Monday, January 30, 2006

One Year na ang CLF! Awoooooooo!!!!

Apparently, pumalo na ang CLF blog sa 1st year nito nung January 2, at masyado akong busy para mapansin ito. Yep, at itong propensity na makalimot ng dates at milestones ang isa sa mga dahilan ng pagtatampo ng GF ko sa'kin.

Ano na ang nagbago after one year? Buhay pa ba ang nasusunog na Chucks? Yata.

Paano natin ise-celebrate ang unang anniv ng blog?

Eto, isang ghost story. Asteeggg!

Finorward kasi sa akin ng isang officemate ang link ng ghost story thread sa fora ng peyups.com, at since marami akong ma-i-ko-contribute dun, nag-log-in na ako ulit, at nag-post.

Para sa buong thread, punta na sa:

http://www.peyups.com/posts.khtml?mode=viewtopic&topic=732&forum=13&start=315

Samantala, eto yung unang ghost story ko dun...

******************************************

okay, habang naghihintay sa next meeting, isang mabilis na kuwento!

Nangyari ito 3-4 years ago nung nakatira pa kami sa project 6.

Graduate na ako nun, pero wala pang trabaho kaya tambay ako sa UP nun, sa org namin.

Anyway, inabot kami ng gabi sa kuwentuhan, at bago ako umuwi, dumaan ako sa isang party sa V. Luna - birthday kasi nun ng presidente ng VW Club, so ayun, konting inom, nakita ko pa yung professor ko dun na VW fanatic din.

Medyo may tama na ako nun nung umuwi na ako. Pagdating ko sa bahay, knockout ako sa kama. Tapos nanaginip ako.

Sa panaginip ko, nakahiga pa rin ako sa kama ko, pero naka-curl up daw ako, at takot na takot. Alam ko raw kasi na may nakatayong multo sa paanan ng kama, at kapag binaba ko ang mga binti ko, hihilahin daw ako nito.

Basta yun lang ang panaginip ko, walang ibang nangyayari. Naghihintay lang ako.

Tapos nagising ako, tanghali na pala. NAririnig ko yung malakas na sarcastic na boses ng lola ko mula sa dining area. Birthday nga pala ng utol ko ngayon, at nandun na ang mga bisita.

So labas ako.

BAgo pa ako makapagmano, sisi agad ang sumampal sa akin.

"Hay naku! Etong si jol siguro ang nag-uwi ng multo!" sabi ng lola ko.

Siyempre, dazed and confused ako, di ba? Putsa, umaagos-agos pa sa utak ko ang hangover ng bangungot kagabi, tapos multo agad ang usapan?

At eto pala ang nangyari kagabi, kinuwento sa akin.

Pagbagsak ko sa kama, ilang minuto lang, nagsimula na raw umiyak ang pamangkin kong 1-2 months pa lang yata nun. Iyak na malakas, hindi yung iyak ng bata kapag na-ihi sa lampin, eto yung iyak daw na talagang galit na galit. Talagang nagwawala.

di raw mapatahimik ng utol ko (yung celebrant) o ng hipag ko yung bata. Lumabas pa ng kuwarto yung nanay ko para lang i-check ang nangyayari. Eventually, tumahimik na rin ang sanggol, at natulog.

Eto ang kuwento ng utol ko.

Nung gabing yun, pagkatapos niya ako papasukin sa bahay, at pagkatapos kong ma-knockout sa kuwarto ko, tumuloy na siya sa kuwarto nilang mag-asawa. Natutulog nang mahimbing ang bata, at nakasindi lang ang bedlamp nila. Gising pa ang hipag ko, at kinakausap siya.

Siya naman, pagod na pagod, nakadapa siya sa kama para makatulog.

Tapos nagsimulang magkaroon ng "buzz" sa tenga niya.
Gising ang kamalayan niya, pero di maigalaw at parang tulog ang katawan. Naririnig niya ang asawa niya, nagsasalita pa rin.

Symptom ito ng astral projection. Basta sa stage na'to, puwedeng lumabas daw ang kaluluwa sa katawan, at mas susceptible ka sa mga paranormal na experiences.

Tulad na lang kunwari ng, kuwento ng utol ko, boses ng babaing multo na narinig niya sa isip niya habang nagaganap lahat ng ito.

Malungkot daw yung boses ng babae. Kinukulit siya, kinakausap siya -"Pansinin mo ako! Kausapin mo ako! Lahat sila ayaw akong pausapin, ikaw din ba?"

