Tuesday, August 21, 2007

Isang gabing pinagtripan ako ng langit... (a.k.a. di ako magugulat kung sitcom ang buhay ko)

So galing ako sa isang recording ng isang radio ad.
Yung area kasi, malapit sa Makati Cinema Square, maraming nightclub sa baba. So madalas makakita ng mga nakatambay na mga GRO dun, kahit hapon.

Anyways, 1030 na ng gabi. Maghahanap ako ng taxi. Lakad. Lakad papuntang MCS.

Nang biglang...

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

Isang malakas na hagulgol! Ang laki rin ng boses! Nampota, parang malaking trak na nag-re-rebolusyon!

E di tigil ako, di ba? Tangina, ano yun? Sino yun? - mga pagmumuni-muni ko habang isa-isang lumilitaw ang mga letrang W-T-F sa ibabaw ng ulo ko.

Tapos ayun... tuloy pa rin...

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

At nakita ko na.

Dun, nakatalikod na GRO yata yun. Tapos may nakayakap sa kanyang mahigpit na mahigpit. Lalaking kalbong naka-barong o polo, basta pormal ang suot. Umiiyak si lalaki, habang nakayakap, habang umuuga-uga sila.

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

Tapos may isa pang babae, medyo malayo sa kanila. Medyo mukhang pissed off. Kasama siguro nung kayakap nung humahagulgol.

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

So na-weirduhan ako. Wow. Akala ko sa mga drama lang ng channel 2 nangyayari yung mga ganung tagpo. Pinagtatawanan ko pa yung kapatid ko sa bahay pag nanonood nun. Corny! Sa TV lang naman yan e!

At siyempre ngayon, nasa harap ko, witness ako sa ganung tagpo in real life.

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

Art imitates life o life imitates art?

Sa TV natatawa ako sa ganung scenario. At ngayon, eto, real life, mas ridiculous.

"HUUUUUUUUUUU!!! >hikbi< HUUUUUUUUU!!!!"

Tatawa ba ako?

Ano ako, gago? Baka mabugbog ako.

Pinilit kong lumingon habang umaalingawngaw ang matitinding pagnanangis ng... syet, di ko na kaya ito.

Bumilis ang hakbang ko papuntang MCS.

So akala ko, oks na ako.

May dumaang taxi, pinara ko. Sakay.

Nice! Madali makakuha ng taxi ngayong gabi! Owrayt!

"Marikina tayo, manong!"

Go.

Tapos may umepal na jeep sa harap namin.

"Gago yan a! Potangina, di yan nag-seminar! Nung panahon ni Marcos di pwede yan! Kulong yang hayup na yan!"

At ewan, dumiretso na sa usapang presidente ang rants ni manong. At loyalista siya, apparently.

"Si Marcos kasi, ang ninakaw niya, pera ng ibang bansa! Yung pera natin, pinanggawa niya ng ospital tsaka ng tulay!"

"A, okay, e manong, si GMA, ano masasabi nyo?"

"Wala yun! Panay kurakot lang!"

"E si Erap?"

"Wala sinabi kay Marcos nun! Si Marcos lang ang magaling na presidente ng Pilipinas!"

"E si Ramos po?"

"Lintek! Yung hayup na yun! Balimbing yun e! Impaktong yun! "

"Okay... si Cory naman?"

"Ano? Yun? E ginanito ni Ramos yun e!" (sabay dutdot ng daliri sa dashboard)

"HA!? ANO!? Paano mo nasabi yun?"

"E di ba tinulungan ni Ramos maging presidente yun? E wala namang asawa, e di ginanun niya yun!" (sabay dutdot ulit sa dashboard, mas may conviction)

At nalipat ang usapan sa mahigit na 30 taon niyang pagda-drive ng trailer truck, bulldozer, at taxi.

Tapos naisip ko, mahaba itong araw na ito, at weirdo ang gabi. Sana may beer ako sa bahay...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home