Monday, September 11, 2006

Lowering the bar

Actually, mas malaki ang stress ng trapik kesa sa trabaho ko - na isang matinding statement sa status ng traffic jams ng Manila. Sa advertising ako nagtatrabaho, at ang hawak ko, dalawang Telecoms na account - lintek, sobrang higpit ng deadlines, sobrang kulit pa ng client - pero sa ibang entry na ito. Isang beses, pinagawa ako ng script para sa isang radio ad na mag-e-air sa Sabado. At kailan binigay ang job order? Wednesday ng hapon. Good. So may dalawang araw pa para gumawa ng script, ipa-approve sa boss ko, ipa-approve sa client, mag-brief ng producer, maghanap ng voice talents, mag-recording, at finally, ilabas sa mass media. Wow. Dagdag ko lang, isang account pa lang yun. Siyempre, may responsibilities pa ako sa ibang accounts na hawak ko, na telecoms din. So yun, basically, stressed ako.

Pero mas stressful ang pag-drive sa C5 hanggang Makati. Dalawa lang naman ang matindi e, yung Lunes ng umaga, at Friday ng gabi. Bonus points pa kung Payday Friday nang gabi. Uulan pa ng bonus points kung Oktoberfest yan.

So ano kinalaman ng title ng entry? Malapit na tayo.

Last Friday, medyo maaga akong nakalabas. 630 PM. Kadalasan, ang labas ko, nasa 7 o 730 pa. Para iwas traffic. Pero nung gabing yun, ayoko na tumambay sa opisina. Ito rin yung gabing may nag-post sa internet ng video ng isang tornado sa Manila Bay, na nakunan nang mas maaga nung araw ring yun.

So paglabas ko sa parking lot, biglang bumuhos ang ulan. As in buhos. Hindi buhos na parang buhos pag naliligo ka, kundi yung buhos na para kang nasa ilalim ng waterfalls. O yung buhos na ginagawa mo sa banyo pagkatapos mong sulitin ang bottomless iced tea buong gabi.

O siguro, yung tipo ng buhos na mag-iisip-isip ka kung dapat kang magsakay ng pares ng iba't-ibang hayop sa kotse mo, in case.

Pero, ayun, buhos. Halos zero visibility. HALOS - keyword yan. At gaano man kabilis ang wiper ko, walang laban yun kapag bumabawi ang langit sa balisawsaw.

Stressed na ako lalo, pero siyempre, think positive 'di ba? Hahaba raw ang buhay mo pag positive thinker ka, so sige, buti na lang, wala pa masyadong mga kotse sa kalsada. Medyo puno na rin, pero maluwag pa, considering na Friday evening ito sa Makati. Lahat nagpapatila, karamihan siguro naghihintay sa mga cubicles nila, o sa parking lot habang nag-yo-yosi break. Pagtigil ng ulan, impiyerno na. So sige, okay, cool na ako. Go!

Lumakas lalo ang ulan, at akala ko halos zero visibility na kanina, pero eto pa mas grabe. Nabubuhay na lang ako dahil sa mga sinusundan kong taillights ng mga sasakyan sa harap, at sa mga ilaw ng mga building sa gilid ng kalsada. Pagka-kanan ko sa Buendia, hayup! Baha!

'Di naman sobrang taas, pero baha pa rin. Yung tatlo o apat na lane na kalsada, naging dalawa na lang. Buti yung papalabas ng Makati, itong ruta ko, gumagalaw. Yung mga padiretso sa Jupiter street, stuck.

Pero cliche na ang mag-angst sa bahang kalsada sa Pinas, di ba? Parang gagong politiko 'yan e, o buwakaw na pulis - kapag may nag-rant tungkol dun, sasabihin mo na lang "Anong bago?"

Well, eto ang bago. Isang surprise actually sa akin. O siguro luma na'to at ngayon ko lang ma-i-po-post - mga bahang flyover!

Oo. Tama. Walang typo. May baha. Sa flyover.

At hindi lang yung baha na konting taas lang. Di ko nasukat, obviously. Kung gusto ko mag-suicide, di ako titigil sa gitna ng kalsada habang may zero visibility na ulan para malaman kung ilang inches ang baha sa isang pataas na flyover. I-approximate na lang natin - nakita halos kalahati ng gulong ng mga kotse, lubog.

At sa flyover yun!

Wala akong masabi. Shock ako, pare. Mabuhay ang Pinoy! Whooo!!!