Nagmamakaawa raw. Pero natakot yung utol ko. Baka nga naman ma-possess siya di ba? Ayaw niya talaga pansinin. NAisip niya, pipilitin niyang pagdikitin ang mga kamay niya. Kailangan niyang gumalaw.

Kapag nasa state ka kasi na ganito, para makawala, kailangang magalaw mo ang katawan mo, o may humawak sa'yo.

So ayun, napagdikit ng utol ko yung dalawang kamay niya. At nagising siya.

Tuloy pa rin sa pagsalita yung asawa niya.

Okay na ba lahat?

Nahihilo ang utol ko, at inaantok. Naidlip daw siya ulit.

Kaso, nandun ulit yung "buzz" sa tenga niya. Nandun ulit yung boses ng babae. Alam na niya na multo ito, sinubukan niya ulit na di pansinin.

Tuloy ang pagmamakaawa ng babae. At ngayon, parang palabas sa TV, biglang nag-play-back yung mga alaala ng babaeng multo sa utak niya!

Isang party raw, may mag-syotang nakaupo sa hapag-kainan. Nag-aaway. Biglang tumayo yung lalaki, galit. Lumayo at iniwan yung babae. Yung babae, naiwang nakaupo, humahagulgol!

May susunod pang magpe-playback, pero natakot na raw ang kapatid ko! Nagawa niya ulit pagdikitin ang mga kamay niya, at nagising siya, tapos...

...biglang umiyak nang malakas ang baby nila. Malakas! hindi parang iyak ng batang naihi sa lampin. Iyak na galit, nagwawala!

Hindi nila mapatahimik mag-asawa. Binuhat na nila, pero ayaw pa rin. Nagising na raw ang nanay ko, kumatok sa kuwarto nila. Chineck sila sa loob.

Sinindi nila ang ilaw, at ayun, tumahimik ulit ang bata.

Lumabas daw ulit ang nanay ko. Hinele-hele nila ang baby. Okay na.

Pinatay nila ulit ang ilaw, at umiyak ulit nang malakas ang pamangkin ko!

Kaya ayun, buong madaling araw na nakasindi ang ilaw sa kuwarto nila.

At eto ako, tinuturo ng lola kong sanhi ng recent haunting - na pinag-uusapan ng mga kamag-anak ko sa hapag-kainan, ngayong birthday ng utol ko.

Astig na birthday gift mula sa akin? Ayoko namang isiping ganun. Marami namang mga nagpaparamdam sa bahay namin sa Project 6, at isa ito sa mga pinakamalala.

Pero iniisip ko yung koneksyon nung nangyari, at nung panaginip ko nung gabi. Syet, masyado nga yata akong nalasing para maging oblivious sa nangyari.

At nung di na makausap ng multo yung utol ko, lumipat kaya sa kuwarto ko? Ako kaya ang pilit na kausapin?

Malas lang niya. Ako na dakilang "dense." Ako na di agad makuha ang subtle flirting signals ng kababaihan?

Syet, so baka nga ganun. Buong magdamag na naghintay sa paanan ko yung multo, pero di niya matarok ang kamalayan kong nagsi-swimming sa Pale Pilsen...

So nakaupo na ako nun sa may salas namin habang pinag-uusapan pa rin ang nangyari kagabi. Kinuwento ko yung panaginip ko, at ayun, na-reinforce pa tuloy ang paninisi sa akin ng lola ko.

Mula sa dining area, tinuturo pa rin akong salarin. Biglang nag-text ang kabarkada ko, napanaginipan daw niya, may multo sa bahay namin.

Napamura ako nang malutong. Sabay reply.

Gumuhit bigla ang tunog ng telepono, yung kabarkada ko, tinatanong kung ano ang nangyari, so ayun, kinuwento ko.

Wala naman daw siyang naramdamang kakaiba nung umalis kami sa UP.

So sa V. Luna ko kaya napulot yung multo? O nung mag-astral projection ang utol ko, nakaramdam yung ligaw na kaluluwa ng opening para sa kanyang hinaing?

Ewan.

Basta maraming mga weirdong naganap sa ilang taong nakatira kami sa Project 6...

Tuesday, January 24, 2006

Ten Top Trivia Tips about Canis lupus fidelis!

Ten Top Trivia Tips about Canis lupus fidelis!

