Monday, September 11, 2006

Artificial Consciousness

Okay, so una sa lahat, wow... napakatagal din pala ng hiatus ko.

Walang choice. Yep. Walang excuses. At recently, ang huling entry ko pa ay isang online quiz result, imbis na article.

Pero eto, recently sobrang busy. Understatement yun.

Kung gaano katagal natulog ang updates sa blog na'to, inversely proportional naman sa tulog na nakukuha ko offline. Yep. For some reason, nagkaroon ako ng insomnia.

Parang di pa sapat yung halos 12 hours na nagbababad ako sa stress dito
sa Makati - trabaho't trapik - isang malaking parusa yung pag-uwi mo sa bahay, hihiga ka sa kama, antok na antok ka, pero di ka makatulog.

So dilat ang mga mata mo, nakatitig ka ilalim ng upper bunk ng double bed, nakahimlay sa kandungan ng migraine.

Whheeee!!!

Buti sana kung active ang imagination ko sa episode na ganito. Dati ganun e. Di ako makatulog, pero nakakaisip ako ng istorya para sa isang graphic novel na di ko pa matuloy.

Pero hinde.

Eto ako, miserable, di makatulog, at blangko ang utak. Makakatulog ako, 2 o 3 AM, tapos gigising nang 530 AM, papasok ulit, sasabak sa trapik sa C5.

Pagdating sa opisina, zombie.

Salamat na lang sa Pepsi Max.

Rinse, lather, repeat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home