Thursday, April 19, 2007

Time Space Warp






(clickable image po)

Matagal ko nang gustong i-post ito, pero ngayon lang nagkaroon ng time.

Last month, nakita namin ni Tj itong shop na'to - Manga Kissa10 - sa likod ng Makati Cinema Square.

Madalas kasi kami lumabas ni TJ pag lunchbreak, usually toy hunting sa mga hobby shops, o minsan, tulad nitong araw na'to, DVD hunt sa MCS.

Interesting yung area, at least para sa akin. Nung bata pa ako, sinasama ako ng erpat ko sa MCS, titingin siya ng mga LP, tapos kakain kami sa Korean restaurant sa taas. Hindi naman ganun ka-sosi ang ambiance ng MCS, tulad ng SM kunwari, pero pag bumabalik ako dun ngayong nagtatrabaho na ako, masasabi kong nag-degenerate na yung lugar. Overstatement siguro yun. Although, masaya pa rin dumaan dun, di lang dahil sa bootleg DVDs, kundi dahil parang time capsule yung lugar.

Basta, weird.

May isang out-of-place na manga shop sa taas na walang ilaw at mukhang kalahating taon nang walang kustomer, may isang maliit na computer shop na may Omnibot 2000 na display (kung kilala mo si Omnibot 2000, matanda ka na), at mga iba't-ibang anachronisms na nagiging ugat ng time-space-displacement jokes sa pagitan ng 2 weirdong geek.

So isang araw, last month, pabalik na kami galing sa Walter Mart, tapos nakita ko yung banner ng "Manga Kissa10" sa kalsada. Napatingin kami ni TJ sa shop. (see above pic), tapos nagkatinginan. WTF!?

Yung salamin kasi sa labas, frosted, so di mo makita yung loob. Curious kami ngayon, siyempre. Ano kaya 'to? Bilihan ng mga comics? Hobby shop? Mukhang malaki yung lugar, baka tambakan ng anime memorabilia. Syet, Gundam kits... mecha models... HENTAI!

"Ano? Gusto mo i-check?"

"Oo naman!" sagot ko habang inuubos yung ice cream ko.

Tapos pasok na kami. Binuksan namin yung pinto...

...at nakatayo kami sa loob ng isang maliit na silid na walang laman, except sa isang, errr... bilog na fountain sa tabi. Yung tipong mga indoor fountain shit na nilalagay sa sulok para mawala ang bad feng shui.

Pero lobby lang pala yun. May pinto pa sa gilid, binuksan namin. Tapos ayun.

May front desk, tapos yung babae dun, nakasuot ng FRENCH MAID COSTUME, tapos binati kami. Binati, as in, nag-greet sa amin.

Tapos, nagsilapitan na sa amin yung ibang mga, errrr, attendant dun. Lahat naka-FRENCH MAID COSTUME!

Okay, kung alam nyo yung anime na Chobits, familiar na kayo sa loli-goth. Ganun. 3-4 na mga bebot na naka-costume.

So ikot na kami, may mga naka-display na Anime toys, pero di raw for sale. Sa loob, puro mga manga! Orig Japanese pa! So bilihan ba ito ng manga? Nakita ko yung mga table sa isang area. Ah, okay, library pala. Malinis na library, parang yung mga library na napapanood ko sa mga Japanese Docu sa channel 9.

At imbis na mga frigid na mga lolang naka-pusod ang buhok, eto mga loli-goth french maids. Wow. Sa lahat ng mga weirdong bagay na makikita ko rito sa area na'to...

So tinanong ko yung, errr, french maid na sumusunod-sunod sa akin.

"Miss, library ito?"

"Yes, sir."

"Okay... so may membership fee ba?"

"No, sir. Magbabayad lang kayo sa counter."

Ok. Nakalimutan ko na kung magkano yung rate, pero naalala ko, mahal. Lalo na kung di ka marunong magbasa ng Nipponggo.
Hinahanap ko si TJ, tapos nakita ko dun sa section kung saan puro mga magazine ng mga babaeng naka-bikini. Kinuwento ko yung sinabi nung nakausap ko.

"So basically, magbabayad ka para tumingin dyan sa mga magazines na may pics na puwede mong i-download sa opisina n'yo nang libre habang nag-yo-yosi break ang boss n'yo."

"Tama."

Tapos, lumabas na kami, habang nakabuntot pa rin yung mga loli-goth-french-maids na nag-gu-good-bye.

Balik kami sa kalsada, medyo shocked. Hindi yung shocked na naka-ugat sa takot, kundi yung shocked na "putangina, ano yung pinasok natin kanina? totoo ba yun ka-weirduhan na yun?" shocked.

"Akala ko massage parlor" sabi ni TJ.

"E bakit bukas ngayon? tanghaling tapat?" sagot ko.

"Baka massage parlor pag gabi?"

"Oo nga e. Akala ko may cosplay sa loob na event o ano..."

"Front desk pa lang, yung maliit na room sa entrance pa lang..."

"E yung costumes pa, putsa, loli-goth! Talagang mini-skirt at black stockings..."

"Kala ko tatanungin tayo kung gusto natin ng masahe e."

"Eh, mukha tayong mga geek na jologs. Baka pag ganun, library lang ang i-o-offer..."

Tawanan.

Tapos naisip ko kung magiging successful yung library na yun. Bukod sa aming dalawa kanina, may isang middle-aged na lalaking nagpi-pc sa isang computer station sa loob, mukhang nagta-type ng report, ewan. Di ko rin alam kung kakagat yung mga otaku sa price nun para magbasa ng mga comics na di naman maiintindihan ang sulat.

Kasi kung rich kid ka, at gusto mo magbasa ng orig Japanese manga, mas madaling tumakbo sa Greenhills, di ba?

May mga kasama naman ako dati sa college org na siguro matutuwa dun, at dadayo pa dun, kaso prohibitive naman ang presyo para sa students.

At ako? Di na ako bumalik dun ulit, kahit sa mga next na balik ko sa MCS.

Mas cute kasi yung mga nag-o-OJT sa office namin ngayon.

Kahit di naka-loli-goth.

3 Comments:

Blogger sniper said...

dapat dadalhin ako ni timo dun para ipakita sa akin, pero nawalan na kami ng oras. baka may something fishy dun maliban sa kanilang fishnet stockings. frosted glass windows kung saan nasa loob ang naka lolita girls? duh, hotel sogo to the otaku level yan no

pero gusto ko pa rin pumunta :D

2:42 AM  
Blogger Maestro Silindro said...

Bukas Fiesta sa Amin
Bukas sa amin pagdilim.
Bukas Fiesta ang Bilin
Pupunta siya pagdilim..

Sa spaceship pupunta
Korteng platito iikot ka
Sa spaceship kakanta
ng LALALALALA..

Smile Plenty@www.ancientpunctuality.blogspot.com

3:28 PM  
Blogger third said...

French Maid?? 'Naknagtokwa.... magaganda ba? Ü

2:56 PM  

Post a Comment

<< Home