Friday, May 04, 2007

Let's go Party!

Eleksyon na naman sa loob ng dalawang linggo, at nitong mga nakaraang araw, naalala ko ulit kung bakit sinusuka ko ang mga politiko natin. O sige, di siguro "naalala" yung term, kasi pag sobrang saturated na ng bullshit ang araw-araw na buhay mo, di ka puwedeng makalimot e. Siguro ang term na hinahanap ko ay "natuklap." As in, parang yung langib sa sugat kong binuo ko para makapagtrabaho nang maayos, tinuklap ulit at nilagyan ng asin.

Nitong mga nakaraang taon, di na ako ganun kadalas magbasa ng dyaryo o manood ng balita dahil stressful na nga trabaho ko, dadagdagan ko pa ng stress ng politika? Oo, sabi nga ni Pol Galang "Mananatili ka pa ring isang mangmang, parang bata na walang muwang, kung dito sa ating lipunan, tao kang walang pakialam."

At oo, tao akong walang pakialam lately. Naabot ko na yata yung saturation point ko e, unfortunately. Siguro naisip kong mas mabuti pang mag-worry sa deadlines ko kesa mag-worry sa mga trapong binoto naman ng majority dahil lang sa nagpapa-cute sila sa entablado. Yes, jaded na ako.

At akala ko, jaded na ako talaga, kaso malapit na ang eleksyon, at sabi nga nila, kung di ka boboto, wala kang right na magreklamo. Ayokong i-give up ang right kong mag-reklamo.

So ano? Magrereklamo ba ako ngayon tungkol sa mga shit na political ads sa TV? yung mga lintik na motorcade na wala namang ginawa kung hindi magsimula ng trapik at bigyan ako ng motivation na matutong maging sniper? Magrereklamo ba ako sa kakapalan ng mukha ni Gringo Honasan, Tito Sotto, at Tessie Aquino-Oreta?

Nope. Medyo cliche na 'yun e.

Honestly, di ko alam kung sinong iboboto ko pagdating ng eleksyon, pero ibang issue na ito.

Ngayon, gusto kong mag-discuss tungkol sa Party List.

Sa pagkakaalam ko, ang Party List system, ginawa para mabigyan ng TUNAY na representative ang mga tao sa kongreso. Tunay as in, ipaglalaban yung issues nila, yung advocacies nila.

Nag-check ako sa website ng COMELEC (http://www.comelec.gov.ph/laws/ra7941.html) at ito ang napulot ko-

"Declaration of Policy. - The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to the marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives. Towards this end, the State shall develop and guarantee a full, free and open party system in order to attain the broadest possible representation of party, sectoral or group interests in the House of Representatives by enhancing their chances to compete for and win seats in the legislature, and shall provide the simplest scheme possible. "

- Section 2 ng Party List Act

Astig 'di ba? Nice! Eto pa...

"c. A political party refers to an organized group of citizens advocating an ideology or platform, principles and policies for the general conduct of government and which, as the most immediate means of securing their adoption, regularly nominates and supports certain of its leaders and members as candidates for public office.

"e. A sectoral party refers to an organized group of citizens belonging to any of the sectors enumerated in Section 5 hereof whose principal advocacy pertains to the special interests and concerns of their sector. "

- Section 3 ng Party List Act

Okay, so ganda pakinggan, 'di ba? Kunwari, may grupo ng mga laborers, at feeling nila, di na tinutugunan ang mga pangangailangan nila, puwedeng magbuo ng group na mag-a-advocate sa karapatan nila sa kongreso, at hopefully, mas may magawa sila kumpara sa mga kupal na walang ginawa kundi magbilang ng pork barrel.

Astig 'di ba? Pero dahil Pilipinas ito, maraming paraan para abusuhin ang sistema. Actually, tingin ko nga, parang mas ine-encourage pa ngang abusuhin ang sistema. May mga front pa raw ang administration, wow, magugulat pa ba tayo? Ano ba masasabi natin? 'Ika nga ng plagiarized na kanta ng Orange and Lemons, "Pinoy ako."

Minsan, sa pangalan pa lang, malalaman mo na kung ano ang advocate ng grupo, at kung relevant sa'yo ang advocacy nila, go!

Kunwari, GABRIELA - women's rights. Although pinasok na rin nila na ipaglalaban nila ang karapatan ng kabataan, etc. Pero at least may general idea ka na ng advocacy nila.

Anakpawis, Labor Party, Luzon Farmers Party - obvious na siguro.

At mukhang relevant naman ang cause.

Ngayon, mapunta ulit tayo sa "abuso." May mga listahan sa website ng COMELEC kung ano ang mga puwedeng i-consider na partido, pero may mga Party List candidates na di mo malaman kung paano nakalusot.

