movie. Curse ng Pinoy comedy?

4) cinematography - isang testament ng sloppiness ng movie - maraming half-circle shots, as in, lahat sila, nakaharap sa camera, nakatayo nang half-circle, parang nagpapapicture. Tapos, may scene pa dun na ini-interogate nina Pokwang at Eugene Domingo si Bitangcol - nakaupo sa silya habang umiikot-ikot yung bombilyang nakasabit sa ceiling. Supposedly, parang typical interogation scene ito, ang problema, tanghaling tapat sa labas, nakabukas ang mga bintana, at sa sobrang liwanag ng kuwarto, wala nang sense at na-defeat ang purpose ng scene. At check nyo yung bombilyang nakasabit na gumagalaw, umiikot-ikot, at biglang tumitigil between cuts. Nice editing job.

Although meron namang mga nakakatawang moments sa pelikula, at karamihan dito, sinaksak nila sa trailer.

Conclusion? Maganda sana ang premise ng "D Lucky Ones." Ridiculous yung premise e, na mabuti para sa isang comedy. Kaso, sabi ko nga kanina, sinaksak pilit ang story sa formula at pinataba pa lalo ng mga ka-letche-han. Sino makaka-appreciate nito? Yung mga die-hard Vilmanians, obviously, pero pag nagsawa ka sa Vilma jokes, at dito nag-rely masyado ang humor ng movie, wala ka nang mapupulot.

Putangina... song and dance number?

4 Comments:

Blogger sniper said...

nagpoproduce tlg ang star ng mga jologs na movie para sa "masa" na kailangan lang ng slapstick, pero in fairness isa naman sila sa matino gumawa. kasama ng GMA films, ne?

may target kasi silang movies per year, tapos dapat every month halos may pinapalabas. pre-planned lahat jol, compared to fucking abs-cbn tv, organized ang star cinema.

pero puta lang tlg ganitong movies nila. siniksik ang mga komedyante tapos ginawan ng pelikula. sucks tlg. parang PINAY PIE. potah.

if you want nice stories, yung romance & drama, astig. pramis.

11:38 PM  
Blogger sniper said...

umm teka. syet. di ko akalain manonood ka ng d lucky ones. ako nga nakita ko pa lang poster alam ko na agad na bomalops ang pelikula na yun.

anything retr0-colored & too funky from star, usually walang kwenta. IMO.

11:40 PM  
Blogger jjjoke said...

yuuuck!!!

pinanood mo si sandara park!

baka pareho kayo nung ibang kakilala ko na ayaw sa acting skills nya pero ok naman daw for blemblang

9:02 PM  
Blogger Canis Lupus said...

yeah. at muling nawala ang binubuhay kong optimismo sa pinoy movies.

10:28 PM  

Post a Comment

<< Home