  1. The colour of canis lupus fidelis is no indication of his spiciness, but size usually is.
  2. The state nickname of Iowa is 'The canis lupus fidelis state'.
  3. Canis lupus fidelis will often rub up against people to lay his scent and mark his territory!
  4. Until the 1960s, canis lupus fidelis was not allowed to enter Disneyland.
  5. Canis lupus fidelis has four noses.
  6. In his entire life, canis lupus fidelis will produce only a twelfth of a teaspoon of honey!
  7. Canis lupus fidelis can squeeze his entire body through a hole the size of his beak.
  8. Only one child in twenty will be born on the day predicted by canis lupus fidelis!
  9. Scientists believe that canis lupus fidelis began billions of years ago as an enormous ball of dust and gas.
  10. The National Heart Foundation recommends eating canis lupus fidelis at least three times a week!
I am interested in - do tell me about

Thursday, January 05, 2006

Paano mag-"sex-appeal-suicide" ang isang boldstar?

Nakaparada ang kotse sa madilim na dulo ng parking lot. Umuuga-uga nang kaunti habang tahimik na umuugong ang makina. Sa loob, hindi makapagsalita nang maayos sa kahihingal si lalaki. Unat na unat pa rin ang katawan nito sa upuang naka-recline habang tuloy ang pagtrabaho sa kanya ni babae.

"Asteeeggg!!! Ang galing mo talagang kumanta! Kanta ka pa! Kantahan mo pa ang mikropono ko!!!!"

Kumpleto na, yung setting, yung masamang dialogue, kulang na lang ng isang "masturbating voyeur," at syet, isa na itong tagpo sa isang generic pathetic Tagalog TF movie. Nangyari ba ito sa totoong buhay? Siguro. Ito ang na-i-imagine kong scenario kung paano na-motivate si Ramona Revilla na magrecord ng isang album.

Okay, background muna. Nanahimik ako sa work station ko, isang umaga, nang biglang hablutin ang katahimikan at gahasain ng isang pinatugtog na CD na ma-de-describe mo lang na "abomination."

Apparently, yung isang officemate ko, binigyan ng CD na may 4 na burned tracks mula sa album ni Ramona Revilla. Ang masasabi ko lang,isang malutong na "IT SUCKS!!!"

Yeah, dated na siguro, panahon pa siguro nina Beavis and Butthead, pero yun talaga ang pumasok sa utak kong tumatakbo sa artificial consciousness na dulot ng Pepsi Max. Sucks at acting, sucks at singing - sucking lang ang totoong talent!

Sa simula kasi, laugh trip pakinggan. Understatement na ang sabihing sintunado. Kasinungalingan na ang sabihing talentado. Tama lang sabihing tarantado.

Unang banat pa lang ng "Get The Party Started" ni Pink, masasabi ko agad, kung pulis ako, binaril ko na yung kumakanta sa videoke. Walang exaggeration dun. Tangina, kung may live song performance si Ramona Revilla, at nandun ako sa area, papasok ako sa PNP para mag-pulis, tapos maglalasing ako, pag lasing na ako, babarilin ko si Ramona Revilla.

Pero yun nga, sa simula, laugh trip talaga yung kanta, susundan pa ng tatlo pang tracks na minassacre na, ginahasa pa. Parang yung pinapatugtog dito dating CD ni Vilma Santos.

Ang problema, di tulad ng mga sablay ni ate Vi, na kahit ulit-ulitin yung kanta ay sasabog pa rin ang appendix mo sa kakatawa (at pag sumabog na, tutubuan ka ulit ng isa pang appendix, na sasabog ulit), pangalawang playback pa lang ng tracks ni Ramona Revilla, gusto mo nang batuhin ng army boots ang singer (at pagkabato mo, tatakbo ka ulit sa Recto para bumili ng bagong pares ng army boots na ipambabato mo ulit). Tangina, iparinig mo siguro ito kay Bong Revilla at siguradong maghuhuramentado si Exodus.

Kung sino man ang genius na nakaisip ng idea na pakantahin si Ramona Revilla, at yung mga nag-produce ng kagaguhang ito, kailangang ikulong sa isang masikip na kuwartong may malaking speaker na nagpapatugtog ng kaululang CD na'to para madala.

Anyway, kung yung Vilma na CD, pinatugtog dito nang ilang linggo sa opisina, buti na lang hindi umabot ng tatlong araw yung kay Ramona Revilla. Pinatugtog lang yata para mang-asar ng ibang tao, pero nagbackfire kaya di na sinasalang ulit. O sinusuka na yata ng player, ewan.

Pero, the fact na nag-e-exist ang CD na'to, dalawa lang ang puwedeng sinasabi nito tungkol sa mga Pinoy -

1) Masokista tayo.

2) Jinajustify natin ang genocide.

Syet! Kailangan pa bang i-memorize yan?