'Di ko talaga maintindihan kung anong klaseng engineering ang ginawa natin sa flyover na'to para maging posibleng bahain! Lilinawin ko lang ha, hindi ito sa taas ng flyover - weirdo pa rin, pero posible e - eto, nasa slope, nasa incline! Mas mataas pa nga yata yung baha sa flyover, kesa sa baha sa level ground sa Buendia!
Paano nag-settle ang putanginang baha sa putanginang incline ng putanginang flyover?

Punyeta! Maglalabas na ako ng pom pom para mag-cheer sa henyong nakaisip nito! Bigyan ng award ang engineering team!

So ano na nangyari sa akin? Eto, stressed out, nag-da-drive sa ilalim ng ulan, Friday evening sa Makati, at discombobulated sa halong galit, inis, at sarcastic pride sa engineering marvel na nadiskubre ko.

Pag-akyat ko, ang dilim na, apparently brown out, so wala nang street lights. At ngayon, zero visibility na talaga. Kahit patayin ko ang headlights ko, oks lang siguro dahil walang difference. Para akong lumulutang sa gitna ng kawalan. Hinde, naririnig ko yung mga splash ng gulong ko sa tubig, so para akong naligaw sa gitna ng dagat. Walang reference kung saan ako pupunta, dapat ang ruta ko, yung papuntang The Fort. Short cut ko kasi yun, mas gumagalaw ang trapik kesa sa Kalayaan Ave. na teritoryo ng jeep, tricycle at mga "kamikaze" pedicab.

Sa gitna ng dilim, di ko alam kung gagasgas na ako sa pader o ano. Sa buong buhay ko, ito ang moment na masasabi kong in-exert ko na lahat ng intuition at psychic abilities ko, kung meron man. Pakiramdam ko nasa video game ako e, at yung difficulty setting, nandun sa pinaka-imposible. Paano ko pa maipapaliwanag yung pagka-surreal ng biyaheng ito?

Ang good news, naka-survive ako. Ang bad news, di ko nasundan yung ruta ko, at napaliko papuntang EDSA.

Eto na, sobrang dilim pa rin, walang ilaw sa kalsada, at ngayon, katabi ko na yung mga bus na kung makipagsingitan at humarurot, akala mo tanghaling tapat ng mahal na araw.

Sinusumpa ko talaga, pag naging diktador na ako ng daigidig, isasama ko sa pila sa berdugong may kutsara itong mga bus driver na'to, kasunod ng engineering team ng flyover. Punyeta, naghahanap kayo ng weapons of mass destruction? Mag-import kayo ng Pinoy na bus driver - wala nang gastos sa research and development, walang radioactive side effects, at minimum wage pa!

Anyways, dahil sa blind luck, nakaliko ako pabalik sa Kalayaan Ave., at nasabak ulit sa trapik kasama ang mga kamikaze pedicab at tricycle drivers. Para maging fair tayo, baka kasi sabihing biased ako laban sa mga tsuper ng public transpo, eto, sa Kalayaan, may mga kotse't AUV ring nagbibigay ng depinisyon sa terminolohiyang "putanginang kupal.

At dito rin sa Kalayaan Ave., na-encounter ko ulit yung mga upward slopes na binabaha. Trend ba ito o ano?

Matindi nga e. Una, level ground ulit, basa ang kalsada, may konting tubig, pero normal pa. Pagdating sa paakyat na slope ulit, dun na naman naiipon ang tubig!

Yung drive pauwi, sa C5, normal naman. Medyo humina na yung ulan kung kelan ako napunta sa lugar na maraming ilaw,maraming salamat po, at wala na akong na-encounter ulit na baha sa mga flyover.

Pero sige, asar man ako, curious pa rin ako e - paano natin nagawan ng paraang mag-accumulate yung tubig-baha sa bahagi ng kalsadang pataas? Hindi naman inaanod yung tubig pababa, stagnant naman, pero talagang pataas yung slope! Maiintindihan ko rin naman kung yung area sa baba ng slope, lubog sa baha, pero sa kasong ito, hindi e!

Nung unang panahon, ang pinakatatagong sikreto ng mga mason, ay yung "keystone" sa isang arch. (Di ko napulot sa Da Vinci code yan, paalala lang po.) Ngayon, mga flyover at kalsadang pataas na binabaha.

Sige, pag-isipan nating mabuti. Open ako sa mga teorya't suggestions.

Samantala, commercial break muna tayo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home