Eto na-

KBL - ok, putangina. Ano ang ina-advocate nito? O sige, bago yun, anong sektor ng lipunan ang irerepresent ng grupong ito? Mga matatandang loyalistang di matanggap na nakakulong sa isang refrigerator si Makoy? Siguro relevant ito 20 years ago after ng EDSA 1, pero ngayon, who cares!? So ano ang ina-advocate nila? I-revive si Makoy, gawing cyborg at mag-take over sa Pinas? Gaano ka-loser ang grupong ito? Well, tinakwil sila ni Bongbong. Oo, yung anak ng idol nila, tinatakwil na sila. Wow.

FPJPM - o sige, aminado ako, relevant pa ito, pero anong sektor ng lipunan ang irerepresent? Mga fans ni FPJ? Mga bumoto kay FPJ? Unless binago na nila ang meaning ng acronym nila, i-a-assume kong " FPJ for President Movement" pa rin ang meaning ng pangalan nila. At dahil namamahinga na si FPJ, ano, revival na naman ba ang advocacy nito? Sana naman di showbiz ang advocacy ng FPJPM dahil kung meron tayong dapat bawasan sa bansang ito, showbiz yun.

Yeah, considering na para sa mga "marginalized" at "underrepresented" daw ang Party List system, alam ko marami pang mga stupid na grupo diyang nakikisawsaw. Ano susunod, partido ng mga child rapist? Ay hinde, binoto na pala kasi ng mga taga-Zamboanga del Norte, ewan kung nakaupo pa ngayon. Pero teka, tutal, gaguhan na rin lang naman tayo rito, makisawsaw na tayo sa abuso! Eto mga, partidong dapat nating isali-

TROPA NI DENU - oo, yung barkada ko nung college. Wala kaming ginawa dati kundi mag-inuman gabi-gabi at nanonood ng mga piniratang porno habang kumakain ng sky flakes na dinikdik sa century tuna. Advocacy? Ewan, against corruption kami, kasi yun naman ang madalas sinisigaw para nationalistic ka kunwari. At oo, marginalized at underrepresented kami, damnit, kasi wala kaming kabarkadang kongresman. Yeah!

WE LOVE KATHLEEN GO QUIENG - tutal may fans club naman si Makoy, bakit di pwedeng maging partido ang fans club ng isang dating child actress na di na natin alam kung nasaan na ngayon? underrepresented? Oo naman! Kelan ka huling nakakita ng taong kilala si Kathleen Go Quieng?

GOLF IS STUPID - eto naman, may social relevance. Samahan ng mga taong against sa Golf. Bakit? Kasi yung mga lugar na ginagawang country club, mas mabuti pang sakahan na lang at nang may mapakain sa mahihirap. Besides, boring at stupid sport ang golf, at ang mga nag-e-enjoy lang dito ay mga matatandang impotent na walang magawa sa pera nila kaya tumatambay sila sa country club kasama ng mga trophy wives nila para i-sublimate sa kanilang impotency ang pagpalo sa bola para mag-shoot sa maliit na butas.

HALOHALO FANS - isa lang masasabi ko - ANG SARAP NG HALO HALO SA CHOWKING! Sobra! Inaraw-araw ko dati kasi di ma-resist! Fan ka rin ba ng Halo Halo? Vote na!

Marami pa sigurong mga marginalized na sektor sa lipunan na di pa nakakabuo ng Party List group nila!
Feel free to add!


(Disclaimer muna, yung mga nalista ko rito, hindi necessarily mga grupong iboboto ko, mga sample lang po sila. Except kung may totoong grupong GOLF IS STUPID.)

3 Comments:

Blogger Maestro Silindro said...

ARTIST TALK PARTY LIST isuot nyo sa araw ng eleksyon.. Moss Green Font on White T-Shirt.. Pwedeng Sulat Kamay.. MAKISABAK!

2:19 PM  
Blogger evil wolf said...

alam mo, puwede. tutal, mas may saysay naman yan, pangalan pa lang, kumpara sa mga party list na front ng gobyerno.

nga pala, erratum din sa article. mukhang partido na ngayon ulit ang KBL. at ang party list ay ang "True Marcos Loyalist."

pota, mas pathetic tuloy ang pangalan...

5:41 PM  
Blogger lizardego said...

jol,
pol galang is just trying his best to do his rhyming. hindi naman porke't di ka nakialam e mangmang ka na't walang muwang. and di mo maaalis o mababawasan ang showbiz sa pinoy, yan ang kultura natin. nilulunod ng abscbn ang kagutuman ng mga tao sa mga istupidong reality tv't soap opera. abs-cbn at gma7 generation na ang mga pinoy. ang only salvation lang talaga ng pinoy ay final solution ni hitler. kill 30% of the pinoy population. di lang mga istupidong masa, ha? pati mga mayayamang nang uuto sa mga masa katulad ng abs-cbn at gma7 at mga ipokrito sa simbahan na tulad ni Cruz at lahat ng mga oportunistang politiko sa kanan at sa kaliwa. at higit sa lahat yung mga walang utak na sigaw ng sigaw sa kalsada. dapat igas chamber na lahat yang mga lintik na yan para umasenso na ang pinas at makauwi na ang mga ocw at mabuo ulit ang pamilyang pinoy.

3:10 PM  

Post a Comment

<< Home