Monday, February 26, 2007

Beer on the Rocks Ampotah!!!

Nung December 2006, tatlong kasal ang pinuntahan ko - 2 sa kabarkada ko, isa sa pinsan ko.
Isang malaking revelation ang lahat. Tumatanda na ako. Masyado bang emo? Ewan. Di na ako magdedwell sa mga nangyari sa ibang kasal dahil backgrounder lang naman ang lahat e.

So eto, nung kasal nung pinsan ko, bumalik dito yung ibang relatives mula sa tate, at siyempre, dollar-ispokening kami para mag-hang out.

Nung reception ng pinsan ko sa San Juan, umorder ng beer yung isang balikbayan kong pinsan. Tapos inabutan siya ng waiter ng isang lata ng San Mig Light tsaka isang basong may yelo.

Natawa siya, sabi sa akin "Why did the waiter put ice on my glass? What is this beer on the rocks?"

Sabi ko, "Errr... yeah, people here usually drink beer with ice."

Tapos tawa siya lalo.

Culture shock on both parts.

Naalala ko tuloy dati yung isang trivia ng tatay ko nung nagsisimula pa lang akong uminom. Sa ibang bansa, di naglalagay ng yelo sa beer. Pinapalamig yung baso sa freezer, tapos dun ibubuhos yung warm beer. Tapos toma.

Pero sorry po. Lumaki ako sa Pinas kung saan lahat ng masarap inumin, may yelo. Everything on the rocks, except siguro kung kape.

Iinom ako ng beer, gusto ko sobrang lamig. Kung walang yelo sa baso, yung bote mismo ang papalamigin. Dati nung college, dumating yung tropa sa amin para sa tumoma. Kumuha ako ng isang malaking dram, binuhusan ng tube ice yung loob hanggang mangalahati, naglagay ng mga bote ng beer sa loob, mula tanghaling tapat hanggang gabi, solb. Beer on the rocks. Asteeg!

So eto ngayon, pinapaliwanag ko sa pinsan ko kung bakit masarap uminom ng beer na may yelo rito sa Pinas.

"We're a tropical country, everyone loves cold beer..."

"But in New York, you'd get thrown out of the bar if you order beer on the rocks!"

Ngayon, ang lakas na ng tama niya, sumasayaw-sayaw na, pinipilit akong turuang sumayaw ng Peanut Butter Jelly Sandwich. Umorder pa ako ng isa pang beer, at basong may yelo.

Dumaan yung isang sosing metrosexual dude na kabarkada ng kinasal kong pinsan. Potek, magiging proud si Tim Yap dito kay mokong. Tinanong siya nung lasing na balikbayan kong pinsan-

"Hey you! Do you drink beer on the rocks?"

"No... I hate beer on the rocks..."

Pokenanginanyo... ako lang jologs dito. Toma ako ng isa pang basong puno ng beer at yelo.

Nung New Year's Eve, nandun kami sa bahay ng pinsan kong bagong kasal, dun din nakitira muna yung mga tita ko, at yung pinsan ko from tate, yung ayaw uminom na beer on the rocks.
So ayun, umiinom ulit ako. Beer, sa plastic cup na may yelo. Oo, plastic cup. Wala akong makitang baso.

Tapos ayun, napunta ulit sa beer on the rocks ang usapan. Tapos, napunta ulit sa "drinking games."

"Do you guys have drinking games here?"

"What do you mean drinking games?"

"Like this, it's called flip the cup..."

Tapos, may demo. Nilagay niya yung plastic cup, pabaligtad, sa dulo ng mesa. Ngayon, ifi-flip mo yung cup, para bumaligtad o kung ano mang syet na objective ang dapat mong gawin. Di ako masyadong naka-focus.

"So, what's the point?"

"The point? What's the point?" Tawa siya. "It's FUN!"

"No, it's not."

"Yes it is!"

Salo yung "pinsan-in-law" kong halatang medyo asar na rin.

"No, it's not."

"Don't you guys have any drinking games here?"

Tapos in-explain ko yung ritwal ng tagay. Tawa siya.

"That's not a game!"

"No, it's not. It's a ritual. Why the hell would I go to a drinking party and play stupid party games?"

Tapos binuyo namin siya uminom ng beer on the rocks, at 'di niya talaga kaya.

Oks lang. Maligamgam na beer ko sa plastic cup. Pumasok ako, nakakuha ng baso, pinuno ng yelo at beer.

Habang umiinom ako ng beer kong may yelo, iniisip ko sana nandito yung mga tropa ko. O yung tatay ko tsaka yung isang utol ko, pero vodka titirahin ni erpat so okay lang, more beer for me. Beer on the rocks.

Hiatus atbp.

Wheee!!! Nakabalik na ulit...

Matapos ang dalawang buwan ng technostress, holiday stress, at work stress...

At habang namamahinga ang blog na ito, kabaligtaran naman sa aking sinusukat ang oras ng buhay sa deadlines.

Naalala ko dati, sa isang toma session namin ng Team Angas, sabi ni Nathan, nakaka-dehumanize ang pagtrabaho.

Agree ako dun. Pero general statement yun masyado, kung gusto nyo ng specifics, sige, 90% ng dehumanization ay nangyayari sa biyahe papunta sa trabaho at pauwi sa bahay. Yung pagsabak sa rush hour, yung paggising mo ng maaga para maiwasan ang traffic, at yung pagtambay mo sa opisina sa gabi para di ma-stuck sa gulo sa kalsada - yung mga kinakaing oras nito na dapat oras mo para sa sarili mo. Yun, uuwi ka ng bahay para lang kumain at matulog.

Ngayon, overtime kami sa opisina, at kumakain ako ng Boy Bawang para magising. May konting oras para mag-update, at honestly, isang napaka-lousy na update ito.

Pero bukas, pag medyo kumalma na ang workload, marami akong ikukuwento.

Ikukuwento ko yung weekend ko sa Diliman Motorshow, at yung dulang thesis ng kapatid ni Kokoy.

Ngayon, magpapakangarag muna ako sa cornick habang sinasakal ng pagka-uhaw sa beer...