Monday, May 01, 2006

ragnarok

Itong mga nakaraang buwan, palabo na nang palabo ang utak ko. Sinusukat ko ang oras sa pamamagitan ng deadlines at requirements sa trabaho. Understatement ng taon kung sabihing dehumanized na ako.

Pero oks lang, nitong Friday, nagpakalunod ako sa beer kasama ang ilang officemates at acquaintances sa isang bar na malapit sa opisina. Beggars can't be choosers. Sasabihin ko na ngayon, hindi ako komportable uminom sa bar. Masyadong... metrosexual ang venue. Sanay kasi akong uminom sa tambayan ng org, o sa Gulod, o sa bahay ng isang kabarkada. Pero oks lang, oks naman ang company, yung venue lang ang parang hindi tama. Salamat sa beer. Salamat sa beer, nag-reset na ulit ang sistema ko. Parang taksing bagong oil change. Kailangan kong mag-reset, kailangang mag-clear ang utak.

May bagyong darating.

Hindi, hindi yung literal na bagyo. Putsa, kung may darating man, sasalubungin ko ito ng mga brasong hapding-hapdi sa malupit na summer.

Kanina, tumambay ako sa Diliman. Tinawagan ko si Bopis, at tinawagan niya si Tamadita. Mga dating blockmates. Ilang buwan ko man silang di makita, o di makausap, okay pa rin pag nagkita-kita. Walang nawawala. Solid. Kailangan ko ng support group.

At suporta, ito ang kailangan ko ngayon. Suportang di mabibigay ng gf. Suportang di mabibigay ng ka-opisina. Suportang di mabibigay ng mga magulang. Suportang di mabibigay ng kabarkada.

Di naman literal na suportang himas sa balikat habang umiiyak, hindi ganun. Minsan, yung presence na lang sa tabi, yung kuwentuhang kalokohan, solb na. Affirmation ba? Siguro. Affirmation, hindi suporta.

Sa kaso ko ngayon, walang susuporta sa akin.

Kanina, habang naghihintay ako sa Diliman, nag0ki-clear out ako ng kamalayang naging bodega na ng deadlines at JO. Naglakad-lakad ako sa Acad Oval, sa ilalim ng mga Acacia, nag-re-reminisce, nag-iisip.

Ito ang katahimikang nakakabingi ang ugong, ilang segundo bago ang pagbulwak ng bagyo.

At yung bagyo? Siguro ito na yung hinihintay ko buong buhay ko. Isang malaking gulo, isang malaking krisis. Yung dahilan ng ilang libong survival sa ilang libong kaangasan. Ang bagyong pinaghahandaan habang pinagdarasal na huwag dumating.

Tapos, lahat-lahat bumalik - mga dating self-doubts, mga dating insecurities.

Sampung taon na mula nang una akong tumungtong sa Diliman. Nung 1996, pinili kong mag-aral ng Creative Writing sa UP kesa mag-aral ng Psychology sa UST. Ngayon, isang dekada na, kung di ako naging writer, doktor na ako ngayon. Mas maayos siguro ang buhay ko. Wala sigurong bagyo.

Sinisisi ko ulit ang sarili ko at lahat ng maling desisyong ginawa ko.

Sabi nila, ang problema raw ay nagbubuo ng character. Ilang beses akong nag-survive, sapat na kaya ang naipong kalyo ng character para sa hinaharap ko ngayon?

Naglalakad ako sa Acad Oval, nakatingala sa mga sangang parang picture frame ng langit na di nagbago mula 1996. Tahimik na hine-hele ng hangin ang hapon, nangangakong maganda ang araw bukas, pero ang nakikita ko, mga araw na walang laman.

Dumating si Bopis, inabot ang libro niyang ako nagdisenyo ng pabalat, at isang paperback tungkol sa VW. Matapos ang ilang sandali, sumunod si Tamadita. Napuno ang dapithapon ng kuwentuhang komiks at graphic novels. Academic tsismis ang laman ng gabi sa Mang Jimmy's.

Mga milagrong nagagawa ng isang hapong kasama ang mga kaibigan.

Expect the worst, hope for the best. Sa presipitasyon ng bagyo - paggunaw ng mundo ko, pagbagsak mula sa grasya - isang payong ng optimism na nagbibigay ng konting comfort.

Sorry po sa lahat. Dapat ngayon matibay na ako. Wala akong choice. Sorry po sa lahat.

sabi nga ni Carlos Bulosan -

aim carefully, guns upward.
do not falter now.

falling from the burning sky,
star upon dissolving star.

the fingers in the waters moving,
now the night must fall with blood.


Gudlak, wolf.

3 Comments:

Blogger sniper said...

sabi nga ni bryanne (o sinoman), lalabas ang araw o rainbow (mamili ka na lang) pagkatapos ng bagyo.

anuman ang pakahulugan mo diyan, positive message yan from me to you from bryanne! :D

1:54 AM  
Blogger curiouskitty said...

one day at a time jol. Wag mo na muna isipin yung bagyo.

Masarap tumunganga sa UP, nandun din kame last sunday ni vince. :-)

11:30 PM  
Blogger kantogirl said...

di ko alam kung don bosco yung may billboard na "work builds character." kung totoo yun, skyscraper na yata ang naitayo ko. o kahit ikaw rin.

i dunno why, lagi lang din dumarating yung panahon na tatanungin mo kung bakit ito ang ginagawa mo. bakit ka nandito.

nag-angas din ako kina bopis at tamadita nitong weekend din. sayang di tayo nag-abot.

oh well. kaya yan.

1:12 AM  

Post a Comment

<< Home