Friday, March 30, 2007

how my ears bleed...

Ok. Nung wednesday, last day ko sa office namin. Kailangan ko na ring lumipat ng agency dahil halos 3 taon na ako sa paghawak ng telco, at honestly, hindi ito pang-long term.

Next week, first day ko sa new work ko, at itong 2 extra free weekday, sana gagamitin ko bilang mga araw ng pagmumuni-muni. Tipong, araw para pag-isipan at i-reassess ang mga goal sa buhay. Parang ganun.

Kahapon nagplano ang mga tao sa bahay ng lakad, tutal summer vacation naman e. So eto, takbo kaming Los BaƱos.

Naisip ko, oks naman, masarap mag-isip habang nagrerelax sa pool. Nakaka-kalma. Kung tutuusin, tagal ko ring hindi naka-experience ng quiet time. Good ito.

Pero, shit happens. Nandito ako ngayon sa cottage sa resort. Malakas ang hangin, at lunod ang hapon sa videoke.

Yep. Kung may ico-consider akong best argument against vox populi, eto yun. Videoke.

Minsan may mga nakakatawang kumanta, at may mga... Ummm... Sarap sapatusin.

Sample? Itong kumakanta ngayon.
Di mo malaman kung nagpapa-cool ng boses o nagpipilit magpaka-amerikano accent habang kumakanta ng OPM.

Sabi nila, may mga kantang nag-i-inspire ng iba't-ibang profound na emosyon. Dito, kahit anong kanta, dalawa lang ang nai-inspire - migraine at murder.

Sana nga, may pulis dito ngayon para barilin yung kumakantang feeling god's gift to videoke, para naman mabasag ang monotony ng hapong ito, at monotony sa mikropono.

Pero, siyempre, aminado ako, wala akong boses. Malamang di naman ako mas magaling sa videoke, pero yun nga ang point e. Alam kong pangit ang boses ko, kaya di ako tambay sa videoke. Obviously, effective na torture device yun, pero di worth it na ipakita mo sa buong madla ang lack of talent na dapat tinatago na lang.

So ngayon, eto ako, stuck at hostage ng dalawang sabog na videoke. At ang masakit, designated driver ako ngayon kaya di puwede mag-beer.

Dyusko... Kung may katarungan sa daigdig, mauubusan sila ng 5-peso coins... Ok, apparently wala.

1 Comments:

Blogger Maestro Silindro said...

Canis Lupus Fidelis visits Maestro Silindro @ www.ancientpunctuality.blogspot.com

3:25 PM  

Post a Comment

<< Home