Thursday, December 07, 2006

Kung paano mag-park ng van sa panaginip...

Kaninang umaga, dahil coding yung beetle, van ang ginamit namin papasok sa opisina.

Ngayon, kung may isang perk ang van na wala sa beetle, ito yung possiblity na matulog nang mahimbing sa backseat. Maaga kasi kaming pumapasok, darating ng Makati, 2 hours before pasukan, at dahil medyo kulang sa tulog, oks na.

Last month, yung van ang dala ko lagi, at bumaba ang stress levels ko dahil sa extra 2 hours na tulog sa umaga. At kapag uwian na, at overtime kunwari yung utol ko, oks lang! Bonus sleeping time ulit sa van habang naghihintay!

So eto, dahil nga mahimbing ang tulog, madalas mananaginip ka. Minsan mas vivid pa ang panaginip dito kesa sa mga tulog ko sa bahay. Tulad ngayon. Yep, kaninang umaga. Isang vivid na panaginip na masasabi kong pinaka-weirdong panaginip ko sa buong taon. At pag-gising ko, isang malaking "WTF" ang tanging laman ng aking kamalayan.

Ganito yun. Nagdadrive daw ako papasok sa opisina. PEro mag-isa lang ako, wala si utol. Pasok na ako sa loob ng parking building. May nakita pa raw akong sirang katawan ng isang Sakbayan sa loob, tapos may mental note pa akong tanungin yung may-ari kung puwede yung bilhin. Syet, kahit sa panaginip, VW addict pa rin.

So ganun, nakapag-park na raw ako, tapos pagbaba ko sa van, may tumawag sa akin.
Paglingon ko, babae. Tinanong kung kilala ko pa raw siya.

Namukhaan ko, classmate ko nung highschool, pero ngayon hot na siya. Tapos naupo kami sa bangko sa tabi. Oo, biglang nagkaroon ng bangko sa tabi. Tapos kuwentuhan kami, tapos nakikipag-flirt na sa akin. Tapos ayun, magme-make-out na kami nang biglang...

"Boss, puwedeng makahingi ng pamasahe?"

May matandang mag-asawang nakatayo sa harap namin. Mukhang disente naman, humihingi ng barya. Nampotah, istorbo! Sabi namin wala. Tapos pagtingin ko, nawawala cellphone ko sa mesa (oo, biglang nagkaroon ng mesa sa harap ng bangko, at apparently, nilagay namin ng dati kong classmate yung gamit namin dun earlier habang nagkukuwentuhan) tapos galit na galit daw ako. Hinabol ko yung lalaki, tapos inamin niya kinuha raw niya at wala akong magagawa. Tapos binugbog ko.

Suplex, bodyslam, figure four, clothesline, paulit-ulit na wrestling moves! Binabalibag ko raw sa semento, hinahampas sa pader. Galit na galit daw ako!

Tapos nandun si Batista.

At kung di pa ganun ka-weirdo ang panaginip ko, nagkataon pang tatay pala ni Batista yung binubugbog ko.

Syet.

PEro, mukhang estranged yata sila. Namutla raw ako bigla nung malamn ko e, pero walang paki si Batista sa magulang niya, tapos sabi ko raw "Di ka ba nahihiya sa sarili mo? Yung magulang mo nagnanakaw ng cellphone para mabuhay, di mo suportahan?"
Kaso wala, galit din si Batista sa tatay niya.

Tapos umalis na silang lahat, pero wala pa rin yung cellphone ko, so asar na asar daw ako. Anong ginawa ko? RELOAD! RELOAD!

Oo, apparently simultaneous akong conscious at hindi conscious na panaginip lang ang lahat. At parang game na naka-save sa memory card, pag nagkamali, reload lang!

So okay, reload na! PArk daw ako sa parking, nakita yung sirang Sakbayan, baba sa van, nakita yung classmate ko dati, flirt-flirt na, at nung magme-make out na kami...

"WHEEE!WHEEE!WHEEE!!!"

Napatingin ako sa labas, at may isang malaking shiny red na firetruck! Syet! Kamukha pa nung matchbox na firetruck ko dati nung bata ako na ninakaw sa loob ng bahay namin!

Tapos may sunog daw sa kabilang building! Nagkakagulo mga tao dun!

Letse, bad trip... RELOAD! RELOAD!

Okay, nagda-drive ulit ako ng van... malapit na sa parking building... kaso di ako makapasok sa building kasi traffic sa tapat, so umikot ako ulit... pa-ikot-ikot lang... Tapos may nabangga ako biglang dark green na maliit na van. Nampotah...

So sinubukan ko raw takasan. Maliit naman daw kasi ang makina nun, di ako mahahabol. At iikot na lang ako sa mga pasikot-sikot area. Good! Gumana ang plano! Pagpasok ko sa parking building, ayun, nakita ko na naman daw yung sirang Sakbayan, mental note ulit... Tapos nag-park na ako. Pagbaba ko, biglang may tumawag sa akin...

"Excuse me! Ikaw ba yung bumangga sa van namin?"

Fuckfuckfuckfuck!

PAglingon ko, may lolang galit na galit. Ang sama ng tingin sa akin. Pagtingin ko sa van ko, nandun pa yung green na pintura sa harap, at yung mga yupi. Anong sasabihin ko?

"Ah, kasi po... ah... eh..."

Tapos biglang dumating yung mga alalay nung lola, binuksan yung van ko, at biglang hinakot yung kahon-kahon ng pirated CD ng tatay ko sa loob! Tumakbo ako sa tabi, pinipigilan ko, biglang napansin ko, wala na kami sa loob ng parking area, nasa tabi na kami ng kalsada. Tapos may mga streetkids pang nakikigulo, pumapasok sa van. Isa-isa ko raw initsa sa imburnal sa tabi, tapos bumalik ako sa harap, nandun na, 5-6 na malalaking kahong puno ng CD.

"Ipapa-media ko ito, para makulong ka..."

"HA! 'Wag po! Teka!"

Tapos na-realize ko bigla, si Armida Siguion-Reyna yung lola. May mga nagdadatingan nang mga mobile ng SWAT, tapos may mga itim na helicopter na sa paligid...

Putangina! Syet! Inis na inis na ako. Sinisipa ko na yung poste sa tabi sa galit. Sinasabunutan ko na sarili ko. Nampotah! Ponyeta!

At ano ginagawa ng gamer pag naka-ilang reload na siya ng laro, pero di pa rin successful? QUIT!

Tapos nagising na ako, sa backseat ng van. Tangina, nag-oversleep pa ako. Lumabas ako ng van, luminga-linga sa paligid. Oo, di na ito panaginip. Walang sirang Sakbayan sa tabi, walang cute na dating classmate. Yung harap ng van, walang malaking bangga, walang green na pintura. Okay.

Bumaba ako sa ministop, bumili ng Pepsi MAX para magising, tapos pumasok na ako sa opisina.

2 Comments:

Blogger lizardego said...

jol,
siguro kumain ka ng seafoods the night before kaya ganoon kavivid dream mo.

8:58 PM  
Blogger Canis Lupus said...

mukhang sisisihin ko yung sinigang...

8:41 AM  

Post a Comment

<< Home